CHAPTER 20

5.8K 102 1
                                    

CHAPTER 20

SA BUONG buhay ni Karina hindi pa niya naranasan na maging ganito ka kontento. And so far that was her happiest day, nakapag aral siya at nagkaroon ng kaibigan at pinakamasayang parte ay nasa tabi niya si Echoe para suportahan siya at ibigay sa kaniya ang lahat—kahit pa hindi niya hinihiling.

Lumipas ang ilan pang araw nakaugalian na ni Echoe ang paghatid sundo sa kaniya sa School. Minsan ay mag ma-mall sila saglit para sa mga kailangan niya at uuwi rin naman agad dahil baka magtampo si Nanay Ceña kapag sa labas sila kumain dahil baka nagsasawa na daw sila sa luto nito.

Everything is going well. She's doing good at school and some professors even praised her for being so smart.
Masaya si Echoe para sa kaniya and they even celebrate it kasama si Nanay Ceña. Of course.

Palagi ring nakikipag FaceTime si Mommy Elspeth sa kaniya at sinasabing miss na daw sila nito.

"Miss ka na din po namin."

Echoes' mother nearly cried when she mentioned that dahan dahan na siyang nasasanay sa bagong buhay.

"That's a great news, Karina. I can't wait to finish what I am doing para makasama kayo ulit."

They talk about a lot of things bago ito nagpaalam, pero bago iyon ay nangamusta muna sila ni Echoe sa ama nitong fully recovered na.

At sana ganito palagi.
Yung tipong masaya lang at pagkagising mo ay bubungad agad sa paningin mo ang isang taong nagpapasaya sayo.

She likes Echoe. Gustong-gusto. She feels so good when she's with him. Natututo siya sa maraming bagay. Nahahawa narin siya sa pagsasalita nito ng English.
At ngayon lang niya iyon napagtanto.

"Wife, Therhence invite us to his party, I bought you some dress, busy ka kasi kanina sa binabasa mo and I don't wanna disturb you, nasa ibabaw ng kama, go check it."

Parang may kung anong humaplos sa puso niya, hindi dahil sa pag bili nito ng damit kundi sa pagbigay sa kaniya ng oras. She felt respected.

Hindi na rin siya umapila na  binilhan na naman siya nito ng damit dahil bukod sa marami siyang sinasanay sa sarili, dahan dahang nasasanay na rin siya kay Echoe na palagi nalang siya nitong binibilhan ng kung ano ano.

"T-thank you."

Inirapan siya ni Echoe at nahiga ito sa lap niya.

"Just kiss me instead."
Echoe jokingly said.

Napanguso naman siya at walang pag alinlangan sinunod ito.
She pressed her lips against his mukang nagulat ito dahil hindi ito nakagalaw ng gawin niya iyon.

"Wife."
Parang wala ito sa sarili ng bigkasin iyon at nang magtama ang paningin nila ay napangiti siya.

Echoe is always bossy and intimidating, palagi ring may mapaglarong ngiti sa labi at the same time, minsan naman ay hindi mo mahuhulaan ang iniisip nito, kuhang kuha nito ang imahe ng isang pormal na playboy- kung ano man dapat ang itawag dun.

"Karina."
Napakasarap pakinggan kapag ito ang tumawag sa pangalan niya. Naalala niya noon ng una nitong bigkasin ang pangalan niya he was kinda mean to her that time.

Echoe reach for her left hand at pinaglaruan ang daliri niya—hindi! May nilagay ito doon.

Napasinghap siya nang iangat ang kamay.
Its a ring!
and it fits perfectly on her finger, hindi ito mukang ordinaryong singsing lang dahil kakaiba ang disenyo nito. Hindi man niya kilala kung anong bato ang naroon pero alam niyang bihira iyon.

"Uh, sorry."

Bumangon ito at umayos ng upo sa sofa. Nagulat siya kung bakit ito nag so-sorry habang siya ay walang masabi.

OBSESSED 2: Echoe Velasco [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang