CHAPTER 37

5.2K 90 5
                                    

CHAPTER 37

NAPAAWANG ang labi ni Karina nang marinig iyon kay Echoe, dumoble ang lakas ng tibok ng puso niya at wala sa sariling tumaas ang kamay niya para yakapin ito.

"The night after our wedding umalis tayo agad because I wanted to tell you the truth, may plano na ako noon sa isip ko dahil talagang hindi pa ako handa na magpakasal..."

Inilayo nito ang mukha sa kaniya at hinaplos ang pisngi niya gamit ang kanang kamay nito.

"Iniisip ko noon na... wedding and marriage life is bullshit kung hindi niyo naman mahal ang isa't isa kaya nagkaroon ng ideya sa utak ko na i peke ang kasal nating dalawa at bahala na kung hindi man ipamana saakin ni Lolo ang mga kayamanan niya, mas matimbang parin saakin ang kalayaan ko.
Ngunit sa bawat araw na nakakasama kita bumabago ang pananaw ko and I just found myself studying how to speak and understand tagalog more so you wouldn't feel uncomfortable when we talk to each other at hindi ko rin namamalayan na pinapanood ko na pala halos ang lahat ng bawat galaw mo at napapangiti rin ako sa bawat pag ngiti mo."
He chuckled and cutely wiped his tears.

" I'm really really sorry I made you cry, Wife. I'm sorry for being so duwag, natakot ako sa maraming katanungan na namuo sa isipan ko...."

Karina sobbed and bit her lips.
"Katulad ng?... "

"Katulad ng...."
He brushed his nose to hers at hinalikan ang pisngi niyang may luha.

"Kapag ba sinabi ko sa'yo ang totoo, mapapalapit parin ba loob mo saakin?..."
He whispered and caressed her hair.
Hindi na siya nakapagsalita at napatitig nalang sa muka ni Echoe.

"Siguradong hindi at iiwas ka saakin dahil wala naman pala talagang rason para maging malapit tayo sa isa't isa. Natakot akong sabihin sa'yo ang totoo dahil natatakot ako na alisin mo ako sa buhay mo."
May isang butil na luhang tumakas na kulay asul nitong mga mata kaya agad niyang inabot at pinunasan iyon.

"Karina, I was a playboy. I never dreamed of my self waiting on the altar for my bride... having a wife and children because for me that was bullshit— I just wanted to be free and do whatever the hell I want without minding someone— be single and fuck whoever the fuck I want pero ngayon... I will do everything just please... Karina... I beg you... love me again... please marry me... marry me again... for real this time..."

Humina ang boses nito at napa tili nalang siya ng biglang natumba ang katawan nito sa kaniya, mabuti nalang at agad niya itong naalalayan ngunit hindi niya kinaya ang bigat nito at dahan dahan siyang napaupo sa sahig habang si Echoe naman ay walang malay habang nakayakap parin sa kaniya.

"Echoe..."
Mahina niya itong niyugyog ngunit hindi ito gumalaw.

"Tulong!"
Sigaw niya at agad namang dumating ang mga staff para tulungan sila. Sobra sobra ang kaba sa dibdib niya kaya napaiyak nalang siya.

"WALANG sapat na tulog, walang sapat na kain, puro papeles lang kasi ang inatupag niya sa buong linggo kaya ayan ang gago... mabuti nalang hindi namatay, pero sayang baka Starbucks pa sana ang kape niya kapag namatay siya—"

"Manahimik ka na ngalang Schnyd! Di naman nakakatulong iyang bibig mo eh."
Pagpapatigil ni Therhence kay Schniden na kanina pa daldal ng daldal.

"Shut up, Valleza."
Echoe groaned at binalik ang atensyon sa kaniya.
Kakagising lang nito at ngayon ay sinusubuan niya ng chicken soup.
Sabi ng doktor ay masyado itong na stress sa mga nagdaang araw, dumagdag pa ang hindi regular na pagkain nito at hindi sapat na pagtulog dahilan kung bakit ito nawalan ng malay.

"Nakakatulong kaya 'to, mabilis nilalabasan ang mga babae kapag—hmmmm!"
Napalingon kay Schniden ang lahat pati na siya kaya mabilis na tinakpan ni Stan ang bibig nito at nahihiyang ngumiti sa kaniya.

OBSESSED 2: Echoe Velasco [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz