CHAPTER 24

6K 108 2
                                    

CHAPTER 24

NAGISING si Karina dahil nakaramdam siya na may mainit at malambot na bagay na dumampi sa kaniyang noo ngunit pagdilat niya ng kaniyang mga mata ay wala namang tao sa tabi niya.

Nananaginip lang ata siya.
Agad siyang bumangon at naalalang nasa mansyon pala siya, dito siya natulog sa kwarto ni Echoe.

Dito ba siya natulog?

Napakagat siya sa kaniyang labi ng maalala ang nangyari kagabi.

Napabugtong hininga nalang siya at napa iling iling.
Tumayo siya para ayusin ang kama bago bumaba.
Siguradong umalis na si Echoe papunta sa trabaho nito.

"Anak, Good morning."
Nakasalubong niya si Nanay Ceña na may dalang tray.

"Good morning din po, Nay."

Inangat nito ang tray na para bang pinapakita sa kaniya.

"Dadalhan sana kita ng pagkain eh, sabi kasi ni Echoe masama ang pakiramdam mo. Papasok ka ba?"

Agad siyang tumango at sumunod kay Nanay Ceña.

"Nasa taas na rin ang iba mo pang gamit, pinasok ko na kanina, dito muna daw kasi tayo pansamantala habang nandito si Ma'am Elspeth."

Nilapag ni Nanay Ceña ang tray sa mesa at naupo silang dalawa don.

"Masama ba talaga ang pakiramdam mo? Maputla ka anak."
Anito at sinapo ang noo niya.

"Marami lang po kasi siguro akong iniisip kaya ganun."

Bigla namang bumukas ang pinto at niluwa niyon si Echoe at ang ina nito.

"Oh, Good morning, Karina...and Manang, kamusta ang tulog ninyo?"
Nakangiti nitong bati at agad na lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"G-good morning po."

"Ok naman, Ma'am."

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Mommy Elspeth at kumunot ang noo ng mapatingin sa kaniya.

"Hija? Bat maputla ka? Are you ok?"
Nag aalalang tanong nito at sinuri ang muka niya.

"Ok lang po ako."
Ngumiti siya dito at napabaling ang tingin niya kay Echoe na basa pa ang buhok, naka plain white T-shirt at itim na pants. Nakapamulsa ito habang matiim na nakatingin sa kaniya.

Lumapit ito sa mesa at naupo sa tabi niya.
Si Nanay Ceña naman ay nagpaalam na kumuha ng makakain ni Mommy Elspeth at ni Echoe.

"Na enjoy mo ba ang party kagabi, hija? Sayang sumama ang pakiramdam mo. Tumawag si Rouel gusto ka sanang batiin."
Ngumiti siya sa Ginang at hindi naman siya makatingin kay Echoe, ewan din ba niya.

"P-pakisabi po, Maraming salamat."

Aniya at nakitang paparating na si Nanay Ceña at may kasama itong isa pang katulong na may dala ding tray.

"Thank you, Manang."

Tahimik lang si Echoe sa tabi niya ngunit ang kamay nito ay dahan dahang humahaplos sa likod niya.
Napatingin naman siya dito at naabutan niyang nakatitig ito sa kaniya na para bang sinusuri siya.

Narinig niya ang pag tikhim ni Mommy Elspeth sa harap nila kaya agad siyang napalingon dito.

"So how's school, hindi ka ba papasok ngayon?"

Sumimsim ito sa kape at eleganteng hinawi ang buhok.

"Papasok po, pero mamaya pa ang klase ko."

Sinimulan niya nang kainin ang pancake na hinanda ni Nanay Ceña pero nang dumikit sa labi niya ang lasa ay agad siyang napahawak sa tiyan niya, pakiramdam niya ay masusuka siya. Mabuti nalang at napigilan niya, napainom nalang siya ng tubig.

OBSESSED 2: Echoe Velasco [COMPLETED]Where stories live. Discover now