Belle

121 8 0
                                    

"Pen?"

"He got away..."

"What happened?"

          "We can handle this...just get to the
border before him. I'm afraid there's
something wrong here.
Do you have the flag?"

"Clearly, yes."

"Great. Meet us there."

*
*
*

Katara's Point of View

Walang nagsasalita saamin maliban kay Cole na kabababa lang ng radio niya. Ang dami kong tanong at gustong itanong pero ang sagot lang nila ay maghintay ako. Anong hihintayin ko? Next year?

"Where are you going?"

"May gusto lang kaming makita," sagot ni Minerva sa tanong ni Risi.

"We need to hurry," ani Cole at naglakad pero ng mapansin niyang hindi kami gumagalaw mula sa puwesto namin ay huminto siya sa paglalakad at tumingin saamin. "Clock is ticking."

"Mauna na kayo," ani Wilson.

"I'm sorry to say this right now but are you guys having a stroke or something?" Naguguluhang tanong ni Risi pero walang sumagot kaya nagkibit balikat na lang siya.

"Bring the dogs with you," ibinigay ni Minerva ang flag kay Cole.

"What the fuck did just say? Dog?" Nanggagalaiting saad ni Kamir. Binigyan siya ni Minerva ng mapang asar na ngiti.

"Okay. We will meet you at the border," saad ni Cal. Kinuha niya ang flag kay Cole ng hindi nagpapaalam at itinago sa bag na dala niya.

"See you," ani Haidi.

Nilapitan ni Blaine si Lily at may ibinigay na kung ano dito. Nababalutan ito ng kulay lila na tela kaya hindi ko masabi kung anong nasa loob nito. Matapos no'n ay nauna na silang umalis. Sinenyasan kami ni Minerva na sumunod sa kaniya. Habang lumalayo ang nilalakad namin ay mas lalong sumusukal ang paligid. Mas nagsisitaasan ang mga puni at mga damo isama mo pa ang makapal na hamog at basang lupa.

Wala ako masyadong marinig na huni ng mga ibon pero palaka? Marami. Kung nandito si Clavigne malamang diring-diri na iyon.

"Minerva?"

Nauntog ako kay Wilson na nasa harapan dahil dire-diretso ang lakad ko at hindi namalayang huminto na pala sila sa paglalakad. Busy kasi akong pagmasdan ang paligid kahit wala akong masyadong makita dahil sa makapal na hamog.

Tinignan ko kung anong tinitignan nila sa harap pero hindi ko masyadong maaninag, basta ang alam ko lang ay babae ito. "Follow me and make sure na walang gagawa ng kahit na anong ingay." Pamilyar ang boses niya.

Naunang sumunod dito si Minerva at naglaho sa makapal na hamog. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay muntik na agad akong matumba pero mabuti na lang ay naka kapit agad ako kay-- ini-angat ko ang tingin. "Hold unto my arm and be careful with your steps," aniya at tinulungan akong tumayo ng maayos. Inalis ko ang pagkaka-kapit sa braso ni Wilson dahil nakakahiya pero kinuha niya ang kamay ko at siya na mismo ang naglagay nito sa braso niya. "It's fine...I don't mind."

Ma-ingat siya sa kada hakbang na ginawa niya habang ako ay sumusunod lang kung saan siya umaapak. Nakaalalay siya sa'kin dahil nadudulas talaga ako dahil sa basang lupa. Habang tumatagal ay alam kong mas humihigpit ang kapit ko sa braso niya pero wala na akong pakialam dahil kaysa naman bumagsak na lang ako dito bigla.

Burning Stone Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now