CHAPTER 3

7.8K 116 0
                                    

CHAPTER 3

NASA MESA silang apat ngayon.
Ang mag asawang Velasco, siya at si Echoe.
Masayang nag-uusap ang mag asawa tungkol sa mga bagay na hindi niya maintindihan.
Samantalang siya ay hindi man lang maka kain ng maayos dahil sa nangyari kanina.

Dahil sa sobrang kaba niya kanina ay naitulak niya ang binata at agad siyang humingi ng tawad at sinabi niyang hindi niya iyon sinasadya kaya nagkunot ang nuo nito hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.
Nag iwas siya ng tingin, ngunit hindi niya inasahan na mahuhulaan nito ang laman ng isip niya.
Kaya hanggang ngayon ay sobrang nahihiya siya dito.
Ang tanga tanga niya talaga!.

Nang umangat ang tingin niya ay nahuli niya ang binatang nakatitig sa kaniya ngunit agad itong umiwas ng tingin.

"Karina, handa na ang lahat para kasal ninyo ni Echoe, hihintayin nalang nating matapos ang wedding gown mo pero baka may suggestions ka.... pero ok naman na siguro sayo na sa London kayo ikakasal at mag ho-honey moon kayo sa Las Vegas—"

"Mawalang galang na po, p-pero ayoko pong ikasal sa ibang bansa gusto ko pong manatili dito."

Natigilan ang mag asawa sa sinabi niya, hindi naman niya nakita ang reaksyon ng binata sa tabi niya.

"Pero bakit? Gusto sana naming makapag pasyal ka sa ibang bansa... Hindi ka pa nakapag abroad hindi ba?"

Agad siyang tumango.

"Opo. Pero ayoko pong makasal sa ibang bansa."
Aniya at mukang naiintindihan naman siya ng mag asawa.

"Sige, pero saang simbahan mo ba gustong makasal?"

"K-kung papayag po kayo, ayoko ko po sanag makasal sa simbahan..."

Gulat na gulat ang mag asawa dahil sa sinabi niya. Si Echoe ay mukang wala nmang pakialam sa kaniya at patuloy lang sa pag kain.

Naalala niya ang nabasa niya sa isang libro.

"... Ayoko ko pong makasal sa simbahan dahil ayoko pong mangako ng kasinungalingan sa harap ng Diyos."
Saglit na binalot ng katahimikan ang buong dining area.

"W-wow, I never thought na sasabihin mo iyon, I'm so impressed, Karina."
Inabot ng Ginang kamay niya at hinawakan iyon. Parang hindi parin ito makapaniwala sa sinabi niya.

"Me too, I'm so proud to be your future father in law."

Nahihiya siyang ngumiti sa mag asawa.
Nang mapatingin siya kay Echoe ay hindi ito nakatingin sa kaniya ngunit may maliit itong ngiti sa labi.

Anong ngini-ngiti ngiti niya?

Kinahapunan ay namasyal siya sa labas ng mansyon.
Naupo siya sa gilid ng fountain at lumanghap ng sariwang hangin.
Mariin na napapikit siya nang maalala nanaman niya ang katangahang ginawa niya kanina.

Pilit man niya iyong alisin sa isip niya ay bumabalik parin.
Guminhawa nalang siya ng malalim at pumikit para damhin nalang ang hangin na sinasayaw ang mahaba niyang buhok.

Nakarinig siya ng tunog ng kotse kaya agad siyang napa lingon sa garahe, at muntik na siyang mapatalon ng makita si Echoe na nakatayo sa pinto ng kotse at may kausap ito sa cellphone.

Hindi niya maiwasang humanga sa kagwapuhang taglay nito.
Naka formal suit ito at bagay na bagay iyon sa binata.

Saglit niya pa itong tinitigan nang bigla itong tumingin sa direksyon niya at nagtama ang paningin nila, pero agad siyang nag iwas ng tingin dahil sa sobrang hiya.

Hindi na ulit siya lumingon dito at tinuon nalang ang atensyon sa mga puno ng kahoy at paglipas ng ilang minuto ay nakita niya ang pula nitong sasakyan na lumabas ng gate.

Agad naman siyang nakahinga ng maluwag.

Sana ay hindi na siya bumalik.

Kahit na alam niyang napaka impossibleng mangyari nun.

ECHOE on the other hand is very amused by his future wife.
Lalo na kanina when she accidentally kissed him.
She looked so adorable while saying sorry to him.
Dahil sa inaakto nito he realized one thing.

He gave her a perplexed look.

"Don't tell me it was your first kiss?"

Hindi niya din maintindihan ang sarili niya kung bakit may saya siyang naramdaman ng malaman iyon.

Napapikit siya when he remembered her soft lips. He want to feel it again—but fvck!
This is so wrong!

Lalo na at ang babaeng iyon ang sisira ng buhay niya as—uhm...well... as a binatang habulin ng mga babae.

Ayaw man niyang makasal. Wala siyang magagawa. Planado na ang lahat and he can't let his Grandfather na ibigay nito sa charity lahat ng mamanahin niya. Yes, nagmamay ari na siya ng isang napakalaking kompanya pero paano naman ang pinaghirapan ng Daddy niya?
Hindi biro ang mamanahin niya kaya hindi siya makakapayag na mapunta lang iyon sa iba dahil lang sa rason na... 'Wala pa siyang asawa'.

Napabugtong hininga siya.

Now, all he need to do is stay away from that innocent, adorable and very beautiful temptress and make himself bussy until their wedding day.

"WHAT THE FVCK! brute!"
Sabay sabay na mura ng mga kaibigan niya nang malaman na ikakasal na siya.

Imagine their shock when he told them kung ano ang nangyari kung paano siya inapi ng mga magulang niya.
Imbis na malungkot ang mga ito sa nakakaawa at sobrang sakit na pinagdadaanan niya ay tinawanan lang siya ng mga walang hiya.

"Sanay na kami na ang mommy mo ang gumagawa ng paraan para magkaroon ka ng asawa dahil sa bisyo mo— I mean bisyo natin but I never expected na magiging ganito kalala! Geez! I never imagined you getting married!"

Wika ni Stan at agad na humalakhak.
Nakitawa din si Heyon, Heyon is one of his friends at kakabalik lang nito mula sa Greece, rason kung bakit nandito siya ngayon sa condo nito kasama ang mga kaibigan niya.

"So... how does she look like? Uh... Is she pretty?"
Tanong ni Heyon kaya napangiti siya ng maalala ang muka ni Karina.

"Sobra."

Aniya at aalala niyang may litrato pala siya nito. Lihim niya itong kinuhanan ng nakaraang araw habang nakaupo ito sa gilid ng fountain, at nang lumingon ito sa direksyon niya at umakto siyang may kausap sa cellphone niya.
Hindi niya mapigilang ngumiti.

"Woah!, I know that face brute! Ganyan na ganyan din ako nang makilala ko si Rabea and trust me, wala ng sasaya pa kapag nakuha mo na ang babaeng mamahalin mo habang buhay."

Halos lahat ng mga kaibigan niya ay napangiwi sa sinabing iyon ni Therhence.

His heart beats faster when he realized na si Karina ang laman ng isip niya habang sinasabi iyon ni Therhence.

Ah...Fuck you, mind! Of course siya ang iniisip mo dahil siya ang topic niyo.

"I-I don't love her."
Aniya at inirapan si Therhence pero nginisihan lang siya nito at lumagok ng beer.

How can he love her? He doesn't even know her. Ang alam lang niya ay ang pangalan nito.
In short he's marrying a complete stranger.

But that stranger is very fascinating.

DARKERthanBLACK

.

OBSESSED 2: Echoe Velasco [COMPLETED]Where stories live. Discover now