Chapter 15

14 3 0
                                    

'Chocolate Milk'


"Good morning!" Bati ni Harley nang magkasalubong kami sa hagdanan paakyat sa second floor.

"Good morning." Balik na bati ko sa kaniya.

"Grabe ang saya kahapon no? sayang nga lang at wala si Primo. Siya pa naman ang mvp kaso wala siya sa victory party." Panimula niya na hindi ko naman talaga pinakikinggan.

Kahapon kasi ginanap ang pa-victory party ng mga basketball players. Invited kaming lahat sa klase pero hindi ako pumunta dahil nagtrabaho ako kahapon. Sa isang resort nila iyon ginanap. Nakapagtataka nga na hindi rin pumunta si Primo lalo na at hindi ko rin siya nakita sa hacienda kahapon kaya inakala kong pumunta siya.

Alam ko namang hindi ko na dapat asahan pa na mangungulit si Primo sa akin tulad ng dati, siguro nga ay iniiwasan na niya ako dahil sa mga sinabi ko sa kaniya noong nakaraang araw. Hindi ko alam kung dapat ba akong mapanatag o matakot kung ganoon nga.

Nakakatawa at hindi ko alam kung saan ako humugot ng kapal ng mukha para sabihing ayaw kong makipag-kaibigan sa kaniya.

Nang nasa classroom na ako ay agad kong iginiya ang paningin sa kabuuan nito. Wala pa ang bag niya sa upuan niya , madalas ay nauuna siya sa pagdating sa school dahil mayroon silang sasakyan.

Maingay na sa classroom, rinig ko ang kuwentuhan ng grupo ng mga lalake naming kaklase sa isang gilid habang ang mga babae namay kung hindi naghihiraman ng notes ay nag-aayos ng sarili.

Bumuntong hininga ako at umupo na sa puwesto. Tumititig na lamang ako sa labas kung saan tanaw ko ang malawak at berdeng field. Sariwa at malusog ang mga damo dahil na rin sa pagpasok ng buwan ng tag-ulan.

Kahit na hindi sinasadya ay napapabaling ako kaagad sa pintuan sa tuwing naririnig ko ang pagbukas nito. Hindi ko na kailangang ipagsinungalingan pa kung sino ang inaabangan ko dahil alam ko na si Primo iyon.

Sa pangatlong pagbukas ng pintuan ay mas naging positibo ako na si Primo na siguro iyon. Hindi ko alam kung bakit may maliit na ngiti habang nakatitig sa pintuan na dahan-dahan ang pagsiwang.

"Look guys nagpabrace ako!!!" Sigaw ng bagong dating na si Joanne.

Agad na bumagsak ang balikat ko at nabura ang ngiti ko. Umirap ako sa hangin at pabagsak na sumandal sa backrest ng upuan ko.

"Tignan mo Tianna, nagpabrace ako!" lumapit pa siya sa akin at malawak na ngumiti para ipakita ang kulay blue niyang brace.

"Grabe! Trenta mil din ito." aniya habang tinitignan ang ngipin sa maliit na salaming hinugot niya sa bulsa niya.

"Ano? Maganda ba?" Baling niya ulit sa akin.

Pilit akong ngumiti, kung maganda lang sana ang simula ng araw ko ay kayang-kaya kong sakyan ang trip netong si Joanne. Kaso may kaunting inis ako dahil sa hindi malamang kadahilanan.

"Oo, maganda naman." Sabi ko na lamang para tantanan niya na ako. Sakto at namataan niya si Harley at siya naman ngayon ang ininform niya tungkol sa kaniyang brace.

Bumaling ako muli sa labas habang nagdi-discuss ang teacher. Hindi ako makapagfocus at palaging lumilipad ang isipan. Tumunog ang panghapong alarm hudyat na tapos na ang klase.

Nang magpaalam ang aming teacher ay nagsitayuan na ang mga kaklase ko para lumabas. Dahan-dahan ko namang iniligpit ang mga notebooks ko at nang matapos ay hindi ko naiwasang bumaling sa bakanteng upuan ni Primo.

Lumiban siya sa klase ngayong araw, ang sinabi ng homeroom teacher namin ay nagpadala naman daw ng excuse letter ang mga magulang ni Primo. Hindi na sinabi sa amin ng teacher kung ilang araw siyang wala at kung ano ang dahilan kung bakit siya umabsent ngayong araw.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Where stories live. Discover now