CHAPTER 11

6.7K 116 2
                                    

CHAPTER 11

WALA NA si Echoe sa tabi niya ng magising siya.
Siguro dahil sa 'sorry' nito kagabi ay inakala niya na hindi na ito nagtatampo sa kaniya.

Ano ba kasi ang kasalanan ko?

Buo na ang desisyon ni Karina na tanungin si Echoe kung ano ba talaga ang nagawa niyang mali ng biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Echoe na bihis na bihis na.

Wala itong ngiti sa labi ngunit hindi na nito iniiwas ang tingin sa kaniya.

"About last night, thank you for taking care of me, Wife."

Anito at lumapit sa kaniya.
She gasped when he suddenly grabbed her waist.

Nagkadikit ang katawan nilang dalawa kaya parang nakalimutan niya saglit kung paano huminga.

Naalala niya ang nangyari kagabi. Nang mahimbing na ang tulog nito ay pinunasan niya ang katawan nito.

Ok na ba siya? Hindi na siya nagtatampo sakin?

Napangiti si Karina nang isipin na hindi na nagtatampo sa kaniya si Echoe.

"Oo naman, natural lang na alagaan kita dahil asawa kita."
Saglit itong natigilan.

"Yun lang?, Dahil obligasyon mo na alagaan ako bilang asawa mo?"
Natatawa siya dahil sa tono ng pananalita nito. Parang bata.

"Inalagaan kita dahil g-gusto ko. At nag-aalala ako sayo."
Agad siyang yumuko para itago ang panumula ng kaniyang pisngi.

Narinig naman niya ang mahinang pagtawa ni Echoe.

"Why so honest?"
Anito kaya kumunot ang nuo niya.

"G-gusto mo bang mag sinungaling ako?"
Inosente niyang tanong dito kaya mas lalo itong natawa at bigla nalang siyang hinalikan sa nuo.

Agad namang uminit ang buong muka niya.

"Silly. Of course not. That's the reason why I like you."
Mahinang bulong ni Echoe ngunit mukang hindi nito inaasahan na maririnig niya.

"G-gusto mo ako?"
Nanigas ito sa kinatatayuan at hindi ito naka sagot.

"Pack your things, we're going home."
Anito at pinakawalan siya bago tinalikuran.

Hindi man lang nito kinompirma ang sinabi.

Baka mali lang ako ng dinig. Nakakahiya.

Pero dahil sa sinabi nitong uuwi na sila ay agad siyang sumigla dahil na mi-miss na niya si Mommy Elspeth.
Ilang araw din silang hindi nag kita ng Ginang.

Mahilig siya sa bulaklak kaya palaging floral dress ang napipili niya at pinaresan ng simpleng sandals.

Magkasama silang lumabas si Echoe sa kanilang suite at sabay na pumasok sa elevator.

May dalawang babae doon at halata sa mga muka nito ang pagkamangha ng makita ang asawa niya.

"Hi handsome."
Malaki ang ngiti ng dalawa at lumapit sa asawa niya.

"Hi."
Bati pabalik ni Echoe kaya mas napangiti ang dalawang babae.

Hindi ba siya nakikita ng mga ito?

"You're so hot. What's your name?"

"Echoe"

Mariin niyang tinikom ang kaniyang bibig at bahagyang lumayo kay Echoe ngunit agad nitong hinawakan ng mahigpit ang beywang niya.
Mahina siyang napasinghap sa ginawa nito.

"And this is my wife, Karina."
Anito kaya nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa dalawang babae na mukang nadismaya.

Weird. Pero bakit nakaradam siya ng saya sa puso niya?

OBSESSED 2: Echoe Velasco [COMPLETED]Where stories live. Discover now