VI. August

2.7K 37 6
                                    

Aiah's POV

Salt air, and the rust on your door
I never needed anything more
Whispers of "Are you sure?"
"Never have I ever before"

But I can see us lost in the memory
August slipped away into a moment in time
'Cause it was never mine
And I can see us twisted in bedsheets
August sipped away like a bottle of wine
'Cause you were never mine

Mahirap tumingin sa isang lugar o bagay na
nagkaroon ng sobrang kahulugan para sayo ng dahil sa iisang tao.

Napakahirap tumingin sa langit at malamang kahit nasa ilalim kayo ng iisa at parehong kalangitan, hindi mo na siya maaabot. Hindi mo siya maaabot sa kahit anong paraan. Hindi ngayon, hindi magpakailanman.

Nakakatuwang isipin at nakakagago rin na ang mga taong ayaw mong mawala, ang
mga taong ginawa mo na ang lahat para
manatili lang sila sa buhay mo, ay magiging
pawang mga estranghero na lamang makalipas ang maikli (pero parang
napakahaba) at masayang panahon.

Na noon ay nasasabik ka pang makita sila. Na sila rin ang nagiging dahilan ng pagpasok
mo sa eskwelahan araw-araw kahit na alam
mong mababadtrip ka lang sa mga propesor mong kung makapagmalaki sa sarili ay akala mo sobrang galing maturo.

Nakakalungkot isipin na kung noon hinahanap-hanap din nila tayo, ngayon,
tayo na lang ang naghahanap sa init ng
kanilang mga yakap. Sa ginhawa na binibigay ng kanilang mga ngiti. At kailan nga ba sila babalik sa'yo? Alam mo ba ang sagot? Alam mo ba ang mangyayari?

Hindi.

Minsan ko nang tinanong ang tadhana, kailan ko ba siya mahahawakan muli? At ang sagot niya: "Kapag ang araw ay sumikat na sa silangan, at lumubog na sa kanluran."

Ayoko nang tumayo at tumingin sa nag-iisang nakatayo na upuan sa may sulok ng dati naming eskwelahan. Ayoko nang maalala na wala na siya. Ayoko na siyang maalala at kung papaano niya tinangay ang lahat ng kailangan ko upang makaramdam muli. Ayoko na.

"Aiah, ang mga lugar ay pawang mga lugar lamang." Bulong ko sa sarili ko at tinalikuran ang upuang nakasaksi sa pagsisimula ng malungkot ngunit maganda naming kwento.

Your back beneath the sun
Wishin' I could write my name on it
Will you call when you're back at school?
I remember thinkin' I had you

Flashback

Para akong binagsakan ng napakalaking bato at pinagbabaril ng isang batalyong sundalo dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Leche!

Paano niya nasasabi ang lahat ng ito sa akin ngayon na parang ako lang ang may kasalanan ng lahat na dahilan nang pagkasira ng relasyon naming dalawa?!

Itong bench na inuupuan namin ngayon, na pakiramdam ko ay umuuga na kasabay ng pagbagsak ng aking mundo sa ilalim ng napakalaking puno ng Nara. "Aiah, I'm sorry. But I found a better one. I tried to not fall for her pero everytime na magkasama kami nakakalimutan ko ang lahat. Ang mundo, ang problema, ang realidad... at ikaw." Sabi niya.

Punyetang Jeremy 'to. Akala mo kung sinong guwapo, lechugas. Sarap biyakin ang ulo at budburan ng suka at asin tulad nang sa balut. Tutal balut naman talaga 'tong lecheng 'to e.

Kung anu-ano nang sumpa ang nasabi ko sa utak ko habang nagsasalita siya sa kung paanong mas lamang ang bago niya kaysa sa akin sa kahit anong aspeto. Gusto ko na siyang busalan ngayon dahil ayoko nang marinig ang mga sasabihin pa niya at tumatalsik ang laway niya.

Hindi naman kasi ako nasasaktan ng sobra ngayon dahil sa nakikipaghiwalay na siya.
Masakit lang ng kaunti sa dahilang 'yon dahil minahal ko rin naman siya, mas masakit lang kasi yung dahilan kung bakit mas nauna siyang makipag-break sa akin.

Bini: In Parallel Universeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें