Chapter Seven: Dinner With Parents

27.1K 372 31
                                    

Ngayong gabi ay nakatakdang pumunta si Shaine sa bahay nina Damon. Madalas siyang nasa bahay ng mga ito noong mga nakaraang linggo dahil kay Mei-Mei, pero iba ang ga-bing ito dahil niyaya siya ni Damon para ipakilala as official girlfriend nito sa parents nila. Isa pa, kahit naman nagpupun-ta siya kina Mei-Mei ay never pa naman niyang na-meet ang parents ng mga ito dahil palaging wala ang mga iyon kapag bumibisita siya.

Kung natuturuan lang ang puso at tatanungin siya kung mayroon man siyang taong gugustuhing mahalin ay si Damon iyon. Bakit nga namang hindi? Handa itong gawin ang lahat para sa kanya kahit na ito mismo ay nasasaktan na para lamang matulungan siya. Palagi itong nasa tabi niya at iniintindi ang nararamdaman niya. Kahit alam niyang maling gamitin si Damon para kalimutan si Mei-Mei at masa-saktan ito dahil mahal siya nito ay nakapagdesisyon na siya na pumayag sa suggestion nito na maging sila. Baka sakali na matutunan nga niya itong mahalin katulad ng sinabi nito.

Todo paganda siya habang hinihintay si Damon na dumating. Hindi na siya nagpunta ng salon dahil kaya naman niyang ayusan ang sarili.

Napabuntong-hininga siya nang makita ang magan-da niyang mukha sa salamin. Habang tinitingnan niya ang kanyang repleksyon ay hindi niya maiwasang hindi kausapin ang sarili.

"Tama. Kakalimutan ko na si Mei-Mei. Hindi ang mukhang ito ang dapat kong sayangin. Masyado akong ma-ganda para magpakatibo lang. Kung tutuusin, mas maganda pa nga ako kaysa sa kanya kaya dapat mapatunayan ko sa sa-rili ko na hindi talaga ako in love sa sa babaeng iyun! Nagu-guluhan lang ako. Hindi ako lesbian at hindi ako magiging lesbian nang dahil lang sa kanya. Si Damon... siya ang dapat kong mahalin." Pinapaniwala na lang niya ang sarili niya na kaya niya pang takasan ang nararamdaman niya kaya naman hinahanapan na lang niya ng dahilan para mapagtakpan ang totoo.

Nakarinig siya ng katok mula sa labas ng pinto ng kuwarto niya. Naroon na raw si Damon sabi ng isa nilang katulog na babae. Nagmadali siyang lumabas ng kuwarto at sa pagdating niya sa sala ay nakita niya si Damon na nakaupo sa sofa nila at iniikot ang paningin sa bahay nila.

Lumapit siya rito at tinapik sa balikat. "Damon."

Nagulat ito sa kanya at hindi agad nakapagsalita.

"Whoa! Ang ganda mo naman, Shaine. Siguradong matutuwa sina mama at papa kapag nakita ka nilang ganyan," masiglang sabi nito pagkatayo sa kinauupuan.

Ngumiti na lang siya at lumabas na sila ng bahay saka sumakay sa kotse niya. Wala naman kasing sariling sasakyan si Damon. Kahit papaano ay kinakabahan din siya. Sa unang pagkakataon ay makikita na niya ang parents nito. Mata-gal na silang mag-best friend pero sa higpit ng mommy niya noon ay halos bihira lang siyang makapunta sa bahay nito dati. Si Damon pa ang dumadayo noon sa kanila. Pumupunta rin naman siya sa bahay nito noon pero madalas ay palaging wala ang parents nito kaya naman hindi pa niya namemeet ang mga ito.

Hanggang sa nag-migrate na nga sila sa America at hindi na niya nakilala ang parents nito. Kaya naman pumayag na rin siya nang niyaya siya ni Damon na mag-dinner kasama ang buong pamilya nito.

At si Mei-Mei, siguradong naroon din iyon. At sa kaisipang makikita niya ito ulit ay kinakabahan na agad siya kahit araw-araw naman niya itong nakikita sa school. Lalo pa at plano na siyang ipakilala ni Damon sa mga ito bilang girlfriend nito. Ayaw man tanggapin ng nararamdaman niya ang desisyong iyon, pero kailangan niya itong panindigan at alisin ang anumang kakaibang nararamdaman niya para kay Mei-mei, dahil mali iyon. Continuing her feelings for Mei-Mei is like killing herself. It is too painful.

Tama si Damon, kahit ano'ng mangyari ay dapat la-banan niya ang feelings niya para kay Mei-Mei dahil parehas silang babae.

Isang mainit na yakap ang isinalubong ng mama ni Damon sa kanya nang makapasok na sila sa loob ng gate. Hindi niya alam pero para bang gustong-gusto siya nito. Hin-di na siya magtataka kung naiku-kuwento siya ni Damon sa mga ito.

Strange Love (Published By Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon