Chapter 7

22 2 0
                                    

'Sampal'


Sa mga sumunod na linggo ay mas naging maayos ang lahat, masaya si nanay sa trabaho niya dahil kahit papaano ay natutulungan na niya si tatay. Sa totoo lang kaya ng suportahan ni nanay ang mga pangangailangan namin sa araw-araw.

Unti-unti na rin kaming nakakabayad sa mga utang namin at hindi na siya madalas ma stress pa sa ganitong mga bagay.

"Nay, heto na po ang kape niyo." Aniko at ibinaba na sa lamesita ang mainit na kapeng tinimpla ko.

Naghahanda na kasi si nanay para umalis. Matapos niyon ay kinuha ko na ang sapatos ko para maghanda na rin sa pagpasok sa school. Maaga na akong umaalis ngayon lalo na at ihahatid ko pa sa elementary school si Benjie.

"Tara na Benjie." Tawag ko kay Benjie na kanina pa nakahanda. Mabilis naman siyang tumalima at lumapit sa akin.

"Una na po kami nanay." Paalam ko habang palabas kami ng bahay.

"Sige, mag-ingat kayo." Sabi naman ni nanay habang tinatanaw kami.

Kailangan pa muna naming lumabas sa labasan para pumara ng tricycle. Ibinenta na kasi ni kuya Peter iyong tricycle niya noong nakaraang araw. Kinailangan niya kasi ng pera at nahihiya naman daw siyang humiram at makaabala pa kay nanay.

Mukhang maganda ang klima ngayong araw. Malapit na ang tag-unlan kaya naman magandang sulitin na ang maaraw na panahon ngayon. Sa totoo lang hindi ko masiyadong gusto ang tag-ulan. Palagi na lang basa ang lupa at napakahirap magpatuyo ng mga labahin. Isa pa ang hirap macommute tuwing umuulan.

Lumilipad ang utak ko tungkol sa mga bagay-bagay habang naghihintay kami ng kapatid ko hanggang sa maihatid ko ang kapatid ko sa paaralan. Nang makarating ako sa school napansin ko na maraming estudyante ang tumitigil sa bulletin board na malapit sa main gate.

Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang paakyat na ako sa second floor ng building namin ay napa-igtad ako sa gulat nang maramdaman ko na mag biglang kumalbit sa balikat ko.

Mabilis akong napahawak ng mahigpit sa balikat ng kumalbit sa akin at napapikit ng mariin lalo na at muntik na akong mawalan ng balanse. Hinawakan naman niya ang pulsuhan ko nang mapansin niya sigurong muntikan na akong matumba. Kahit nasa unang batang palang ako ng hagdanan masakit kaya mahulog doon lalo na kapag natapilok ka.

"Ano ka ba Isang?! Ang aga-aga nang-gugulat ka!" Sigurado akong si Isang na naman yan at pinagtitripan ako kahit na parang iba iyong amoy ng pabango niya ngayon. Mabilis ko siyang nilingon habang nakahawak parin sa balikat niya ang isa kong kamay.

"Uh, I'm not Isang." Aniya habang nakangiti.

Kaya pala iba yung amoy niya! Kaya pala parang ang tigas ng balikat niya! Kaya pala ang gaspang ng kamay niya! Nanlaki ang mga mata ko. Ang mga mukha namin... ang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa!!! Para bang may sariling isip ang kamay ko. Napasinghap ako at mas humigpit pa ang kapit sa balikat niya. Ang hawak niyang palapulsuhan ko ay mabilis na kumawala at ang sumunod na naalala ko mahapdi na ang kaliwang palad ko..

"Ouch! That hurt!" napahawak si Primo sa pisngi niya na nasamapal ko.

Oo, ngayon ko lang din narealize na sinampal ko siya dahil sa gulat! Habang nakatingin sa namumula niyang pisngi. Hindi ko rin alam kung anong sumapi sa akin, pero kasi ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa at...

"Sorry! Pasensiya na P-Primo!?" nagpapanic na ako at hindi alam kung anong gagawin.

Kinakabahan ako at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sa totoo lang isa iyon sa dahilan kung bakit hindi na ako nakapag-isip at nasampal ko si Primo. Para kasing aatakehin ako sa puso sa kaba dahil sa kaniya.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Where stories live. Discover now