Chapter 13

13 1 1
                                    

'Rumors'


Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumuntong hininga habang pinagmamasdan ang mga bumibili sa booth namin. Tapos na ang oras ko sa pagbabantay at puwede na sana akong lumibot sa school para ma-enjoy ang festival pero hindi ko magawang umalis.

Hindi dahil sa hindi ko maiwan ang booth kung hindi dahil natatakot ako na makasalubong si Primo kung aalis ako dito. Nahihiya parin ako sa ginawa ko sa kaniya kahapon, ngayon lang nagsisink-in sa akin kung gaano ka tanga ang ginawa ko! Mukha namang ayaw din akong maka-usap ni Primo dahil mula kanina ay hindi pa siya nagpupunta dito sa booth.

Nakita ko na paparating na sila Joanne, Albert at Harley. Kumaway kaagad sa akin si Harley at si Joanne naman ay agad na lumapit sa akin.

"Tianna! Tara maglibot tayo sa school." Aya ni Joanne.

"Oo nga vice pres. Kanina ka pa yata naka-upo dito mag-isa."

Para hindi na humaba ang usapan ay sumama na lamang ako sa kanila, nag-aya silang manood ng womens volleyball game at ganoon na lang ang gulat ko nang malaman na volleyball player pala si Bea. Sabagay matangkad siya at ngayon na nakasuot siya ng uniform na pang volleyball ay mas lalo lang akong namangha sa katawan niya.

Napalunok ako at napatingin sa dib-dib niya. May kalakihan iyon kaya sa tuwing tumatalon siya ay tumatalbog din iyon. Napatingin tuloy ako sa katamtaman kong dib-dib, hay naku sana lahat ay pinagpala. Makikita na karamihan sa mga nanonood ay mga lalake at hindi maalis sa mga mukha nila ang pag-nanasa, hindi ko tuloy maiwasang hindi mailing para sa mga naglalaro.

Halos patapos na rin ang laro nang dumating kami doon, at ayon sa score board ang team nila Beatrice ang nangunguna. Sa huling set ay may napansin ako mula sa malayong kabila ng kina-uupuan naming mga bleachers.

Kahit malayo ay tanaw na tanaw siya dahil sa tangkad niya, nakahalukipkip habang kunot noong pinapanood ang laro ng girlfriend. Muli akong nairita, sige nga ngayon niya ideny na girlfriend niya si Bea.

Hindi na ako nakapagfocus pa sa laro, naiinis din ako sa sarili ko dahil lagi akong napapalingon sa puwesto niya. Namalayan ko na lang na naghihiyawan na ang section nila Bea dahil sa pagkapanalo ng team nila. Nagyakapan ang mga manlalaro at dinaluhan sila ng iba pang mga estudyante kaya hindi ko na nakita si Bea at Primo.

Hindi na rin naki-usyoso pa sila Joanne doon at nag-aya na lamang sila na kumain na sa cafeteria dahil lunch time na rin naman Tila sinususubok ako ng pagkakataon dahil habang naghihintay kami sa pila ay siya ring pagpasok ni Primo at Bea sa loob ng cafeteria. Naupo sila sa pinakasulok at seryosong nag-uusap.

Nakatalikod sa banda namin si Primo kaya hindi ko makita kung ano ang reaksiyon niya. Napabaling ako kay Bea at nakita ko ang pagka-irita sa mukha niya. Napa-igtad ako nang magtama ang paningin namin ni Bea, mabilis akong nag-iwas ng tingin at inabot na ang tray ng pagkain na inorder ko.

Kahit na pinipilit kong huwag tumingin sa banda nila ay hindi ko mapigilan ang awtomatikong paglingon sa banda nila. Bakit kaya napakaseryoso ng usapan nila?

"Ang tahimik mo Tianna, may problema ba?" biglang tanong sa akin ni Harley na naging dahilan para mapawi ang hindi matapos-tapos na mga tanong at kung ano-ano pang mga isiping tumatakbo sa isipan ko.Umiling na lamang ako dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na si Primo ang bumabagabag sa isip ko.

Ibinaba ni Harley ang bote ng softdrinks sa harap ko at ngumiti. "Kung may problema ka, nandito naman kami para makinig."

"Naku! Tianna, kung nag-aalala ka tungkol sa booth huwag mo ng isipin iyon. Magiging successful iyon! Sa effort ba naman natin?" Si Joanna naman na sumingit sa sinasabi ni Harley.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt