Chapter Nine: One Sided Love

26.7K 360 28
                                    

Nasa labas na ng gate ng school si Damon, hinihintay si Shaine at Mei-Mei. Hindi kasi siya pumasok ngayon dahil hi-narang siya kaninang umaga ng mga dating nakaaway niya noon sa gang. Naipanalo naman niya ang laban, pero hindi na lang siya pumasok dahil ayaw niyang magpakita sa mga guro na may pasa sa mukha at baka masabihan na naman siyang delingkuwente.

Ewan ba niya sa mga kaaway niya, hindi siya tinitigi-lan. Kahit kasi ano'ng gawin niya ay hinahabol pa rin siya ng dati niyang buhay kahit pa sabihin na tinalikuran na niya ang pagiging gang leader noon pa man. Pero kahit may sariling problema ay alam niyang mas dapat niyang unahin si Shaine kaya pumunta pa rin siya sa school kahit umabsent siya kani-na para sunduin ang mga ito.

Alam niyang kailangang-kailangan niyang samahan

si Shaine after school dahil hindi naman siya inosente sa feel-ings nito para sa kapatid niya, alam niyang hindi makakabu-ti rito na makasama pa nito ang kapatid niya ng matagal sa classroom kaya as much as possible, after school ay gusto niya na sila ang palaging magkasama. Kaiba noong hindi pa nito sinasabi sa kanya ang feelings nito para kay Mei-Mei, tuwing uwian ng mga ito ay may 'girl' hang out palagi ang mga ito at iniiwanan pa siya. Iba na ngayon dahil alam na niya ang sikreto nito.

Alam niyang uwian na ng mga ito. Nag-text siya kina Shaine at Mei-Mei pero parehas na hindi nag-reply ang dala-wa. Inip na inip na siya roon sa labas. Sumandal siya sa pader habang nakatungkod ang isang paa nang bigla niyang na-mataan na palabas na ng gate si Mei-Mei. Napangiti agad siya dahil balak niyang utusan ito na sunduin si Shaine sa loob. Kapag nakita kasi siya ng mga teachers sa loob ay malamang na sa counselling na naman ang bagsak niya dahil baka ma-pagkamalan na naman siyang nang-api ng estudyante sa loob o kahit sa labas ng school dahil sa pasa niya sa mukha. "Hey, little sister, where is my beautiful girlfriend?" nakangising tanong niya sa kapatid na naka-cross-arms pa.

Nawirduhan siya sa tingin ng kapatid niya sa kanya. Tiningnan lang siya nito na para bang kinikilala kung sino nga ba siya. Parang wala sa sarili ang kapatid niya dahil na-katulala ito at para bang na-shock ito sa isang bagay na nag-pawala sa katinuan nito. Pawis na pawis din ito at tila hindi mapakali.

"A-ah, hindi ko alam, e," natutulirong sagot nito saka nilagpasan siya na halos tumakbo na. "Hoy, Mei-Mei! Bakit ka ba parang hinahabol ng as-wang? Saan ka pupunta?" pagsigaw niya pero para bang wala

na itong narinig. Tuloy-tuloy lang itong tumakbo palayo sa kanya na para bang may tinatakasan ito.

Wala na siyang nagawa dahil mukhang walang kuy-ang nakita ang kapatid niya. Kasunod ng paglabas ni Mei-Mei ay si Shaine naman ang namataan niya na palabas na rin ng gate mula sa loob. Nagulat siya nang mapansing namumugto ang mga mata nito.

"Hey, what happened?" Saka pumasok sa isip niya iyong expression ng mukha ni Mei-Mei kanina. "Don't tell me—"

"Yes, Damon. I already told her and now she hates me," mapait na sabi nito.

"Shaine—" Hindi niya mahanap ang tamang salita para kay Shaine.

Sa labas ng gate na iyon kung saan sunod-sunod ang mga estudyanteng lumalabas at pumapasok sa eskwelahang iyon ay tila ba huminto para sa kanila ang mundo. Pakiram-dam niya ay walang ibang nakikita ang mga mata niya kundi si Shaine lang na bakas sa magandang mukha nito ang matin-ding sakit na pinagdaraanan nito. Para bang anumang minu-to o kahit kaunting tama lang ng hangin dito ay babagsak na ito sa sobrang panghihina.

Hindi na niya napigilan ang sarili at niyakap niya ng mahigpit si Shaine. Alam niya na higit sa ano pa man ay iyon ang kailangan nito.

Alam niya ang pakiramdam ng ma-reject. Parang kinukuha ang puso mo palabas ng katawan mo. Ganoon ka-sakit. Naranasan din niya iyon mula mismo kay Shaine noong ipinagtapat nito sa kanya kung sino talaga ang totoong mahal nito. Iyong mahal nito na malabong maging siya.

Strange Love (Published By Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon