Chapter 12

17 2 0
                                    

'Gago'


"N-A-R-R-A! GO FIGHT WIN NARRA!!" Sa labas pa lamang ng gymnasium ay rinig na rinig na ang cheer ng mga estudyante sa loob. Hawak ang mga walang laman na plastic bottle na ginagawa nilang pampa-ingay

Napadaan kami doon ni Joanne dahil sa utos ng adviser namin. Kanina pa nag-umpisa ang basketball game at mga junior's pa lamang ang naglalaro kaya naman kakaunti pa lamang ang mga estudyante na nanonood doon, mamayang hapon pa kasi ang mga seniors.

Nang makabalik kami sa booth namin ay agad kaming sinalubong nila Harley, ngumiti ako nang kunin niya mula sa kamay ko ang dala-dala kong box.

"Salamat." Tanging sabi ko habang iginagala ang paningin sa mga kaklase ko.

Wala pa siya. Mula kaninang umaga ay hindi ko pa nakikita si Primo. Napapikit ako nang maalala ko kung ano ang nangyari matapos niya akong ihatid sa bahay namin kahapon.

Bumuntong hininga ako at pinatong ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay. Kasabay ng paghila niya sa akin paakyat sa kabayo niya ay kasabay ng pagtalon ng puso ko. Ang init ng palad niya at kahit na medyo magaspang iyon ay dama mo ang pag-iingat at safety sa hawak niya.

Napasinghap ako nang hawakan niya ang isa ko pang kamay at ipinalibot iyon sa baywang niya. Tila natameme ako at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Magrereklamo ba ako o hahayaan ko na lang ang ayos namin.

Tinignan ko ang lupa mula sa kinauupuan ko at mas humigpit lang ang hawak ko sa t-shirt niya ng makita ko na mataas nga. Batuhan pa ito at kung mauuna ang ulo ko sa pagbagsak ay paniguradong mababagok ako at magkaka-amnesia.

Naramdaman siguro ni Primo ang paghigpit ng hawak ko sa kaniya kaya hinawakan niya rin ang kamay kong nakakapit sa kaniya.

"Chill ka lang, don't be scared." mahinahon niyang sinabi.

"Dahan-dahan lang Primo ha!" sabi ko naman.

"Alright, alright." Aniya na lamang at saka na tinapik ang kabayo para tumakbo na ito.

Noong una ay kinakabahan pa ako pero nang nagtagal ay unti-unti na itong humuhupa. Sobrang tahimik naming dalawa habang pauwi.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumalon ang kabayo para iwasan ang batong may kalakihan na nakaharang sa daan. Hindi ko iyon napaghandaan kaya bumangga ang dibdib ko sa likod ni Primo.

"Primo! Sabi ko dahan-dahan lang eh!!" Kung hindi lang ako takot bumitaw at mahulog ay kanina ko pa siya nasapak.

"H-hindi ko naman sinasadya!" Depensa niya naman.

Matalim kong tinitigan ang likuran niya at alam kong ramdam niya ang nakamamatay kong titig kahit hindi pa niya ako tinitignan. Ngayon ko natanto na kahit pala ang likuran ni Primo ay napakaguwapo. Dahil na rin sa lapit namin ay mas naging detalyado pa siya sa panigin ko.

May kahabaan na muli ang buhok niya at dahil sa pawis ay mas nagmukha pa itong mahaba. Malapad ang balikat at matigas ang likuran, alam kong kahit na eighteen palang siya ay may sinasabi na ang pangangatawan niya.

Nakita ko na may roon na namang nakaharang sa daan kaya hinanda ko na ang sarili ko pero wala paring epekto. Bumangga parin ang dibdib ko sa likuran ni Primo. Natigilan ako dahil nakakaramdam na ako ng hiya ngayon. Tangina! Agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.

"Nakakainis ka Primo!" pinaghalo na ang hiya at inis ko sa kaniya.

"That's out of my control!" Medyo tunog frustrate

Nakita ko ang pamumula ng batok at tainga niya. Napaka awkward!!

Pagkarating na pagkarating namin sa harap ng maliit na gate namin ay siyang pagbuhos ng malakas na ulan. Inalalayan niya ako pababa at agad na akong tumakbo sa loob ng bahay. Dahil kinailangan niya pang itali ang kabayo sa silong ay nahuli na siya sa akin.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt