Chapter 18

7 2 0
                                    

'Pale'


Sabado ng umaga maaga akong gumising para tumulong sa pagtratrabaho sa bahay bago ako umalis. Napag-usapan kasi namin nila Joanne na mag-group study sa bahay nila Amelia. Hindi na sana ako sasama pa sa group study nila pero nakakahiya namang tumanggi dahil si Amelia pa mismo ang nangumbinsi sa akin.

Kagaya ng palagi kong ginagawa, nag-umpisa ako sa pagwawalis ng bakuran. Pagkatapos noon ay nilisan ko ang kulungan ni Peppa, pinakain ko na rin siya at pinaliguan. Napaka-init kasi ng panahon at minsan ay bigla na lamang umuulan dahilan kung bakit madalas magkasakit ang mga alagang hayop ngayon.

"Tianna?" Rinig kong tawag sa akin ni lola.

"Po?" Tanong ko habang nililinisan ang timbang ginamit ko kanina.

"Hindi ba at may lakad ka ngayong araw? Hinid ka pa handa." Ani lola na nag-gagantsilyo sa harap ng bahay.

"Mamaya pa naman po iyon lola, may iuutos po ba kayo?" Tanong ko at lumapit sa beranda kung saan siya naka-upo.

"Ano po ang ginagantsilyo niyo?" Tanong ko kay lola. May kulay blue na yarn siyang ginagantsilyo at mukhang hindi pa ito tapos dahil hindi ko mawari kung anong ginagawa niya.

"Ipinag-gagantsilyo kita ng bagong blusa dahil lahat ng blusa mo ay mukhang luma na." Sagot ni lola at nihead to foot pa ako para tignan ang ayos ko.

"Para kang hindi dalaga, paano ka magkakaroon ng nobyo kung ganiyan." Dagdag niya pa.

Umarte ako na parang nasasaktan dahil sa sinabi ni lola at tinawanan niya lang ako. "Lola anong masama sa get up ko? Ayos naman ha? At lola wala akong balak mag boyfriend matagal ko ng sinasabi iyon sa inyo." Depensa ko.

"Ay sus! Hindi mo na iyan masasabi kapag nakilala mo ang lalaking magpapatibok ng puso mo." Sabi ni lola na ngayon ay may malisyoso ng ngisi.

"La! Nakaka-cringe naman." Sabi ko habang natatawa.

"May i-uutos ka po ba lola bago ako mag ready para umalis?"

"Ay apo diligan mo na rin ang mga bulaklak sa harap, ay kahapon ko pa sila hindi napupuntahan dahil sa pagsumpong ng arthritis ko."

"Sige po lola." Ngumiti ako at nagpaalam na para gawin ang ini-uutos niya.

Umikot ako sa gilid ng bahay para kunin a ng hose at ikonekta ito sa faucet na nasa harap ng bahay. Hindi ko na alintana ag tagaktak na pawis at maduming damit ko dahil pagkatpos ko dito ay maliligo na rin naman ako pagkatapos ko dito.

Inumpisahan ko na ang pagdilig sa mga halaman ni lola, mahina pa akong kumukanta habang pinapanood ang pagtama ng mahinang tubig sa pulang-pulang mga rosas. Umuklo ako para mas mabigyang pansin pa ang isang bulaklak na hindi pa namumukadkad. Napangiti ako, therapeutic din naman talagang tumingin ng mga bulaklak kaya nae-enjoy ko din sa tuwing inuutusan ako ni lola.

"Magandang umaga!" Bati ng kung sino man.

Nakangiti pa rin, nag-angat ako ng tingin sa bumati at agad na bumati din ng magandang umaga. Hindi ko nga lang inaashan na si Primo pala iyon. Nakangiti siya sa harapan ko at bihis na bihis. Napalitan ng kunot noo ang ngiti ko.

Hindi ko mahagilap ang salitang gusto kong sabihin lalo pa at naka-awang pa ang labi ko. Nakasuot siya ng simpleng white polo at khaki na cargo shorts, Primo looks dashing, lagi naman. Nagtaas siya ng kilay at mukhang naghihintay pa sa dagdag na sasabihin ko.

Bigla akong naconcious at napatingin sa sariling damit. Bakas ang dumi dahil sa mga gawaing bahay na ginawa ko kanina. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko at umayos ng tayo.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Where stories live. Discover now