EPILOGUE

7.5K 112 13
                                    

EPILOGUE

"OUR wedding was fake and I planned everything. Isa lang ang hindi ko pinlano, yun ay ang mahulog sa kaniya. Hindi ko nga rin alam nung una kung bakit hindi ko masabi sa kaniya na hindi totoong kasal kaming dalawa at nagising nalang ako isang umaga na napagtanto kong ayaw ko lang pala na mawala siya.
Na mahal na mahal ko na pala siya at natatakot ako na lumayo siya kapag malaman niya ang totoo."

Echoe smiled when he saw Karina smiling while tears are pooling in her eyes and then he mouthed 'I love you' to her.
Nakita niya rin ng mapalingon siya sa mga magulang niya kung paano ng mga ito pinunasan mga luha.

Today is their wedding day, napagdesisyonan nilang dalawa na magpakasal sa isa sa mga pinakamalaking simbahan dito sa Pilipinas, nabigla pa ang pamilya niya nang malaman na magpapakasal ulit sila lalo na ang ina niya. Wala namang naging problema sa Lolo niya dahil sa simula palang ay alam na nito na peke ang unang kasal nilang dalawa. Walang makakaloko kay Don Roque Velasco.

"Alam kong ito lagi ang sinasabi ko sa'yo apo, ngunit sasabihin ko ito muli sa'yo sa huling pagkakataon."
His Lolo tapped his shoulder.
"Ingatan mo ang asawa mo, Love her and show her how precious she is. Karina deserves to be happy."

He smiled at that pero kahit pa hindi iyon sabihin ng Lolo niya ay iyon naman talaga ang gagawin niya.

"Of course, Lo. Thank you so much."

"Ganda ganda naman ng bride na yan... Sabihin mo nga Karina... diyosa ka ba? Ba't sobrang ganda mo?"
Rabea said and hugged his wife.
Nahihiyang ngumiti lang si Karina at pinuri din ito pabalik bago tumingin sa kaniya.

"He's so nakakainis."

Elona is the maid of honor pero panay reklamo nito dahil si Kennan ang best man niya at kinailangan pa na sabay ang mga ito sa pag lakad kanina. Panay ang irap ng kapatid niya kahit wala namang ginagawang masama ang kaibigan niya, hindi pa nga nagsasalita at tipid lang kung ngumiti.

"Echoe, pakiramdam ko pangit ako sa mga pictures, ang laki na ng tiyan ko."
Bulong nito sa kaniya at sumandal sa dibdib niya habang kinukunan sila ng litrato ng mga sikat na photographers na kinuha ng Mommy niya.

"What? of course not... You're always beautiful my wife, at dumagdag pa ang pagiging buntis mo sa kagandahan mo."
Ngmuso lang ito sa kaniya kaya hinalikan na niya, kanina pa kasi siya nanggigigil rito sa asawa niya.

"Hoy!"
Napalingon silang dalawa nang biglang sumulpot sa tapat nila si Khalil.

"PDA kayo ha..."
Anito at inirapan siya.

"Kuya..."

"So what Martinez? kasal namin to..."
Aniya na ikinasama naman ng muka nito.

"Hindi naman kayo makakasal kung hindi kita tinulungan, kaya be good to me kung hindi babawiin ko ang prinsesa ko sa'yo."
Mayabang na wika nito at ngumiti.

"Kuya naman eh..."

"Joke lang..." Tumikhim muna ito bago pormal na nagsalita.

"Velasco, please take care of my sister..."
Maliit itong ngumiti sa kaniya.
"... I love her so much..."
Anito at tinapik ang balikat niya saka niyakap si Karina at hinalikan sa noo bago nagmamadaling naglakad palayo pero hindi nakatakas sa paningin niya ang pagpunas nito ng mata.

I will, Martinez

"Umiyak ang kapatid mo..."
Aniya at niyakap ang asawa niya.

"Nakita ko rin..."
Karina said and sobbed.

"You know.... you're so lucky to have Khalil as your brother
... He loves you so much."

"Yes... I know... at mahal na mahal ko rin ang kuya ko..."
Anito at ngumiti, napangiti nalang din siya at pinunasan ang luha nito.

OBSESSED 2: Echoe Velasco [COMPLETED]Where stories live. Discover now