CHAPTER 32

6.5K 102 7
                                    

CHAPTER 32

NAPATULALA si Karina sa sinabi ni Echoe. Totoo bang narinig niya iyon?

"A-anong sinabi mo?"

Sobrang lakas ng tibok ng puso niya at para bang nakalimutan niyang huminga saglit.

"W-What?"

Halatang natigilan din si Echoe.
Napaayos siya ng upo kaya napilitan din itong umupo.
She was so nervous, baka nagkamali lang siya ng dinig.
Nakakahiya naman...

"Karina..."
He called her using his soft voice.
Agad naman siyang napailing.
Ayaw niyang mapahiya.

"Ah... huh? W-Wala..."
Aniya at napakagat sa labi.
Nag iwas nalang siya ng tingin rito.
Umaasa siya na mahal din siya ni Echoe dahil palagi niya iyong nararamdaman, pero minsan ay nagdududa din siya,
Knowing his past, matinik ito sa mga babae, imposible na hindi ito sweet sa mga naging girlfriend nito.
Parang ayaw nalang niyang umasa.

Pareho silang natahimik saglit at walang nagsalita. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang sasabihin. Binalot nalang niya ng kumot ang katawan bago tumayo.

"M-Magluluto pala ako... ano ba ang gusto mong hapunan?..."
Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kaniya.

"Ah... M-Maliligo muna ako..."
Maliit nalang siyang ngumiti kay Echoe at akmang aalis ngunit mabilis nitong nahawakan ang wrist niya.

"Echoe—"

"Y-You heard it right... I love you, Karina"

Nanlaki ang mga mata niya at agad na napatingin kay Echoe.
Namumula ang muka nito at nag iwas ng tingin.

"H-Huh?"

"I-I uhh... I realize that there's no use hiding it... I really love you... I know it's kinda late... and kinda... wrong timing... I'm sorry ngayon ko lang nasabi... palagi kasi akong... nadadala sa takot ko kapag naisipan kong umamin sa'yo... I'm afraid that you don't feel the same..."
Napakagat ito sa pang ibabang labi nito bago hinuli ang kamay niya at kinulong sa mga palad nito.
"But now... I don't care anymore, b-bahala na, ang importante ay mapakawalan ko ito. I love you... I need you in my life... Fuck that five months... walang annulment na mangyayari. Hindi tayo maghihiwalay, lalo na na magkakaanak na tayo. I want us to be a complete family Karina... I won't let you go... I love you so much, you're my life..."

Napaawang lang ang labi ni Karina sa lahat ng mga sinabi nito at napahigpit ang kapit niya sa kumot na bumabalot sa katawan niya.

Nanginig ang kaniyang labi at hindi niya maintindihan ang nararamdaman. She's so happy.
Napatulo ang luha niya habang nakatingin kay Echoe.

"Hey... Wife... Why are you crying? Did I say something wrong?"
Agad na hinawakan ni Echoe ang pisngi niya at pinunasan ang luha doon.
Agad naman siyang lumapit rito at yumakap ng mahigpit.

"Mahal din kita, Echoe..."
She whispered at ramdam na ramdam niya kung paano ito natigilan.

"Kagaya mo... Natakot lang din akong umamin kasi baka... baka hindi mo naman ako mahal.
Mahal na mahal kita Echoe, ikaw din ang buhay ko... kayo ng magiging anak natin..."

"Fuck..."
Mahinang bulong nito na para bang pinapakalma ang sarili.
Niyakap siya nito ng mahigpit at hinalikan ang ulo niya.

"I-I can't breathe Karina. I think my heart is about to explode in so much happiness. I love you so much, Wife... Fuck, naiiyak nanaman ako..."
Anito ay naiinis na pinahid ang luha habang natatawa.

Hinawakan naman ni Karina ang pisngi nito at bahagyang nilayo ang muka niya rito.

"Mahal na mahal din kita, Hubby..."
Aniya at hinalikan ito sa labi.
Natigilan nanaman ito ngunit agad naman nitong tinugon ang halik niya.
She felt him smiled and kissed her again.

OBSESSED 2: Echoe Velasco [COMPLETED]Where stories live. Discover now