Chapter Nine: One Sided Love

Start from the beginning
                                    

Bagama't hindi naman tumanggi si Shaine sa pagyakap niya ay hindi rin nito ginantihan ang yakap na iyon. Sa halip ay isang malamig na salita ang lumabas sa magagan-dang labi nito. "Just leave me for a while, Damon. I just want to be alone."

Ramdam niyang nagpipigil na naman ng luha ito. "I will never leave you, Shaine. I know that you're in pain and I just want you to know that I'm here no matter what hap-pens. Kahit na hindi pa ako ang gusto mong makasama." Mahal niya talaga si Shaine at walang sinuman ang maaring kumuwestiyon niyon. Lahat ay gagawin niya para rito kahit isakripisyo pa niya ang sarili niyang kaligayahan.

Bahagyang ngumiti si Shaine sa kanya saka bigla na lamang nitong hinaplos ang mukha niya.

"I'm very sorry for using you, Damon. Ngayon ko lang na-realize na ganito pala talaga kasakit ang ma-reject. Pero alam kong mas masakit sa part mo because Mei-Mei is your sister."

Kinuha niya ang kamay nito at dinala iyon sa dibdib niya. "Don't worry about me, Shaine. Ayos lang ako. Kaya ko ito. Lahat ay kaya kong tiisin para sa 'yo."

Binawi nito ang mga kamay nito sa kanya saka ito bumuntong-hininga.

"No, let's end everything between us, Damon. This is not right. I don't want to be unfair that's why I'm break-ing up with you. I do not deserve your love. Parehas tayong babae ang gusto." Tuluyang tumulo na naman ang mga luha ni Shaine.

Nasaktan si Damon sa narinig niya. "Shaine, please don't do this to me..." Yayakapin sana niya ito at magma-makaawa na huwag nang ituloy ang pakikipaghiwalay nito sa kanya pero nilagpasan na siya nito saka ito sumakay sa kotse nito.

Umandar iyon paalis sa school at unti-unti nang nawala sa paningin niya ang sinasakyan nito. Wala na si Shaine pero nakatulala pa rin siya.

Wala na. Iyon na ang katapusan ng first love niya. Tinuldukan na nito. Natalo siya.

-------------------------

KINAGABIHAN AY HININTAY NI DAMON si Mei-Mei na makau-wi ng bahay. Pero alas-onse na ng gabi ay wala pa rin ito. Balak niyang kausapin ito kung ano na ang plano nito kay Shaine. Kung ano na ang gagawin nito pagkatapos ng nalaman nito. Masakit pa rin sa kanya ang mga nangyayari, pero ang sakit na nadarama niya ay hindi na para sa sarili kundi para na kay Shaine. Panigurado, ni minsan ay hindi pa ito nakakaranas ng rejection sa buong buhay nito kaya alam niya na sobrang sakit para rito ang ginawa ng kapatid niya.

Sa pagtapak ni Mei-Mei sa loob ng bahay, sinalubong niya agad ito. Blanko ang kanyang expression habang na-ka-cross arm at nakasandal sa pintuan. Natigilan pa ito pag-kakita sa kanya pero nilagpasan din siya. Hinarang niya ang dinaraanan nito kaya napabuntong-hininga ito at napilitan na umupo muna sa sofa ng sala.

"Bakit ngayon ka lang?" nakasimangot na tanong niya habang nakatayo sa harap ng kapatid niyang nakaupo.

Hindi naman ito makatingin ng diretso sa kanya. Pinagtuunan ni Mei-Mei ang pagtatanggal ng sapatos.

"Pumunta kasi ako kina Denver, Kuya. May party sa kanila. Aalis na kasi pala siya at sa Dubai na titira kasama ng parents niya. Hindi na raw siya sa Sacred Heart Academy mag-aaral. Kaya pala sobrang kinukulit niya na ako kanina kasi last niya na 'yun. Nakakalungkot nga eh," kaswal na pali-wanag nito.

"Ah, busy ka riyan sa lalaki mo. Kaya pati iyong pag-tatapat ni Shaine sa 'yo kanina ay balewala lang sa 'yo," pang-uuyam niya.

Nagulat si Mei sa tono ng pananalita ng kuya niya. Napatingala siya rito ng ilang segundo at muling nagbaba ng tingin. Ilang siya sa topic na gustong buksan ng kuya niya.

Tumayo na siya sa pagkakaupo pero hinawakan ni Damon ang kamay niya para pigilan siyang makalayo.

"Ano ba talagang plano mo kay Shaine? Bakit parang wala lang sa 'yo iyong nangyari kanina?" inis na tanong niya.

Strange Love (Published By Viva Books)Where stories live. Discover now