Chapter 27

13 1 0
                                    

'Swerte'


"I love you." Rinig kong sabi ni Primo.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasandal ako ngayon sa dibdib niya habang mabagal na nagsasayaw. Ang mga braso niya ay nakapalibot sa baywang ko. Nakapatong naman ang mga kamay ko sa balikat niya.

"Mahal din kita." I whispered at him, almost catching my breath from his sudden I love you's.

Nag-angat ako ng tingin at ngumiti, maliwanag ang buwan kahit na hindi pa naman ito full moon. Dahil din sa liwanag mula sa ilaw ng sasakyan niya kaya kitang-kita ko ang ekspresiyon niya.

His eyes we're full of love, adoration. Mapupugay ang mga iyon at sa akin lang nakatingin. Dama ko ang init sa mga titig niya na pakiramdam ko ay matutunaw ako.

Ang malamyos na musikang tumutugtog mula sa radyo ng sasakyan niya ang tanging naririnig sa gitna ng tahimik na gabi. Nandito kami ngayon sa boundary ng lupain nila kung saan madalas kaming magkita matapos kaming tumakas sa prom.

Buong gabi kaming nagsayaw hanggang sa mapagod ang mga paa namin. Sa gabing iyon, hinalikan niya ako ng buong puso, pumikit ako at sinuklian ang matamis niyang mga halik sa ilalim ng mga buwan at mga bituin na siyang saksi namin.

Kung panaginip man ito, sana nga ay huwag na akong magising.

Ngunit parang alala mula sa malayong memorya.


Sabi nga nila, kung gaano ka man kasaya ganoon din ang pagbawi ng kalungkutan.

Isang trahedya pala ang naghihintay para sa pamilya namin.

Tandang-tanda ko pa habang kumukuha ako ng mga requirements sa school nang tumawag sa akin si nanay.

"Anak! Ang... ang t-tatay mo." Humahagulgol na ani nanay sa tawag.

Nanlamig ako nang marinig ko ang pag-iyak ni nanay. Nakita siguro ni Primo ang pag-iiba sa ekspresiyon ko kaya kaagad niya akong nilapitan.

"Nay kumalma po kayo, ano po ang nangyari?" Kahit na kinakabahan na sinbukan ko paring kumalma.

Hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi ni nanay nang marinig ko kung ano ang nangyari sa tatay ko. Hindi niya na rin ako nasagot pa dahil mas lalo pa siyang humagulgol.

"Nanay? Nay! Ano po ang nangyayari? Na—" Nanlalaki ang mga mata tinignan ko ang screen ng cellphone matapos biglang mamatay ang tawag ko.

Sinamahan ako ni Primo sa bahay at parang gumuho ang mundo ko nang ibalita nila na naaksidente ang tatay. Hindi pa sigurado kung ano ang lagay niya dahil hindi pa sila tumatawag ulit.

Unit-unti namang dumagsa sa akin ang sari-saring emosyon. Ayos lang kaya si tatay? Malala ba ang nangyari sa kaniya? Paano na kami ngayon? Hindi na ba ako makakapag-aral?

Hindi ko na napigilan pa ang mga luha na unti-unting tumakas sa mga mata ko. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil imbes na bigyan ng lakas at suportahan si nanay, hindi ko iyon magawa dahil ako mismo ay nawalan ng pag-asa.

Inaamin ko na malayo ang loob ko sa tatay ko noon dahil hindi naging maganda ang paghihiwalay naming sa unang pag-alis niya. Ngayon ko lang narerealize kung gaano kalaki ang isinasakripisyo niya para sa amin. Mas lalo lang bumigat ang loob ko dahil doon, pakiramdam ko napaka-samang anak ko.

Pinapanood ko si nanay na patuloy sa pagluha habang nasa kalong niya si Benjie na nakatulugan na rin ang pagluha.

Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Naramdaman ko ang paglapit ng kung sino sa akin. Hindi ko na kailangan pang tignan kung sino iyon, nang maramdaman ko ang init ng yakap niya ay alam ko na kaagad kung sino iyon.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Where stories live. Discover now