Bloodless War

131 4 4
                                    

Rain's Point of View

Blood, wala silang dugo. May mga hayop na bigla na lang lumabas kung saan. Kung hindi ako nagkakamali ay si Blaine ang may pakana nito. Kamusta ma kaya sila? Nagkakagulo rin ba doon?

"Buddy...anong buddy? Sino ka si Cadence?" Tanong ko sa sarili ko. "Teka ano bang pangalan mo?" Tanong ko dito pero gumawa lang ito ng creepy na tunog. Hindi ko maipaliwanag, impit na may halong sigaw. Hindi naman kasi ako sa Blaine para umintindi ng hayop. "Brownie na lang kaya tutal kulay brown ka naman. Gusto mo 'yon?" Inulit niya ang huni na ginawa niya kanina pero mas malakas this time. "Ayaw mo? Arte mo naman, Brownie." Mariin akong napakapit dito nang lumipad siya pabulusok sa baba. Ang attitude naman nito, ang ganda-ganda ng Brownie, eh. Accurate.

Kanina pa kami paikot-ikot sa buong school. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano bumaba. "Teka!" Pagpigil ko dito na ikinagulat kong ginawa naman niya. Dahil lalo kaming bumaba kaya mas lalo kong natanaw ang lupa. Ngayon ko lang napansin na bukas na ang gate ng school. Hahayaan nilang makapasok ang mga ito? Seryoso ba sila?! Bakit nasa unahan siya?

Para silang mga langgam na nagpasukan sa gate, sama mo pa ang pagbagsak ng mga bato mula sa gusali ng school. Habang pinagmamasdan ko sila ay napako ang tingin ko kay Adair, kada hinahawakan niya ay nagiging abo. Kaya siguro ayaw niya ng dinidikitan siya.

"Do something."

"Raki umalis ka nga sa utak ko," inis na saad ko.

"Anong gusto mo sigawan kita diyan? Bilis na!"

Napahawak ako sa ulo ko ng may matinis na huni ang tumunog dito. Everytime Raki, everytime. Para tuloy kinuryente ang ulo ko pero nawala rin naman agad. Kung nandito si Cadence anong sasabihin niya sakin? Malamang ay asarin niya lang ako kay Katara, akala niya kasi may gusto ako don. Teka...tama!

Naalala ko no'ng una kong nakilala si Katara. Nagp-practice pa ako kung paanong kumontrol ng kidlat which is palpak pero baka para dito talaga iyon. Madilim ang ulap ngayon pero hindi dahil sa klima kundi dahil sa Red Mist. Hanggang ngayon ay nagaalburito pa rin ito.

Nahagip ng mata ko ang gitna ng school kung saan ginaganap ang pagdiriwang, iyong may malaking bato na nagaapoy. Medyo kinakabahan ako ng makitang kaunti na lang ay mapupundi na ito, hindi na nga siya kulang lila, eh. Kulay asul na siya.

"Help!"

"What are you doing!? Stand up!"

"Glen!"

"Help me! Ahhhh!"

I...anong gagawin ko? Ang ilan sa kanila ay pamilyar ang boses.

"Let me go!"

"Professor! Help!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang ilang estudyante na bumagsak sa lupa...hindi na sila bumabangon. Tila nawala ang pandinig ko maski ang paningin ko ay nanlalabo. Anong nangyayari?

*
*
*

Adair's Point of View

What is he doing?! Tutunganga na lang ba siya sa ere?

"Ada!" Paglingin ko sa likod ko ay isang lalaki ang bumagsak sa sahig. Tinignan ko si Nath na nasa likod nito. "Thanks," pagpapasalamat ko. "They call them outsiders," saad ni Nath.

As if hindi ko narinig ang sinabi ni Prof. Hernan kanina. Ang ipinagtataka ko lang ay paanong nakapasok sila dito?

Yumuko ako para sa suntoo nito, agad kong hinawakan amg braso niya hanggang sa maging abo ito. Kahit ako ay nagugulat tuwing bigla na lang silang magiging abo na parang confetti.

Burning Stone Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon