Chapter Nine: One Sided Love

Start from the beginning
                                    

"At ano'ng gusto mong gawin ko, Kuya? Sabihin sa kanya na pareho kami ng nararamdaman? Parehas kaming babae! Tama nga 'yung hinala ko sa kanya noon. Tomboy nga siya!"

"She's not a lesbian!"

"Then what is she, Kuya? May babae bang nagkak-agusto sa kapwa niya rin babae? Iniyakan niya pa nga ako kanina na parang masakit talaga sa kanya ang mga nangya-yari. Akala ko kayo, pagkatapos may gusto pala siya sa akin!"

"Hindi ginusto ni Shaine na ma-in love siya sa 'yo! Kaya nga naging kami, e. Para makalimutan ka na niya. Pero ano'ng ginawa mo? Sinaktan mo pa siya!"

"At sinaktan ka rin niya, Kuya!" sigaw na rin ni Mei-Mei na nagpatigil sa kanya.

Doon na biglang kumalat sa puso ni Damon ang sakit.

"Ginamit ka pa niya para lang kalimutan ako, pag-katapos ngayon ay pinagtatanggol mo pa siya? Nababaliw ka na ba talaga nang dahil sa kanya, kuya?! Mas importante pa sa 'yo ang nararamdaman niya kaysa sa nararamdaman mo? Sana naman kahit minsan, mahalin mo rin ang sarili mo!"

Naupo siyang muli sa sofa at nasapo ang noo. Napag-tanto niyang tama si Mei-Mei. Puro na lang si Shaine at ang kapakanan nito ang nasa isip niya to the point na nakalimu-tan na niya ang sarili niya. Hindi na niya alam kung ano na ang gagawin niya. Kahit ano'ng gawin niya ay mahal na mahal talaga niya si Shaine. Para siyang mababaliw sa kakaisip dito dahil ito na ang nasa buong sistema ng katawan niya.

Habang nakaupo sa sofa ay nakukusot na niya ang mukha niya. Humihinga siya ng malalim para lang pigilan ang mga luhang umaagos mula sa mga mata niya pero hindi niya talaga kaya. Akala niya, gamot sa kanilang dalawa ni Shaine ang gamitin siya nito para makalimutan ang maling nararam-daman nito para sa kapatid niya. Pero lason pala ito na mabi-lis kumakalat sa buong katawan niya. Nakakabaliw ang sakit. Masyadong mahalaga sa kanya si Shaine at ang kapatid niya to the point na hindi na niya alam ang gagawin niya. Lahat nang nagyayari sa kanilang tatlo ay mali. Pinaglalaruan sila ng tadhana. Mahal niya si Shaine pero ito naman ay ang kapa-tid niya ang mahal habang si Mei-Mei naman na kapatid niya ay pinandidirihan ito.

Lumapit naman si Mei-Mei at yumakap sa kanya. "Let's just forget about Shaine, Kuya. Mas mahalaga ka pa rin kaysa sa akin kaya sana lang ay huwag mo na siyang isipin. Tayo ang magkapatid at hindi tayo dapat magtalo nang dahil lang sa kanya. Tahimik naman tayo dati, eh. Hayaan na lang natin siya," malumanay nang sabi ni Mei-Mei habang hina-hagod ang likuran niya pero para bang hindi man lang gum-agaan ang dibdib niya sa pag-aalo nito. Masyadong mabigat sa kanya ang lahat na hindi pa niya kayang kumalma. Isipin pa lang niya na malalayo siya kay Shaine ay parang ikamama-tay na niya.

Halos umikot na ang mundo niya rito pero alam niya na iyon lang ang tanging solusyon. Ang mahiwalay siya kay Shaine. Ang mahiwalay 'sila' kay Shaine para makalimutan na nila ito...

AYAW SANANG PUMASOK ni Shaine ngayon dahil sariwa pa rin sa alaala niya kung paano ni-reject ni Mei-Mei ang nararam-daman niya. Subalit, pinilit pa rin niyang ibinangon ang sarili niya, dahil gaano man kasakit ang nangyari kahapon, gusto pa rin niyang makita sa Mei-Mei. Tanga na kung tanga pero ganoon talaga kapag nagmamahal ka. Kahit nireject ka na ay hindi mo pa rin agad na makakalimutan.

Malapit na siya sa classroom nila nang makasalu-bong niya si Damon. Hinatid pala nito roon si Mei-Mei.

Nagkatitigan sila. Medyo matagal din iyon dahil pinakikiramdaman niya ito. Ewan niya, pero ang weird ng mga tingin nito sa kanya ngayon. Parang gusto nitong luma-pit at may sabihin sa kanya pero pinipigilan nito ang sarili nito. Para bang may nalaman ito tungkol sa kanya na gusto nitong pag-usapan nila pero imbes na lapitan siya ay tinali-kuran pa siya at nagsimulang naglakad palayo. Agad naman niya itong hinabol.

Strange Love (Published By Viva Books)Where stories live. Discover now