Chapter 57

997 36 28
                                    

K E V A N


Monday na naman, back to reality na naman. Haayz... Ganon talaga ang buhay... parang life. Napagod din ako sa U-Week. Andami kasi naming activities, at ang daaaaaming nangyari. Basta ayoko na munang isipin ang mga yun. Andami nang bumabagabag sa'kin ngayon, ayoko na muna dagdagan pa.

One week din kami hindi nakapag practice dahil sa U-Week kaya balik na kami agad sa training para sa nalalapit na competition. Ilang weeks na lang, nararamdaman ko na ang excitement at kaba. Pero mas nakaka-kaba yung mga sinabi ni Kath about kay coach.

Nasa gym na kami ngayon, nakapag latag na ng mats, at kasabay ang iba pa naming kasama mag stretching. Kaharap ko si Timmy at Loraine at napag-usapan na naman namin uli yung mga nangyari sa La Onirique nung isang araw. Magkahalong galit at pagaalala ang mga naging reaction nila matapos ko silang tawagan pagka labas ko mismo nun sa restaurant, at di rin sila maka paniwala sa mga sinabi ni Kath. Nag decide kami na kausapin sana si coach ngayong araw, pero hindi siya namin ma hagilap, di siya namin ma contact.

"Nag reply na ba sayo si coach, Tim?" tanong ko kay Timmy na panay kalikot ng cellphone niya habang naka split.

"Di pa nga eh," sagot naman niya. "Haay, nakakaloka talaga. Baka darating na rin yun maya-maya."

"Di pa rin talaga ako makapaniwala," sabi ni Loraine. "Di ko akalain magagawa ni coach yun!"

"Beshy, di pa naman napapatunayan. Kausapin muna natin siya," sambit ni Timmy. "Let's give coach the benefit of the doubt, okrei?"

Tumango lang din ako. Tama naman ang sinabi ni Timmy. Pero ang bigat lang din sa pakiramdam kung totoo man ang mga sinabi ni Kath.

"Pero you know what, parang nagmi-make sense na ngayon sa'kin kung bakit ganon na lang umasta si mayora sa atin the past weeks," ika ni Timmy. "Yung mga palpak natin last week? I think sinadya niya yun. Siya may pakana lahat nun."

"Onga noh?" tugon ni Loraine. "Yung reservation natin sa auditorium!"

"Yung reservation natin sa school bus," dagdag ni Timmy.

"Pati na rin yung pag harang ng rubber mats," sambit ko.

"Pati na rin yung on the spot na reservation sa La Onirique!" bwelta ni Loraine. "Muntik na nga ubusin yung 20K, juice colored!"

"At feeling ko mambubulabog sana yun sa Auction kung di lang dumating si Joey," dagdag pa ni Timmy. "Nasira ang plano ni ateng bwahaha!"

"Pero nagtataka parin ako kung bakit ganon na lang siya ka invested sa atin?" tanong ko. "Alam mo yun, yung grabe yung effort niya para ma sabotahe tayo."

"At paano niya din na discover yung kay coach? May mga ibidensya and eye witnesses pa talaga siya," dagdag ni Timmy. "Bruhang yun! Pinag iinitan talaga tayo. Ganon na lang ba siya ka insecure sa ganda ko? My gaaad!"

Binatukan naman siya ni Loraine, "Ilusyonada!"

Napaisip din ako. Ano kaya ang motibo ni Kath? Kung siya man ang may pakana ng lahat ng mga kapalpakan namin last week, di ko talaga maisip kung bakit. Ano ba nagawa namin sa kanya na ganon na lang siya ka obsessed na mapa taob kami? Haays.

"May araw din siya grrrrrrr!" saad ni Timmy.

"Nga pala, Tim. Kunin ko mamaya mga naiwan kong gamit sa bag mo ha," sambit ko para maiba ang usapan. Wala munang bad energy tonight para maka focus muna kami sa training.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα