Chapter 6

23 3 0
                                    

'Kaibigan'


Nag-iinit ang pisngi ko at pakiramdam ko ay sasabog na ito. nanatili siyang nakatitig sa akin at alam ko na dapat akong mag-iwas ng paningin dahil nararamdamn ko na naman ang kakabibang kaba sa dibdib ko, pero tila may kakaiba sa mga mata nya na pilit hinihila ang atensiyon ko pabalik sa kaniya.

"Ate! Uuwi na tayo?" Tanong sa akin ng kapatid ko na nasa tabi ko na pala.

Ngumiti ako sa kaniya at gnulo ang buhok niya. "Oo, magpapahinga lang sandali si ate tapos uuwi na tayo okay?"

"Sige ate! Pahinga ka muna." Ngumiti ang kapatid ko at hinila ako sa shed.

Naupo ako sa pinakagilid para malayo ako kay Primo na naka-upo parin doon. Napangiti ako nang iabot sa akin ng kapatid ko ang tubig na baon namin at marahan niyang pagpunas sa pawis ko sa noo gamit ang bimpo na binigay ko sa kaniya.

"Ang bait naman talaga ng kapatid ko." Pinisil ko ang pisngi niya at ngiting-ngiti lang naman siya.

"Siyempre lab kita ate." Napaka-cute talaga ng kapatid ko. Pakiramadam ko matutunaw ang puso ko dahil sa kapatid ko. dahil sa kaniya agad napalitan yung kabang naramdaman ko kanina.

"Aw, lab din kita baby ko." Aniko at pinupog ng halik ang pisngi ng kapatid ko. Humagikgik siya habang tinutulak ang mukha ko.

"Ate, tigil nakikiliti ako.." Humahagikgik na sabi ng kapatid ko. natawa din ako dahil sa hitsura niya.

"Dahil good boy ka ipagluluto kita ng favorite mong ulam! Ayos bay iyon?" Tanong ko sa kaniya.

"Yey! Pakbet! Tara na ate uwi na tayo!" excited na aniya at nauna ng maglakad sa akin.

"Teka Marcus! Dahan-dahan lang ang lakad at hintayin mo ako." Sabi ko at inayos muna ang mga gamit namin.

Naramdaman ko na tumayo si Primo mula sa kinauupuan niya kaya akala ko aalis na siya. Nag-anagat ako ng tingin sa kaniya at nakitang nakatingin siya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ko lalo na ng makita kong bahagya siyang humakbang palapit sa akin. Napahakbang ako paatras dahil doon.

Maliit na ngiti ang nasa labi niya bago siya nagsalita. "Uh, Ihahatid ko na kayo." Aniya na ikinagulat ko naman.

"Ha?" tanong ko ulit kahit na amalinaw ko namang narinig ang sinasabi niya.

"I said, ihahatid ko na kayo." Aniya at nag-iwas ng tingin.

"Ah! Huwag na po senorito Primo kaya naman po naming umuwing magkapatid." Sa trabaho kailangan talaga na may paggalang ang tawag ko sa kaniya dahil kahit papaano boss ko parin siya.

He sighed when he heard what I said. "I told you before, call me Primo and please stop saying po. I feel like I am to old when you address me like that."

I bit my lower lip. Ano na lang iisipin ng ibang mga tao lalo na ng mga katrabaho ko kapag narinig nil ana tinatawag ko lang sa pangalan ang anak ng boss namin.

"Kung iniisip mo na dapat mo akong tawaging senorito dahil anak ako ng boss mo, isipin mo na lang na magkaibigan tayo para hindi ka mailing diba?" sabi niya at humakbang siyang muli palapit sa akin.

Umismid ako sa sinabi niya. "Hindi naman tayo magka-ibigan."

"What?" He acted as if he is hurt. "Then can we be friends starting now?" He asked me again.

I acted as if I am thinking. Tumingin muli ako sa kaniya na nakaabang para sa sagot ko.

"Okay, nope ayokong makipagkaibigan." Sabi ko.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Where stories live. Discover now