CHAPTER 7

241 7 0
                                    

Freen

After telling our manager that we will go out for a coffee, agad kaming sumakay ni Rebecca ng sasakyan ko. Pinauwi na lang nya sa manager nya ang sasakyan nya. Habang nasa biyahe ay tahimik lang naman kami ni Rebecca, mabuti na lang at bukas ang radio para may naririnig kaming sound instead of hearing each other's breathing.


Glooogg. 

Bigla na lang naming narinig  ni Rebecca ang nakakaawang tunog ng tiyan nya. Kaya nagkatinginan kami at biglang napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan ko.


"I'm sorry, that was really embarrassing." Paghingi nya ng tawad. "Hindi pa nga pala ako ng lunch dahil dire-direcho ang shoot kanina para mabilis kaming matapos."


"It's fine, buti pa nga ang tiyan mo nagsalita. Hindi mo naman agad sinabing nagugutom ka na." Natatawang sabi ko. "Tama, it's already 6 pm...good for dinner. Saan mo gusto? Anong gusto mong kainin?" Tanong ko.


"Will it be ok for you kung doon tayo sa resto ng friend ko? That's the only secluded place kasi na alam kong hindi tayo susugurin ng fans." Sabi nya.

Oo nga pala, super sikat nga pala ang kasama ko. Siguro kung ako lang, ilang tao lang ang makakakilala sakin pero si Rebecca Armstrong itong kasma ko. Very limited lang siguro ang mga lugar na pwede nyang puntahan dahil maraming nakakakilala sa kanya.


"That will be fine. Just lead me there." Sagot ko.


After 20 minutes of driving ay nakarating kami sa destination namin. Malaki ang resto and very cozy. Madaming halaman at puno sa paligid. Very relaxing sa mata kahit labas pa lang ang nakikita ko.


I parked my car near the entrance door and we both get off. We were greeted by a very friendly security guard and manager na kilalang kilala si Rebecca. May nagsilapitan ding ibang costumers na nakipagpicture at ang iba naman ay nag-wave samin. Makatapos naming i-accommodate ang mga fans, mostly fans ni Rebecca, ay kinausap na namin ang restaurant manager na kaibigan din yata niya.


"OMG, Rebecca! Si Freen Sarocha Chankimha ba yang kasama mo? Yung Miss World." Excited pero mahinang tanong ng restaurant manager sa kanya.


"Yes Anne, siya nga po. Doon po kami sa favorite spot ko and please don't inform the others about our presence." Mahinang sabi ni Rebecca at nginitian ko naman si Miss Anne habang pasulyap sulyap sakin.


"This way po Miss Freen and Rebecca. Sayang at wala sina Sir at Maam siguradong matutuwa ang mga iyon at may isa na namang sikat ang dumalaw sa resto nila." Sabi ni Miss Anne and her eyes averted to me with admiration.


I glanced at every part of the restaurant at masasabi kong mas maganda ang loob. May mga halaman sa paligid at may natatanaw pa akong matataas na puno sa likod. Sa likod na parte ng restaurant kami pumuwesto. Isang garden- inspired ang lugar na ito. Iilan lamang ang mga tables and chairs na naroon. May dalawa lamang table ang occupied at hindi na nakapagtataka na makilala kami ng mga iyon at magalang na lumapit para magpapicture din.


Nagkatawanan na lamang kami ni Rebecca ng sa wakas ay makaupo na rin kami.


"I'm glad you bring me here. This place is quieter and more private para sa tulad mong sikat." Sabi ko sa kanya.


"I'm also glad you like it here. Dito lang kasi ako komportableng kumain ng tahimik at siguradong walang mga fans na susugod sakin. Hahaha. Kahit may mga ilan dito na nakakakilala sakin atleast they are respecting my personal space pa rin."


"Knowing how famous you are, mahihirapan ka talagang pumunta sa mga public places. Like what I've heard in the news na minsan nasasaktan ka ng mga fans sa sobrang kagustuhan nilang malapitan at mahawakan ka man lang."


"Hindi talaga maiiwasan yun pero it's ok. This is the life that I chose." Kibit balikat nyang sabi.


Lumapit ang isang waiter at inabot na samin ang menu.


"What do you like to eat?" Tanong ni Rebecca.


"I'll let you choose for me since you know their specialties very well." Sagot ko.


"My privilege." Birong sabi nya.


"Kuya Mico, bigyan mo na lang ako ng usual order ko." Banggit nya sa waiter.


While waiting for the food ay nagkuwentuhan muna kami about the restaurant. Isa palang college friend nya and family nito ang may kanya ng resto. Pang pamilya ang ambiance ng lugar. Cozy pero my friendly ambiance.


"Here are your food Rebecca and Miss Freen. Enjoy your meal and enjoy the night po." Sabi ng waiter habang inaayos ang mga pagkain namin.


I saw salad, pesto pasta, grilled cheese and steak.

"Wow, they look appetizing. I guess, these are all your favorite." Masayang sabi ko.


"Yap, those are my favorite. I guaranteed that you like them. Let's dig in. Gutom na gutom na ako." Masayang sabi ni Rebecca.


Nagsimula na kaming kumain habang nag-uusap ng ilang bagay about sa isa't isa. Tulad ng kung paano kami nagsimula sa industry hanggang sa success namin. Pero mas naging interesado ako kung ano sya bago pa sya mag-artista. Hindi nga ako nagkakamali na malakas ang charisma ni Rebecca sa tao dahil sa simpleng pagsasalita at galaw nya ay nakukuha nya ang buong atensyon ko. Nababasa ko sa mga mata nya how simple and kind she is.


"Hay... I'm so full!" Masayang sabi ko ng maubos ko ang pagkain sa plate ko.


"I really thought na hindi ka kakain ng madami at salad lang ang kakainin mo pero mukhang tinalo mo ako sa kainan." Sabi ni Summer sabay tawa.

Kung masarap pakinggan ang tawa nya sa tv, mas masarap pakinggan sa personal ang mga halakhak nya.


Kunwaring napasimangot ako sa sinabi nya.

" Hindi lang naman salad ang kinakain ko. I ate any food that I like in moderation. During the competition, conscious ako sa kinakain at figure ko dahil kaylangan talaga na fit and healthy." Masaya at komportableng sabi ko sa kanya.


"Pwede ko na palang ipasa ang korona ng katakawan ko sayo." She pretended holding a crown and putting it on my head.


I can't help myself but to laugh because of her wittiness and craziness. Nag-bow at kumaway- kaway na lang ako pagkatapos ng pag-arte nya. Pareho nakaming nagtawanan. Mabuti na lang at wala na kaming kasama sa lugar namin at konti na rin ang mga tao sa loob. I've never been so comfortable with another person na kakakilala ko lang. I am friendly but I remain myself reserve dahil pinakikiramdam ko lagi ang mga tao na nakakasama ko. But with Rebecca, it's so easy to be free and be myself.

This woman is really "something".


After a minute of laughing ay bigla kaming natahimik. We just look and smile at each other. I'm out of words as I look at her brown eyes. Then suddenly, she made funny face and we laugh again.


"Are you still ok for a coffee?" Tanong ko sa kanya ng matapos ang tawanan naming dalawa.


"Sure. It's just 9 in the evening. I'll just inform my parents." She said.
I smiled on what she answered.

"You know what, I really admire you for always mentioning your family and informing your whereabouts. Kahit na alam natin na busy person ka at may mga taong humahawak ng mga activities mo, hindi mo pa rin kinakalimutang sabihan ang mga magulang mo."


"My parents taught us the value of respecting others especially them. Isa sa mga ways ko na ipakita ang respetong iyon sa kanila ay ang simpleng pag-iinform sa kanila ng mga ginagawa ko." Sagot nya.

I slowly nod my head and look at her with admiration.


"Now I do understand why millions of people love you."

SpotlightWhere stories live. Discover now