Chapter Six: Obviously In Love

28.3K 395 54
                                    

Umuwi si Mei-Mei na badtrip na badtrip. Naiinis siya kay Denver. Na-high blood siya noong sinabi nito sa kanya ang totoong rason kung bakit ito nakipaglapit sa kanya. Si Shaine naman pala ang gusto nito. At ang mas kinainis pa niya ay nagpapatulong pa ang walang'ya na manligaw. Kumukulo ang dugo niya. Sobrang nakakapalan siya sa mukha ni Den-ver. Nakipaglapit pa talaga ito sa kanya at binitin pa ng ilang linggo ang pakay bago tuluyang umamin sa kanya. "Napa-ka-user na lalaki!" naiinis na sigaw niya sa isipan niya.

Akala pa naman niya ay magkakaron na siya ng boyfriend na athlete. Si Shaine na naman ang dahilan kung bakit siya broken hearted ngayon. Hindi na niya magawang tignan ng patas ang mundo, dahil pakiwari niya, hinakot na ni Shaine lahat ng maganda sa mundo. Mapababae man o mapalalaki, lahat ay naakit dito.

Mga ilang bloke bago siya makarating sa bahay nila, bigla siyang napatigil sa paglalakad. Napagtanto niyang tama ang kuya niya. Hindi kailangang mahirapan ni Shaine pag-dating sa mga lalaki dahil nasa kanya na ang lahat. Mayaman ito, maganda, matalino, at sikat na sikat pa. Hindi naman siya galit kay Shaine dahil ito ang gusto ni Denver at hindi siya. Kung minsan lang talaga ay hindi niya maiwasang hin-di mainggit dahil maraming nagkakagustong lalaki rito kahit wala naman itong ginagawa. Napabuntong-hininga na la-mang siya. Kasing lamig ng hangin ngayong gabi ang paki-kitungo sa kanya ng tadhana.

Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad. Gano'n lang yata talaga ang buhay. Kung mahaba masyado ang hair ni Shaine ay wala na siyang magagawa. Magkaibigan sila nito, e. Nainis lang talaga siya kay Denver dahil pakiramdam niya ay gusto siya nitong gamitin kung kailan naman gustong-gusto na niya ito. Pinangako niya sa sarili na hindi na lang ito pa-pansinin.

Pagpasok niya sa bahay ay nakita niya agad sa sala ang kuya niya. At nanlaki ang mga mata niya nang makitang umiinom ito. Tila pasan nito ang buong mundo sa hitsura nito ngayon. Bagsak ang dalawang balikat, namumugto ang mga mata at nakayuko habang tinititigan ang maliit na baso na puno ng alak. Lumapit siya sa kapatid. "Kuya, ano ba 'yan! Tama na kaya 'yan, may pasok ka pa bukas, o. Baka hindi ka na naman magising ng maaga!" sermon niya saka hinila sa kamay nito ang alak, pero bago pa niya makuha iyon ay naii-was na nito.

Tumingin ito sa kanya. Namumungay ang mga mata nito dahil na rin sa kalasingan. "Alam mo bang kami na ni Shaine?" pagbabalita nito.

"Kung kayo na, bakit parang pang-semana-santa ang mukha mo riyan? Sa tingin ko ay lasing ka lang o kaya naman nananaginip ka na!"

"Bakit Mei-Mei, sa tingin mo ba hindi ako magaga-wang magustuhan ni Shaine? Guwapo naman ako, hindi ba?" boses lasing na sabi nito.

Hindi siya umimik. Mahirap talagang kausap si Da-mon kapag lasing dahil nagiging makulit ito.

"Alam mo, Mei-Mei, hindi ko maintindihan. Ano bang meron ka na wala sa akin, ha? Ang payat-payat mo." Sinukat nito ng kamay nito ang wrist niya. "Maliit."

"At hindi ka rin naman matalino." Dinuro pa nito ang sentido ng ulo niya pagkatapos ay ikinulong naman nito ang dalawang kamay sa mukha niya. "Naging cute ka lang naman ng kaunti pero bakit ganun? Natalo mo ako?" parang may bu-mara pa sa lalamunan ni Damon nang sinabi nito iyon. Ang boses nito ay punong-puno ng pait na mas mapait pa kaysa sa alak na iniinom nito.

"Defense mechanism lang ba ng kuya ko ang sinabi niya na girlfriend na niya si Shaine? Hindi kaya binasted lang talaga siya?" malaking tanong ni Mei-Mei sa kanyang isipan.

"Pangalan mo pa lang parang pambata na e. Mei? Mei? Mei? Mei-Mei? Paulit-ulit?" Saka ito nakakalokong tu-mawa at kinurot-kurot pa ang pisngi niya. Pero kahit na tu-matawa ito ay bakas pa rin ang himig ng lungkot sa mukha at boses nito.

Bigla siyang nag-alala. "Kuya, ayos ka lang ba talaga? Binasted ka ni Ate Shaine, ano? Iyong totoo? Umamin ka na at huwag nang magsinungaling! Paano ka naman kasi niyang sasagutin kung napakalasinggero mo!"

Strange Love (Published By Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon