Chapter 26

3 0 0
                                    

'Tuwang-tuwa'


"Hoy ang mahal nito ha?" Puna ni Isang sa aking suot na bracelet habang kumakain kami ng lunch sa carenderia sa labas ng school.

"Oo nga, kaya nga nagdalawang-isip ako kung tatanggapin ko noon eh."

"Hay naku! Ang mga ganitong bagay hindi na dapat piandadalawang-isipan pa, lalo na at si ser Primo ang nagbigay!" Makahulugan niyang itinaas baba ang kilay niya sa akin.

"Eto talaga!" Pinanlakihan ko siya ng mata at tinawanan niya lang ako.

Lagi ko kasing sinasabi na hindi naman dahil sa mga ganitong bagay o dahil sa pera ni Primo kaya naging kami. Pero kung maririnig nila kaming ganito mag-usap baka isipin ng mga tao na ganoon nga ang dahilan ko.

"Oo na, sige na nga! Nga pala, may isusuot ka na ba sa prom?" pag-iiba niya sa usapan.

Wala pa si Primo dahil ipinatawag siya kanina sa office kaya naman pinauna niya na ako.

"Meron na, yung lumang dress ni mama, mahaba naman iyon at maganda pa." Sagot ko.

"Ako nag-rent ako ng ball gown sa bayan, mura lang." Sabi niya at inilabas pa nga ang cellphone para ipakita sa akin ang picture ng gown na napili niya.

Maganda nga iyon kaso nga lang medyo malaki. Hindi ko alam kung makakasayaw kaya siya ng maayos kapag sa cotilion na.

"Hay sayang, hindi ko pwedeng kuning date si Peter dahil busy siya ngayon sa college." Sabi-sabi ni Isang.

Hindi ko alam kung nadidismaya nga ba siya o kinikilig talaga dahil kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata niya at parang binudburan ng asin sa kinauupuan habang binabanggit ang tungkol kay kuya Peter. Akala ko nga may label na sila, pero nang tanungin ko si Isang, hindi pa naman daw sila.

"For sure, partner mo ang boyfriend mo." Sabi ni Isang na ngayon ay nakangising aso na.

"Isang ang ingay mo!" Sita ko sa kaniya.

Si Isang palang at kuya Peter ang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Primo. Nang makita nila kami noon alam ko naman na nakuha na agad ni kuya peter ang tungkol doon. Ito namang si Isang ay hindi talaga ako tinantanan habang hindi ko sinasabi sa kaniya ang totoo.

"Eh, bakit ba kasi sinesikreto niyo pa ang tungkol sa inyong dalawa? Wala namang dahilan para itago niyo pa ito kila tita." Sabi niya na naman.

"Naghahanap pa ako ng tiyempo." Sa totoo lang, gusto ko na rin naman na sabihin kanila mama ang tungkol sa amin ni Primo hindi ko lang talaga alam kung paano ko iyon gagawin.

"Anong tiyempo? Hoy! Ilang buwan na lang mag-iisang taon na iyang relasyon niyo. Nasosobrahan ka na sa pagiging lowkey! Nakuwento sa akin ni Peter na nabanggit ka na daw ni Primo sa mama niya, gusto ka na nga daw makilala eh ikaw lang itong sinasabi ni Primo na hinihintay kung ready na." Tuloy-tuloy na sabi ni Isang bago sumubo ulit kaya natigil siya sa pagdaldal sandali.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Nakuwento ako ni Primo sa mommy niya? Bakit hindi niya ito nasabi sa akin at talagang kay kuya Peter pa.

"Ay hala!" Nakangising sabi ni Isang at lumapit pa sa akin para bumulong.

"Nandiyan na ang boyfriend mo." Inginuso niya ang nasa likuran ko at humagikgik pa.

Umikot ako para lingunin ang itinuturo ng matulis na nguso ni Isang.

Naglalakad palapit sa amin si Primo. Nangingibabaw agad siya sa palibot ng mga estudyanteng naglalakad din para maglunch, siguro dahil matangkad nga siya at higit sa lahat siya ang pinakaguwapo at pinaka-mabangong tignan sa kanilang lahat.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Where stories live. Discover now