CHAPTER 21

5.3K 90 0
                                    

CHAPTER 21

HABANG bumabyahe sila pabalik sa kanilang bahay ay nakatulala lang si Karina habang nakatingin sa labas ng bintana.

Gulong gulo ang isip niya.
Maraming mga katanugan na hindi niya alam kung saan kukuha ng sagot.

Si Echoe naman ay panay ang sulyap sa kaniya na tahimik rin habang nag da-drive.
Siguro ay magkaparehas ang tanong sa isipan nilang dalawa.

Krizela.

Iyon ang pangalan ng babae, at kung tama ang hinala niya na ito nga ang ina niya. Bakit siya napadpad sa basurahan.
Bakit ito namatay? Bakit tinapon siya nito sa basurahan?
Bakit ang malas niya? Bakit ganito ang buhay niya? Bakit?

Naninikip ang dibdib niya sa iniisip at hindi namalayan ang dahan dahang pagpatak ng mga luha.
Kung hindi pa pinatigil ni Echoe ang kotse ay hindi pa niya nalaman na umiiyak na pala siya.

Niyakap siya ng asawa at napasubsob naman siya sa dibdib nito.

"Gulong gulo na ako, Echoe. Bakit ganito? Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Sino ba talaga ako?"

He hugged her tight at hinalikan ang noo niya.

"Hush, wife....I'm here, I will help you and I will do everything to make you feel better, but for now you need to rest. Sleep, Wife."

He kissed her forehead at napapapikit naman siya sa bawat salitang binibitawan ni Echoe.

NANG magising si Karina ay nasa kama na siya nakahiga.
Hindi niya alam kung ilang oras ba siyang nakatulog basta ay naramdaman pagod ang isip niya sa lahat ng nangyayari.

She cleaned herself at bumaba na, nakakahiya naman kay Nanay Ceña kung ito nanaman ang magluluto.

"Nay, anong oras ho ba uuwi si Echoe?"

Tanong niya habang nagpupunas ng mga plato.
Nilingon naman siya ni Nanay Ceña at nginitian.

"May importanteng ginagawa e, siguro hindi iyon makakasama saatin sa dinner."

Marahan naman siyang tumango. Naiintindihan niya kung gaano ka hirap ang trabaho ni Echoe kaya hindi siya magrereklamo.

Sabay silang nagdinner ni Nanay Ceña at tama nga ito, hindi nakasama sa kanila si Echoe.
Gabi na at bussy siya sa mga libro niya dahil may quiz sila kinabukasan. Nag aalangan siyang tumawag kay Echoe dahil baka ma distorbo niya ito hinintay nalang niya na ito mismo ang tumawag sa kaniya pero walang dumating kahit man lang isang mensahe.

Napabugtong hininga si Karina at nilapag ang binabasa niya at sinarado ang laptop.

Kailangan na siguro niyang masanay na hindi sa lahat ng oras ay magkasama sila ni Echoe.

Nahiga siya sa kama at tinakip ang kumot sa katawan niya.

Ito ang unang beses na hindi sila sabay natulog.

Napakagat siya sa labi niya at pilit na pinikit ang mga mata, siguradong bukas pag gising niya ay katabi na niya ang asawa.

ISANG katok ang nakapag pagising sa kaniya, agad niyang nilingon ang tabi ngunit wala si Echoe roon.

"Karina, anak, pagkatapos mong mag ayos bumaba ka kaagad."

Narinig niya ang boses ni Nanay Ceña sa labas ng kwarto.

"Opo, Nay saglit lang."

Napabugtong hininga nalang si Karina at inayos ang higaan.

"Hindi siya umuwi kagabi?"

Tanong niya sa sarili bago tumungo sa banyo upang maligo.
May klase pa siya at ayaw niyang mahuli.

Nakanguso siya habang naglalakad pababa sa hagdan.
Nalulungkot siyang isipin na hindi umuwi si Echoe kagabi.

OBSESSED 2: Echoe Velasco [COMPLETED]Where stories live. Discover now