Chapter Four: Girlfriend

29.7K 546 56
                                    


Nakadikit na ang isang tenga ni Mei-Mei sa labas ng pinto ng kuwarto ni Damon. Gusto niyang marinig ang sinasabi ng kuya niya sa loob. Baka kasi magtapat na talaga ito kay Shaine. Naiinis siya dahil wala siyang marinig.

Hanggang sa biglang bumukas ang pinto at nangud-ngod ang mukha niya sa sahig dahil sa pagkakasandal niya rito. Niluwa ng pinto ang nakakunot na noo nina Damon at Shaine.

"Mei-Mei, ano'ng ginagawa mo riyan? Kanina ka pa riyan, ano? Nakikinig ka yata sa pinag-uusapan namin!" Ta-mang hinala ng kuya niya.

"Excuse me, ha! Ano namang akala mo sa akin, kuya, tsismosa?! Huwag ka ngang feeling! Bakit naman ako makikinig sa pinag-uusapan ninyo?!" galit-galitang sabi niya. Tumayo siya ng diretso at pinagkrus ang mga braso niya sa kanyang dibdib. Pagkatapos ay ibinaling niya ang kanyang ulo sa gilid at ngumuso ng ilang segundo saka ibinalik ang tingin niya sa kuya niya.

Nanlaki ang mga mata ng kuya niya sa ikinilos niya. Para bang hindi ito makapaniwala sa pag-iinarte niya sa hara-pan ni Shaine.

"Nag-aalala lang ako kay Ate Shaine kasi gabi na." Saka siya tumingin sa direksyon ni Shaine. Ngumiti siya ng matamis dito. "Doon ka na lang matulog sa kuwarto ko, Ate. Baka rape-in ka lang ni Kuya rito." Pinanlakihan naman siya ng mata ni Damon. Nanahimik na lang muna siya. Baka ma-kutusan na naman siya nito.

"Naku, hindi! A-ah, uuwi ako, Mei-Mei. Salamat na lang ha, pero hindi ko kasi dala iyong uniform ko, may pasok pa tayo bukas, e."

"Parehas naman tayong sexy. Maliit lang ako ng kaunti pero sigurado naman na kakasya ang damit ko sa 'yo. Dito ka na lang matulog, Ate Shaine! Sige na! Tapos tabi tayo sa bed," pamimilit pa rin niya.

"Naiwan ko rin kasi iyong mga textbook ko sa bahay. May dala naman akong kotse at 8 p.m. pa lang naman. Huwag ka nang masyadong mag-alala sa akin," pagtanggi pa rin nito.

Napapansin niya na parang palagi itong nabubulol sa pagsasalita kapag siya ang kausap. Para ngang kinakaba-han pa. Pero kapag ang kuya niya ang kausap nito ay diretso at pormal pa nga ito magsalita. Umikot na lang ang eyeballs niya. "Kung ayaw e, 'di 'wag. Arte, eh. Halata namang nag-da-dahilan lang siya dahil ayaw siguro niyang makatabi ako," naiinis na bulong niya sa isipan niya.

Hinatid na lang nila hanggang sa sasakyan si Shaine hanggang sa makaalis na ito. Parang maamong tupa si Damon habang nagpapa-alam pa kay Shaine. Napailing na lang siya dahil para itong babae. Halatang-halata na kinikilig kay Shaine e, ang laki-laki pa naman ng katawan at siga pa sa school.

Napaigik siya nang bigla siyang kinotongan ni Da-mon nang hindi na nila tanaw ang prinsesa nito.

"Aray! Bakit mo ba ako kinotongan?!" inis na tanong niya.

Inilapit ni Damon ang mukha nito sa kanya at saka siya sinigawan. "Para 'yan sa ginawa mo kanina. Tama ba namang makinig sa may usapan nang may usapan?!" Halos lumabas na ang mga ugat sa lalamuan ni Damon sa sobrang galit sa kapatid.

Nagbaba siya ng tingin saka kinagat ang ibabang labi niya. Pinagkrus din niya ang mga braso sa dibdib dahil na-karamdam siya ng kaunting lamig, hanggang ngayon kasi ay nasa labas pa rin sila.

"Wala naman akong narinig, e," pagsisinungaling niya.

Mula sa gilid ay pumunta ito sa harapan niya at iniangat ng kamay nito ang baba niya para magpantay ang tingin nila.

"Saulo ko na kapag nagsisinungaling ka, Mei-Mei! 'Yang nguso mo, kinakagat mo!"

Huminga siya ng malalim bago hinarap ang kuya niya uli. "Hindi nga ako nagsisinungaling. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko naman narinig kung paano ka bin-asted ni Ate Shaine!" sigaw rin niya sa kuya niya.

Strange Love (Published By Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon