CHAPTER 30

5.6K 95 1
                                    

CHAPTER 30

"BAKIT po ngayon niyo lang sinabi saakin?"

Napayuko si Karina matapos sabihin iyon.
Sinabi na lahat sa kaniya ni Mommy Elspeth at parang hindi siya makapaniwala sa lahat ng ito.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at hindi rin niya alam kung ano ang dapat niyang isipin.
Parang naging blangko ang utak niya.

Sinakripisyo ng kaniyang ina ang sarili para mailigtas siya sa kamay ng kaniyang ama.

Napakahirap tanggapin, pero alam niyang maiintindihan din niya ang lahat ng ito. Siguro ay masyadong naging mabigat lang sa kaniya ang lahat ng nangyari.

"I'm really sorry Karina, pero wag kang mag alala. Siguradong masaya na ngayon si Krizela dahil natupad ko na ang pangako ko sa kaniya."

Mas lalo naman siyang napaiyak sa sinabi ni Mommy Elspeth at mas lalong niyakap ang picture frame na may litrato ng ina niya.

Masaya siya na may halong lungkot. Sana nga ay masaya na ngayon ang ina niya.

"Nalulungkot lang po ako dahil hindi ko man lang po siya nakilala.
Lumaki po ako na inisip ko na... Siguro ay hindi ako mahal ng ina ko dahil pinili niyang iwan ako sa basurahan. Pero ang totoo pala ay niligtas niya ang buhay ko.
At kahit po masakit ang ginawa ng ama ko, hindi ko po maiwasang maawa sa kaniya.
Masakit po sa dibdib dahil h-hindi ko man lang po sila nayakap at nakasama."

Pinunasan niya ang kaniyang luha at niyakap naman siya ni Mommy Elspeth.

"Hija... May kapatid ka pa. Mahal na mahal ka niya at nandito rin kami. Kami na ang bago mong pamilya."

Nakangiting wika ni Don Roque at sumang-ayon naman si Mommy Elspeth ang at ang asawa nito.

"Don't worry, Ate. I will help you para you can move on agad. I'm sure Kuya will help too."

Ngumiti sa kaniya si Elona.
Mas lalo lang siyang naiyak sobra ang saya na nararamdaman niya ngayon.
Pakiramdam niya ay dahan dahan ng nakokompleto ang pagkatao niya.

Akala niya noon ay ayos na siya kahit hindi na niya kilalanin ang totoong pamilya niya pero hindi pala, iba pala talaga sa pakiramdam. Kahit masakit ay dahan dahan siyang nabubuo.

"Pasensya na rin po, masyado po akong iyakin... Hindi ko nga rin po alam kung bakit siguro po ay dahil ito sa pagbubuntis ko."

Aniya at natatawang pinunasan ang luha niya.
Samantalang ang pamilya Velasco naman, maliban kay Mommy Elspeth ay natigilan sa sinabi niya.

"B-buntis ka hija?"
Nakaawang ang labing tanong ng ama ni Echoe.

"Opo."

Agad namang lumaki ang ngiti nito.
"You hear that, Hon? We're going to have a grandchild, parang hindi ako makapaniwala."
Anito at niyakap ang asawa.
Parang nakabawi na ito sa gulat pero si Don Roque at Elona naman ay gulat parin sa sinabi niya.

"That means I'm going to be 'Tita' na? Oh my goodness! I will surely spoil my pamangkin!"
Natutuwang wika ni Elona at marahang niyakap siya mula sa gilid. Napatawa naman siya sa inakto nito.

"I honestly don't know what to say... I'm still shock."
Napatingin silang lahat kay Don Roque.

"I'm so happy for you, Karina. Pati na rin kay Echoe.
I'm sure magiging mabuting magulang kayo sa magiging anak ninyo. Please take care of my great-grandchild, hija."

Anito at ngumiti sa kaniya.
Ngumiti rin siya rito pabalik.

"Oo naman po."
Aniya at hinawakan ang kaniyang tiyan.

OBSESSED 2: Echoe Velasco [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum