CHAPTER 9

6.7K 102 0
                                    

CHAPTER 9

NAGISING si Karina dahil nakikiliti siya sa hininga ni Echoe na tumatama sa batok niya.

Babangon na sana siya ngunit nakayakap ang isang braso nito sa kaniya. Sa totoo lang ay hindi siya sanay na may yumayakap sa kaniya ngunit hindi niya maintindihan kung bakit komportable siya sa bisig ni Echoe.

Napakagat siya sa kaniyang labi ng maalala ang nangyari kagabi.
Isa iyon sa mga pangyayari sa buhay niya na hinding hindi niya makakalimutan at wala siyang pagsisising narararamdaman.
Ilang beses siya nitong inangkin na para bang hindi ito nagsasawa sa katawan niya, nakatulog nalang siya dahil sa pagod.

Naramdaman niyang gumalaw ang asawa sa likuran niya at mas humigpit ang yakap nito sa kaniya.

"Good morning wife..."
Napasinghap siya ng maradamang tumaas ang kamay nito at pinisil ang kaniyang isang dibdib.
Doon niya nalaman na nakahubad parin siya. Agad siyang nahiya.

"G-good morning."
Napalunok siya at akmang uupo ngunit agad siyang pinigilan ng matigas nito braso kaya napahiga siya muli.

"Why did you do that?"
Agad niyang nakuha ang ibig sabihin nito, tinutukoy nito ang nangyari kagabi kaya hindi siya nakatingin ng deretso kay Echoe.

"Kasi...."
Hinuhuli nito ang tingin niya kaya nang mag tama ang paningin nilang dalawa ay hindi na siya nakaiwas pa.

May nakikita siyang kakaibang emosyon sa mga mata nito.

"Why?"

"Kasi.... Kasi asawa kita at bilang asawa mo obligasyon kong ibigay ang pangangailangan mo bilang lalake."

Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya ngunit agad na nag iba ang expression nito.
Para bang may hindi ito nagustuhan sa sinabi niya.

May mali ba akong nasabi?

Ilang saglit pa itong tumitig sa kaniya bago bumangon at walang ingay na tinungo ang banyo.

Ilang minuto siyang natulala doon at inisip kung ano ba ang maling nagawa niya.
Kinuha niya ang kumot at binalot sa katawan niya, agad naman siyang tumayo para magbihis ngunit bigla nalang siyang bumagsak sa sahig.

"Aray"
Mahina siyang napasinghap dahil sa sakit.

Sobrang hapdi ng pagitan ng hita niya. Napasulyap din agad siya sa kama at may bakas doon ng dugo.

Nakita naman niya ang paglabas ni Echoe mula sa banyo at may pag alala sa muka nito habang nakatingin sa kaniya.

Agad itong lumapit sa kaniya at walang sabi sabing binuhat siya at maingat na nilagay sa kama.
Nagtaka siya ng hinawakan nito ang nuo niya.

"Stay here, i'll be back."

Kinuha nito ang cellphone at may kinausap.

"Yes, Anong gamot?....Ok thanks."

Pagkatapos nun ay may iba nanaman itong tinawagan, napatitig nalang si Karina sa likod ng asawa niya.

"Manong, can you buy me something?......."
Tumingin ito sa kaniya ngunit ng mapansin nito na nakatingin siya ay agad ding nag iwas tingin.

"....thank you. Bye."
Agad itong bumalik sa kaniya at hinawakan ulit ang nuo niya.

"You have a fever, i think your.....your...."
Napatingin ito sa pagitan ng hita niya at kitang kita niya kung paano gumalaw ang adams apple nito.

OBSESSED 2: Echoe Velasco [COMPLETED]Where stories live. Discover now