"Kung ganon po pala, maam. Pwedeng mailipat din itong baked shop kung saan din ang paaralan?" nagkibit balikat si mama sa tanong ng isang empleyado namin.

Hindi rin naman na ako nagbigay imik, ngunit sa kaloob-looban ko mismo. Tumututol iyon, kahit na mayaman ang makabibili ng lupang tinirikan nito. Wala pa rin siyang karapatang burahin ang paaralan kung saan na ito naunang napatayo.

Bakit itong paaralan pa ang naisipan nilang gibain?

Marami naman ng lumang bodega o maalwalas na lupa sa tabi na pwedeng pagtayuan ng negosyo.

Hindi ako makapag-isip ng ibang dahilan kung bakit ito pa ang nakita nila.

"Balita ko nga po, mayaman daw ang bibili ng lupa. Akalain niyo po, malaki ang paaralang ito. Maraming gagastusin dahil magbibigay pa ng pera ang buyer para magpatayo muli ng bago, pero hindi pa nga naman po sigurado.."

Napabuntong hininga ako. "Huwag na lamang sanang matuloy. Magbibigay naman na ng pondo ang gobyerno upang mag pag-gawa ng bagong gusali, nag-hihintay rin kami ng ilang donations.."

"Oo nga po, maam winter. Pero po, baka naisip nila na mag-patayo ng bago. Na baguhin po ang lahat para mas maging safe po.."

"Hindi pa rin ako sang-ayon, mas gugustuhin ko'ng narito ang paaralan. Hindi ba't diyan na rin naman na kayo nag-aral? Hindi ba kayo malulungkot kung ang kinalakihan na nating paaralan ay aalisin na riyan?"

Hindi sila nakasagot sa sinabi ko. Hindi ko rin naman na alam kung anong nasa isip nila, malay ko ba kung taliwas ang nasa isip ko at ng sa kanila.

Muli ay napabuntong hininga ako. Dahil hindi na rin sila sumagot. Pumasok na lamang ako sa loob upang tingnan ang mga nagmamasa ng harina. Doon ako pumwesto upang tulungan sila, nagsuot ako ng apron at itinali ang aking buhok. Naglagay din ako ng hair-net upang hindi mahulog ang hibla ng aking buhok.

Dalawang lalake sila at isang lalake, taga-rito lamang sila kung kaya't kakilala ko na ang mga ito.

Matanda ako sa kanila ng ilang taon kaya tinatawag nila akong maam o ate. Hindi naman na din ako nagrereklamo, ayos lang naman din sakin kung anong itawag nila, kung saan sila kumportable.

HALOS dalawang oras natapos ang pagbabaked namin ngayon. Marami silang nagawang tinapay dahil na rin sabado ngayon, mabenta kasi tuwing sabado. Lalo na sa araw ng linggo dahil nalalapit lang din ang bakery na ito sa plaza.

Maganda ang view ng paaralan, kahit naman na nasa probinsya kami. Maraming magagandang tanawin ka namang makikita. Ang kaso lang, isa pa'ng reason iyon kung bakit gusto nilang ilipat ang school. Masyado daw kasi itong malapit sa mga distraksyon. Kaya't binabalak nila itong ipatayong muli doon malapit sa simbahan, kung matutuloy ang pagbili sa lupa.


"May mga visitors sa school ngayon, maam. Wala po ba kayong meeting?" nangunot ang noo ko sa sinabi ng isang tindera. Kalaunan ang umiling ako dahil sabado ngayon, kung may pagpupulong man ay magpapadala sila ng mensahe sakin.

"Bisita ba? Dumating ngayon?"

Hinubad ko na ang apron bago hilain pataas ang hair-net. Nakatingin na ako sa labas, malapit lang naman na kasi ang paaralan dito kaya't tinatanaw ko ang bungad ng school.

"Ang sabi ng isang bumili kanina, iyon daw ang bibili sa lupa. Nandito siya para tingnan ang kabuuan ng lugar." natigilan ako ngayon sa sinabi niya. Kung ganon, narito na siya upang tingnan nga ang lupang iyon. Seryoso ba talaga ang taong ito na bilhin ang lupa?

"Oh, saan ka pupunta?" nilingon ko si mama ng magtanong ito. Binuksan ko kasi ang pinto at hindi na sinagot ang tindera namin. Balak ko sanang tingnan ang mga sinasabi niyang dumating upang kumpirmahin kung sila ba talaga ang nagkakaroon ng interest sa lupa.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now