CHAPTER 34

5.6K 91 4
                                    

CHAPTER 34

NANG pumasok si Karina sa loob ng Café ay agad siyang nakita ni Rabea, kinawayan siya nito kaya kumaway din siya pabalik.
Lumapit naman kaagad sa kaniya ang magandang kaibigan.
Nakasuot ito ng skinny jeans at simpleng spaghetti strap na kulay puti, nakalugay lang din ang mahabang buhok nito.
Simple lang itong manamit pero umaapaw parin ang kagandahan.

"Karina!"
Anito at agad nilang niyakap ang isa't isa.

"Hi, Rabea... Kamusta ka na?"

"Ok naman."
Bumitaw na sila sa isa't isa at giniya siya ni Rabea sa isang mesa sa dulo.

"I miss you, buntis!"
Nagulat siya sa sinabi nito.

"Alam mo na pala? Isu-surprise pa sana kita eh..."
Aniya habang nakanguso natawa naman ito at hinawakan ang tiyan niya.

"Panong hindi ko malaman e, inisa-isa talaga ni Echoe ang mga kaibigan niya sa mga bahay nito para ibalita na magiging tatay na siya!, baliw na baliw talaga yang asawa mo sa'yo."
Malakas itong tumawa.
Mas lalo pa siyang ngumuso dahil biglang namula ang muka niya sa mga sinabi ni Rabea.

Baliw nga si Echoe. Pero mahal niya ang baliw na iyon.

"Nga pala, I heard what happened to you and to your family, grabe ang kaba ko, how are you?"
Umupo silang dalawa at may sinenyasan si Rabea na isang babae.

"Ok lang naman, masakit ang nangyari, ngunit may parte saakin na nagpapasalamat na nangyari iyon, pakiramdam ko nabuo ang pagkatao ko... Nakakalungkot nga dahil hindi ako nakapunta nang ilibing ang ama ko."
Maliit siyang ngumiti rito.

"Magiging ok ka rin, kailangan lang ng panahon kaya minsan pumunta ka rito para hindi ka ma bored sa bahay niyo, tsaka wag ka magpa stress masama iyon para sa inyo ni baby."

Agad naman siyang tumango sa sinabi nito.
Mabuting ideya nga iyon, pero hindi naman siya nabo-bored sa bahay nila dahil pag nasa ERV si Echoe ay pumupunta naman doon si Nanay Ceña at palagi rin namang nandoon si Elona.

"Blooming ka talaga palagi, bagay na bagay sayo ang mag dress, muka kang diyosa ng mga bulaklak."

Anito at ngumuso, napatingin naman siya sa suot niya.
Nakasuot siya ng fairy dress na bigay sa kaniya ni Elona nang nakaraang gabi galing daw sa Vietnam. Binigyan pa siya nito ng mga make ups, gusto pa sana niyang tumanggi kaso sa muka palang ni Elona na nakanguso sa kaniya at hindi na siya makatanggi.

"Wala ka bang balak na pagupitan ang buhok mo? Sobrang haba na oh."

Agad naman siyang napailing.
Gusto niyang mahaba ang buhok niya dahil dito siya sanay.
"Hindi muna siguro, nasanay na kasi ako na mahaba ang buhok ko."

"Sabagay, ang ganda naman kasi, natural na kulay brown, kulot pa sa dulo."
Inabot pa nito ang buhok niya.
Napangiti naman siya rito.

"Ito na po, boss."
Ngumiti sa kanila ang babae na sinenyasan kanina ni Rabea at nilapag sa mesa ang isang platito na may isang slice na chocolate cake at isang basong juice.

"Thank you, Lilet."

"Salamat"

Ngumuti sa kanila ang babae at magalang na nagpaalam.

"Tikman mo, special iyan."
Nakangiting wika ni Rabea sa kaniya.

"Salamat dito."
Aniya at sumubo ng maliit na parte, agad namang sumabog sa dila niya ang masarap na lasa niyon.

"Ang sarap."
Aniya at tuwang tuwa naman ito.

Maya maya ay may pumasok sa loob ng Café na nagpalingon sa lahat na naroon.

OBSESSED 2: Echoe Velasco [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ