Chapter 8

16 2 0
                                    


‘Girlfriend’

Dahil sa papalapit na sports festival ng school naging doble ang trabaho ko lalo na at isa ako sa representative ng section namin. Dahil doon mas madalas kaming nagkakasama ni Primo sa mga meetings.

“Okay, now that it’s all settled, pwede na tayong bumalik sa mga classrooms natin. We are looking forward to the success of our festival. Thank you for your time.” Anang SSG president na siyang nagpatawag sa lahat ng mga representative’s ng bawat sections.

Abala ako sa pagsusulat ng mga mahalagang detalye ng event para mas madali ang pag oorganize namin sa mga kailangang gawin.

“Tia, let’s go.” Rinig kong ani Primo na nakatayo sa likuran ko.

“Sandali lang tatapusin ko lang ito. Pwede ka ng mauna.” Sabi ko parang hindi parin inaalis ang tingin sa isinusulat ko.

Kailangan naming gumawa ng booth at costume ng muse namin. Taon-taon ng ginaganap ang festival na ito kaya naman ang hirap ng mag-isip ng kakaibang gimik para sa taon na ito. Halos lahat na yata ng idea na naiisip ko ay nagawa na noon.

Natigil ako sa pag-iisip nang makita ko na ipinatong ni Primo ang kamay niya sa notebook. He swiftly closed it using his two fingers and snatched it in my hands.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. He smiled at me and pat my head.

“You’re doing well Tia. Kaya tara na maglunch na tayo bago pa matapos ang lunch break.” Aniya at iniabot ulit sa akin ang notebook ko.

“Uh,” Ibig niya bang sabihin sabay kaming kakain nang kami lang dalawa?

Patapos na kasi ang lunch break at halos lahat yata ng estudyante ay nagsisibalikan na sa mga classroom nila. Sinabihan ko na rin si Isang na hindi muna kami sabay na kakain ngayon dahil nga sa meeting na pinuntahan ko.

“Come on, let’s go.” He flashed his bright smile.

Wala namang dahilan para tanggihan siya at mas nagiging kumportable na rin naman ako kay Primo.

Sabay nga kaming bumaba at papunta sa canteen na madalas naming kinakainan ni Isang. Doon din namin madalas makasabay si Primo kasama ang mga kaibigan niya at ang girlfriend niya.

Noong nakaraang linggo naging usap-usapan na sinagot na raw ni Beatrice Claveria si Primo. Halos lahat ng estudyante sa school sila ang naging topic sa mga usapan.

Lalo na sa classroom dahil halos araw-araw na dumadaan sa hallway sa tapat ng classroon namin si Beatrice. Awtomatiko namang tinutukso si Primo ng mga kaibigan niya sa tuwing namamataan nila si Beatrice.

Naalala ko ang usapan namin ni Isang noong nakaraan. Dahil may pagka tsismosa naman itong si Isang ay hindi ako nakatakas sa interrogation niya. Ako ba naman ang ginawang source of information niya tungkol sa relasyon ni Primo at Beatrice.

“Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit pa dumadaan sa floor niyo si Beatrice eh ang layo-layo ng building nila sa building niyo.” Pagmamarites ni Isang habang kumakain kami sa canteen sa labas.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Isang at sinusubukan na lang magfocus sa pagkain ko. Hindi kasi ako kumportable sa topic na ito. May bumabagabag sa akin sa ideya na may girlfriend na nga si Primo. Masaya ako para sa kanila lalo na at matagal na daw na nililigawan ni Primo si Beatrice.

“Sabagay kung sila na nga ni Primo, aba talagang magbabakod na niyan si Beatrice. Alam mo naman na lapitin si sir Primo ng mga babae dahil gwapo at mabait siya.” Ani Isang.

Natigil ako sa pagsubo nang mapalingon ako sa gate ng school. Nawala ang atensiyon ko kay Isang. Sinundan ko ng tingin si Primo na kasama si Beatrice. Tumigil sila sa may shed at mukhang may pinag-uusapan silang impotante. Hindi ko makita ang hitsura ni Beatrice dahil nakatalikod siya sa banda namin.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon