He calms her power. The only person who made contact with her and didn't die. 

"Hindi naman. Soon malalaman din natin kung anong nasa libro," sagot ni Adair dito. 

"Sleep. Bukas pag gising natin ay maayos na ang lahat," saad ni Katara bago umalis dala ang libro. Sinundan siya nina Sandra, Bernard at Nivara. "Hindi ako pwede umalis ng Mid Town. I am tied in this place the day I was born. Red Mist was born with me, the library, the whole Mid Town. Kaya kapag umalis ako dito ay- t-this place will turn into dust." Sa pagkakataong ito ay hinayaan ni Katarang lamunin siya ng emosyon. 

"Shh, okay. You're okay, nandito kami." Nilapitan ni Sandra si Katara at niyakap.

Ang bawat isa ay naghanap ng kaniya-kaniya nilang puwesto para palipasin ang isang malamig na gabi. Nagbabakasakali na sana bukas ay maayos na ang lahat. 

Ngunit hindi matahimik ang isip ni Nivara. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung paanong hindi Mid Town ang sumalubong sa mga mata niya nang alisin ni Katara ang border. Para bang itinayo lang ito para sa wala.

Mahika, marahil gawa ito ng isang mahika.

"They died, for real," bulong ni Cadence sa kawalan habang pinagmamasdan ang mga katawang walang buhay. Isa-isa niya itong tinignan. Binalot siya ng lungkot dahil lahat ng nandito ay kilala niya, nakasama niya. "R-rest in peace."

"They look peaceful." Nagmamadaling pinunasan ni Cadence ang mga luhang kumawala sa kulay berde niyang mga mata bago tignan si Blaine na kararating lang. Nagaalala siya nitong tinignan bago lapitan at niyakap, niyakap niya ito na para bang ayaw na niya itong pakawalan. "Bukas. Ang sabi ni Katara ay babalik ang lahat sa dati. May tiwala ako sa kaniya," saad ni Blaine. 

Bumitaw sa pagkakayakap si Cadence para matignan sa mga mata ang dalaga. "Remember what Clavigne said? Tomorrow will go back the same as yesterday. Siguro nga tama siya," aniya.

Ngumiti si Blaine bilang senyales na magiging maayos din ang lahat.

Si Blade ay tahimik lang na nakamasid sa kapatid niya, nakatago sa likod ng normal na mga mata, nang isang pigura ang lumapit sa kaniya. 

"Protecting her? That was once my job," ani Dame. Hindi na niya suot ang uniporme na ibinigay sa kaniya ni Alarddon. 

Binalot ng pagtatakas ang mukha ni Blade bago ipakita ang sarili sa lalaki. "You can see me?"

"Of course," diretsong sagot ni Dame dito.

Parehas nilang pinagmamasdan si Blaine mula sa malayo hanggang sa umalis na sila ng kwarto. Susunod sana si Blade sa kanila nang pigilan siya ni Dame.

"Let her have a time for herself." Tinignan siya ni Blade at nagdalawang isip pero sinunod niya ang sinabi ni Dame. "You're not always there for her."

"Anong ibig mong sabihin sa protecting her was once your job?" Tanong dito ni Blaine.

Saglit na natahimik si Dame bago maglakad palapit sa bintana. Mula dito ay tanaw ang Mist Forest kung saan ang ilang puno ay nakatumba na, ang iilan pa nga ay nag aapoy, at ang mga nakatirang hayop dito ay nagkakagulo. Kung saan-saan sila tumatakbo makalayo lang sa pinsalang iniwan ng giyera.

"Katara..."

"Wait, ikaw iyong kapatid na nai-kwento niya saamin dati. Ang sabi niya-" hindi natapos ni Dame ang sinasabi ni Blaine ng mahina itong tumawa.

"Akala ko rin patay na ako pero noong mga oras na hindi ako makagalaw habang sumasabay ang katawan ko sa indayog ng tubig ay tsaka may pares ng kamay na tumulong sa akin. It's Levine, she helped me," kwento niya habang nasa malayo ang tingin.

Burning Stone Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now