Chapter 9

13 2 0
                                    

'Intensity'

Sa mga sumunod na araw ay hindi na kami nagkasabay pa sa pag-uwi ni Primo. Siguro ay nagpapasundo na siya ulit sa driver nila lalo na at madalas na ginagabi sa pagprapractice ang mga gustong sumali sa basketball team.

The festival na ito kasi malalaman kung sino ang mga manlalaro na it-train para makipag compete sa ibang mga paaralan at hindi na kailangang tanungin pa, nakikita naman ng lahat na determinadong makasama doon si Primo. Sa totoo nga niyan nadiskubre ko na napaka competitive niya palang tao.

Dala-dala ko noon ang iilang box ng mga materials na gagamitin namin sa booth. Para makatipid sa budget ay napagdesisyunan naming maghiram na lang ng mga luma at hindi nagagamit na mga baso sa storage room ng school.

Kasama ko ulit si Harley, nitong mga nagdaang araw ay mas napapadalas ang pag-uusap namin. Lagi niya kasi akong tinutulungan at okay lang naman kasi napapadali ang mga trabaho na dapat kong gawin. Mabait din siya at medyo palagay na ang loob ko sa kaniya. Pakiramdam ko maganda siyang maging kaibigan.

Kasama namin si Joanne kanina sa pagkuha ng mga gamit pero nauna na ito sa amin dahil may dadaanan pa daw siyang iba at iiwan muna niya sa classroom ang mga dala niya. Nasa tapat na kami ng gym nang mapansin ni Harley na kulang ang mga gamit na dala niya.

"Babalik din ako kaagad!" Nagmamadali siyang umalis matapos niyang ibaba ang box na dala sa bench na nasa gilid ng pader ng gym.

Ibinaba ko na lang din ang box na dala ko sa tabi ng box na ibinaba ni Harley kanina. Hinaplos ko ang kamay ko dahil medyo nangawit iyon dahil sa pagbubuhat namin ng box mula sa storage room hanggang dito. May kabigatan kasi iyon.

Kakatapos lang ng lunch break at may ilang oras pa naman kami bago mag-umpisa ang first period sa hapon. Napakatahimik ng paligid, mangilan-ngilan lang ang nakikita kong nasa labas pa ng classrooms. Dahil siguro sa tirik na tirik na araw kaya rin walang mga estudyanteng nakatambay sa labas.

Uupo na sana ako sa bench habang hinihintay si Harley nang makarinig ako ng ingay mula sa gym. Lukob ang gym pero nakabukas ang malaking pintuan nito at iilang bintana kaya rinig na rinig sa labas ang tunog ng bola.

Pinakinggan ko lamang ang kung sino mang nagbabasketball sa loob. Base sa naririnig ko mabilis ang pagdribble ng bola, pagkatapos ay maririnig mo din ang tunog ng pagtama nito sa basketball ring. Paulit-ulit na ganoon ang ginawa ng nasa loob.

Dahil sa kuryosidad ay dahan-dahan akong lumapit sa pintuan para silipin kung sino ang nagpapractice. Inilapat ko ang kamay ko sa gilid ng pintuan at ipinasok ang kalahati ng mukha ko. Nakatalikod siya at kitang-kita ko ang apelyidong nakatatak sa jersey niya.

"Madrigal..." mahinang basa ko dito.

Tama nga ako, si Primo nga iyon. Mag-isa siyang nagpapractice. Mukhang hindi niya napansin ang presensiya ko dahil tuloy-tuloy lang siya sa pagdribble ng bola pagkatapos ay tatalon para ishoot ito.

Hindi ko mapigilang hindi siya purihin. Ekspertong-eksperto ang paggiya niya sa bola, kahit sa pagtalon ay napaka-elegante niya. Umikot siya para sa kabilang court naman magshoot. Hindi niya parin ako napansin, talagang sa court lang ang atensiyon niya.

Dahil doon mas malaya ko siyang natitigan, kanina likuran niya lang ang nakikita ko. Matangkad talaga si Primo, siguro'y six-foot na siya kahit na 18 pa lang. Siguro dahil sa palagi niyang pagtulong sa hacienda kaya hindi siya payat tignan mas matipuno siya kaysa sa mga binatang ka edad namin.

Ngayon kitang-kita ko na ang mukha niya, hindi maipagkaka-ila na guwapo talaga siya. Basang-basa siya ng, dahilan kung bakit ang buhok niyang may kahabaan ay mas lalo pang nagmukhang mahaba. Kitang-kita ko ang pamumuo ng pawis sa noo at braso niya. Mukhang pagod na pagod na siya at pawis na pawis pero hindi ako naiilang na titigan iyon.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Where stories live. Discover now