"Bunganga mo talaga kahit kailan Kimtot! Pasensiya kana nga pala kung hindi ako nakapunta doon sa get together at the same time celebration party Bei."

"Hinanap ka nga nila Russ ate Ly. Si Savannah kinukulit akong tawagan ka daw at papuntahin sa venue. Si Rony at Richard naman makailang beses ding nagtanong kung bakit wala ka. Gumawa nalang ako ng alibi. Hahaha. Ewan kung naniwala ang mga iyon sa sinabi ko." Kakamot kamot ng ulo na napapangiwi si Bea.

"Bawi nalang ako sa kanila next time Bei!"

"Next time nalang nga talaga Baldo. Pero, kasi napakaunexpected talaga nung nangyari sayo. Hindi nga lang iisang beses kong naimagine ang naging eksena eh. Record high siguro iyong stress level mo during that time. Pasalamat nalang tayo at iyon lang ang inabot mo. That could be worst alam mo iyon!" Naiiling na wika ni Kim.

"Sorry ate Ly!" Mahinang wika ni Bea. Hindi ito makatingin ng diretso kay Alyssa.

"Kalimutan nalang natin Bei, I deserve it naman! Let's drop that topic Kim." Malumanay na wika niya sabay ngiti.

"Pasensiya at ipinaalala ko pa. Mabuti pa nga kung kalimutan nalang natin at mag-move on na tayo. Tapos narin kasi iyon, isa pa nandito tayo para sa ibang bagay. Pumunta tayo dito para magsaya!"

"May tama ka dyan ate Kim! Order na tayo!"

Doon din ay tinawag ni Bea ang waiter para umorder!

"So kamusta nga pala ang naging byahe niyo sa Sarangani? I could only imagine ang sayang nadarama ng mga katutubo!" Pag-iiba ni Kim ng topic. Kaalis lang noon ng waiter.

"Expectedly, sobrang saya nila ate, and we are very lucky na mawitness iyon with our very own eyes. Higit pa nga yata sa kasiyahan ang naramdaman nila eh. Greatful, yeah. They're ecstatic and very appreciative. Alam mo iyon,  that project means alot to them. Parang through that nagkapag-asa uli sila. Lalo na doon sa isa which is spearheaded by ate Ly. Naiyak talaga ang mga kalalakihan ng community upon hearing na magkakaroon na ng regular at direct buyers ang mga produce na ibinababa nila. Hindi matapos tapos ang pasasalamat nila samin especially dito sa kaibigan natin." Beatriz sounding very proud of what Alyssa has done.

"Sila manong Nono at manang Belen pati narin si kuya Rudy hindi rin makapaniwala na nagawa iyon ni ate Alyssa! According to manang Belen, for the longest time those natives, they felt neglected. Walang pumapansin sa kanilang mga hinaing. Even their local government officials dedma! Thankfully, came ate Ly. An outsider, dayo lang pero hindi takot tumulong."

"Simula't sapul ganoon na talaga ang ugali nitong si Baldo. Kaya maraming nagmamahal nito sa kanya eh. So paano na tol, welcome na welcome kana sa community na iyon, not to mention napamahal kana sa kanila. What if doon nalang tayo tumira?" Pabirong wika ni Kim.

"Ay huwag mong bigyan ng idea iyang si ate Ly, baka pagbigyan ka ate Kim. Hahaha. Baka mag-alsabalutan yan at bigla nalang mamundok! But seriously, having the priviledge na maexperience kung paanong mamuhay doon. I myself is very much willing to relocate in there. Malayo man, payak at simple man ang buhay mas pipiliin ko pading doon tumira. Ang reason? Ang mga taong nakatira sa lugar na iyon!" May ngiti sa labing dagdag ni Bea. Hindi niya mapigilan ang sariling balikan ang mga magagadang alaala mula sa panahong inilagi nila doon.

Konteng flashback lang.

Mga tatlong araw na ang nakakaraan mula ng makatanggap ng tawag si Bea mula kay manang Belen saying na malapit nang matapos ang library. Prior to that, Bea's already considering the idea of going back to Sarangani, to personally oversee the project's contruction. Hindi niya lang iniexpect na mapapaaga ang pag-alis niya, kaya naman wala ng sinayang na oras si Bea, agad niyang pinatawag at kinausap ang kanyang team members. Sila Richard and Russ ang siyang nagprisintang sumama sa kanya sa byaheng iyon.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now