CHAPTER 4

6.4K 102 0
                                    

CHAPTER 4

"YOU may now kiss the bride."

Napakagat sa labi niya si Karina nang hinarap niya si Echoe na kanina pa iniiwas ang paningin sa kaniya.

Awkward.

Akala niya ay magiging madali lang ang pagpapakasal nila pero hindi.
Sobra-sobra ang kaba niya, hindi niya lang sinasabi sa ina ni Echoe.
At ngayon, hindi na siya pwedeng umatras dahil asawa na niya ang estrangherong ito.

Napalunok siya nang kaniyang narinig ang ingay ng mga kaibigan nito sa likod nila kaya napalingon siya sa mga ito.
Nakita niyang nakangiti ang mag-asawang Velasco, ngunit ang mga kaibigan nito ay parang tinutukso sila.

Narinig niya ang bugtong hininga ni Echoe kaya napatingin siya rito at sa hindi inaasahan mabilisan nitong hinawakan ang pisngi niya at naramdaman nalang niya ang mainit nito sabi sa labi niya.

Nanlaki ang kaniyang mga mata ngunit agad din namang pinutol ni Echoe ang halik at binitawan siya.

Habang siya naman ay parang nakalimutan ang paghinga, lumapit sa kanila ang mga magulang nito at hinalikan siya sa pisngi.

"Congratulations sa inyong dalawa."
Ngumiti siya sa mga kaibigan nito at nagpasalamat kahit na alam niya sa kaloon looban niyang pilit lang iyon.

Nakipag usap pa ang mga ito sa kaniya saglit at may mga bagay na pinagsasabi ngunit hindi naman niya naintindihan.

Nang mapasulyap siya kay Echoe ay nagulat siya nang makitang nakatingin din ito sa kaniya habang kausap ama nito.
Agad siyang nag iwas ng tingin at napapikit.

Inaasahan na niya ang pangyayaring ito, ngunit bakit parang hindi parin siya handa?

NANG makarating sila sa reception ng kasal ay muntik nang malaglag sa carpet ang panga niya.

Nasa isang marangyang hotel sila na pagmamay ari ng mga Velasco at sobrang dami ng tao.
Sinabihan siya ng ginang na mga kaibigan daw ito ng pamilya nila at para maging convincing ang kasal nila sa mga tao ay kailangan umakto sila ni Echoe na mahal na mahal ang isa't isa.

Maya maya pa ay may mga taong lumapit sa kanila, at hindi lang iyon mga ordinaryong tao ang iba ay mga sikat na mga politiko at ang iba ay nakikita niya lang sa TV.

"Congratulations!"
Malaki ang ngiti na bati sa kanila ng may katandaang lalake kasama ang asawa nito.

"Thank you for coming, Senator Juanco."

Senator?

Hindi pa natapos ang pagkamangha niya ay napalitan nanaman ng isang kausap ng ina ni Echoe.

"Oh, Elspeth thank you for inviting me, by the way bakit hindi sa church ginanap ang wedding?"

Kilala niya ito, isa itong supermodel sa france nakita na niya ito sa TV minsan.
Ewan ba niya sa sarili niya pero pakiramdam niya ay na a-out of place siya sa mismong kasal niya.

Bago pa makasagot ang ginang ay may humawak sa kamay niya at marahan siyang hinila kaya napasubsub siya sa dibdib nito.

Nang mapaangat ang tingin niya ay muka ni Echoe ang bumungad sa kaniya, ayos na ayos ang buhok nito at napakagwapo nitong tignan sa suot nito habang siya ay kanina pa hindi mapakali dahil sa gown niya na naka expose ang itaas na bahagi ng dibdib niya.

"We need to look convincing."
Supladong wika nito at hinawakan ang beywang niya. Doon siya natauhan at tumango.

Kapag may bumabati sa kanila ay nginingitian lang niya kahit na nahihiya siya at naiilang dahil hawak siya ni Echoe.

OBSESSED 2: Echoe Velasco [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon