Chapter 25

8 1 0
                                    

'Biro'


Buong buhay ko lagi kong inisip na kailangan kong ayusin ang lahat ng mga bagay at maging matigas pagdating sa sarili dahil ako lang ang inaasahan ng pamilya ko.

Bilang panganay kailangang hindi ako maging makasarili at laging iisipin ang pamilya sa mga desisyon na gagawin.

The responsibilities that were set on my shoulder from an early age made me put so much pressure on myself that I didn't realize the fact that I was already drowning in my own expectations.

Siguro iyon din ang isa sa pinakadahilan kung bakit pilit kong pinigilan na aminin sa sarili ang nararamdaman kay Primo.

Kaya nakakagulat na kahit nang makita ko na nasa ikalawa lamang ang pangalan ko, hindi ako naka ramdam ng guilt. I didn't feel the need to punish myself because I did not get the top place. Ang isang bagay na pinaniwalaan ko na dapat lagi kong maachieve.

Sa unang pagkakataon, naging proud ako sa sarili ko kahit na hindi ako ang nasa itaas. Hindi ako nakaramdam ng lungkot o pagkukumpara bagkus ay naging inspirado pa sa pag-aaral ng mabuti nang sa ganon mas gumaling pa ako.

Ni hindi ko na inisip kung ano ang sasabihin ng nanay kapag nalaman niya ang tungkol dito.

Naramdaman ko na gumalaw ang katabi ko at lumapit pa sa akin.

Nag-angat ako ng tingin kay Primo na ngayon ay nakatingin sa akin. Tila tinatantiya at binabasa ang reaksyon ko. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang siya nangiti ngayong siya ang pinakamataas sa klase.

Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"Congrats sa ating dalawa!" Masayang sabi ko.

Tipid siyang ngumiti at bumaba ang tingin sa kamay ko na nakahawak ngayon sa kaniya. Inayos niya iyon kagaya ng palagi niyang ginagawa, pinagsalikop ang kamay naming dalawa. Dahil maaga pa at halos wala pa kaming kaklase ay hinayaan ko na lang na gawin niya iyon.

"Salamat."

Mabilis ang panahon, hindi ko namamalayan ang paglipas ng mga araw. Para yatang bumibilis ang oras, lalo na kapag kasama ko si Primo.

Kahit ang mga gawain sa eskwelahan parang dumadali dahil sa kaniya. Hindi na ako nag-aalala sa tuwing may hindi ako maintindihan dahil alam ko naman na nandiyan siya para turuan ako sa mga hindi ko alam.

"May naisip na ba kayong topic para sa thesis?" Tanong ni Harley.

Sa aming thesis writing, binigyang laya kami ng teacher na mamili ng kagrupo, magiging by four ang bawat grupo. Napagdesisyunan namin na ako, si Primo, Joanne, at Harley na ang magkakasama.

Ngayon nandito kami sa malawak na library ng mansion nila Primo. Nagkita-kita kami rito para maumpisahan na ang thesis.

Ilang buwan na lang at gagraduate na kami. Sa susunod na buwan magkakaroon kami ng senior prom, pagkatapos niyon ay defense at final exams week kaya naman halos hindi na naming alam kung ano ang uunahin.

Kung hindi lang kami magkaklase ni Primo siguro ay halos hindi na kami magkita sa loob ng isang araw. Buti nan ga lang talaga at magkaklase kami, pakiramdam ko kahit na mahirap medyo naddistract ako dahil sa kaguwapuhan ng boyfriend ko.

Lalo na ngayon, suot na naman niya ang salamin at nakatutok sa laptop habang nag-iisip kami ng magandang research title.

Naka-upo ako sa tabi niya dahil inunahan na niya kanina si Harley na mukha pa yatang sa tabi ko sana uupo.

May dala ring laptop si Harley at Joanne, ako lang ang wala dahil wala rin naman akong ganoon. Balak kong kapag nagcollege na lamang bumili lalo pa at mahigpit kami sa budget ngayon.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora