Chapter 4

21 3 0
                                    


'Classmates'

Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng skirt ko habang nakatayo ako sa harapan ng gate ng school. Ito ang unang araw ng pasukan at medyo kinakabahan ako dahil hindi ko kasabay si Isang sa pagpasok. Sinabi niya kasi sa akin na magkita na lang daw kami sa school. Kaya heto ako at mag-isa ngayon dito.

Hindi pa naman kami magkasection dahil magkaibang strand ang kinuha namin. Hindi ko maintindihan kung kinakabahan lang ba ako o masiyado na kaong nag ooverthink.

Bumuntong hininga ako at sa paghakbang ko ng paa ko ay siya ring paghinto ng isang SUV. Napalingon ako doon sandali doon at ipagkikibit balikat na lang sana nang bigla iyong bumukas at doon bumaba ang taong hindi ko inaasahang makikita ko agad ngayong umaga.

Si Primo, ibang-iba ang hitsura niya sa suot niyang school uniform. Napakalinis niyang tignan sa suot niyang puting polo shirt na may itim na mga butones. Maayos ang pagkakalagay ng neck tie niya at mas lalo pang napansin ang pagiging matangkad niya dahil sa itim na slacks.

Nagtama ang mga paningin namin at kitang kita ko kung paano niya hinawi ang nagulong buhok niya dahil sa hangin na sumalubong sa kaniya sa pagbukas niya sa pintuan ng sasakyan. Tinitigan niya ako ng ilang Segundo at hindi ko mapigilang hindi tumitig pabalik.

Ngumiti siya sa akin nang mapansin niya na nakatitig ako sa kaniya. Kagaya ng laging nangyayari kumurba ang mga mata niya dahil sa pag-ngiti niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa tuwing ngumingiti siya ng ganoon. Hindi ako mapakali at pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa kaba.

Nakakapagtaka dahil hindi naman espesiyal sa paningin ko ang mga singkit na lalake noon.

"Oh? Tiana?!" Ngumiti siya sa akin at kumaway.

Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at maliit na ngumiti. Malapit na siya sa akin nang batiin siya ng grupo ng mga lalake. Tinitigan ko sila ng maiigi at doon ko natanto na sila ang mga kasama niya sa kainan noong nag-enroll ako.

Nakita ko na nilingon niya parin ang banda ko kahit na may kausap na siya. Nginitian ko na lang siya bago ako tumalikod at dumiretso na para hanapin ang magiging classroom ko.

Malaki ang school na ito kaya kahit na bagong mukha ako ay hindi naman ako masiyadong napapansin. Masiyadong abala ang lahat sa kanilang mga sarili o kaya naman sa pakikipagkamustahan sa mga kaibigan nila.

Normal lang naman ang lahat at unti-unti na ring humuhupa ang kaba ko. Huminto ako sa harap ng classroom kung saan may nakalagay na STEM- 12A. Nakalagay sa registrar na dito ang classroom ko. Bumuga ako nang hangin bago ako pumasok sa loob ng classroom.

May iilang mga ulong napalingon sa akin. Ang ilan sa kanilay sandali lang na napatingin at bumalik din kaagad sa pag-uusap. Ang iba naman ay mas nagtagal pa ang tingin sa akin. Nababasa ko sa paningin nila ang pagtataka at ang tanong kung sino ako.

May nakita akong mga bakanteng upuan sa harap at sa sunod na linya sa pinakalikuran. Nakita ko na may kumaway sa akin na babae at itinuro ang bakanteng upuan malapit sa kaniya. Kahit na hindi sigurado diretso akong naglakad doon at hindi na lang pinansin ang pagsunod ng tingin ng ilang lalake sa classroom.

Dahan-dahan kong inilapag ang bag ko sa mesa bago ako umupo doon. Malawak na ngumiti ang babae sa akin. Mukha siyang palakaibigan at mabait. Kasing puti niya ako at napansin ko na maganda din ang hugis ng mukha niya.

Kulay brown ang kulot niyang buhok at may iilang freckles sa pisngi niya at ilong. Mas lalo pa siyang gumanda dahil doon. Kakaiba ang ganda niya at hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya. Napakanatural ng ganda niya.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Where stories live. Discover now