Wonder Pets

104 6 0
                                    

Blaine's Point of View

"Wala na bang ibibilis iyang paa mo?" Irita kong tanong dito. Mas mahaba ang biyas niya sakin pero mas mabilis pa akong tumakbo sa kaniya.

"Bakit kasi walang hayop dito na puwedeng--"

"They're animals, you're a human, Cadence!" Putol ko sa kaniya.

"At least they're faster."

Rinig kong bumubulong-bulong pa siya pero hindi ko na pinansin dahil babagal lang kami. Alam kong si Katara ang nakita ko kanina, may mala agilang mata yata ako.

Binagalan ko ang takbo ko para masiguradong si Katara nga ang nakaupo sa sahig, may hawak siyang kung ano na hindi ko makita dahil nakatalikod siya. Pero hindi iyan ang nakapagpakaba saakin kundi ang taong nakalumpasay sa sahig hindi kalayuan sa kaniya. Hindi ko malaman kung babae ito o lalaki dahil balot na balot ang suot niya at may malaki pang salamin na kulay itim.

Humakbang ako patalikod bago tignan ang direksiyon ni Cadence, "On your left! Cadence!" Malakas kong sigaw out of nowhere dahil may sumugod sa kaniya.

Saan galing yon?

Mabilis siya kumilos at nakailag kaya ang ending ay ako ang nahagip nito, bumagsak kami sa sahig, napansin kong may hawak itong kung ano kaya agad kong hinawakan ang kamay niya at napagtantong patalim ang hawak niya . Hinawakan ni Cadence ang balikat nito at malakas na itinulak palayo sakin. Agad akong bumangon at hindi pinansin ang kamay ni Cadence. Muli pa sana itong lalapit saamin para sugurin kami ng unti-unti siyang nagiging abo.

"What? Blaine- Blaine the trees..." tinignan ko ang tinutukoy ni Cadence. Ilan sa mga puno ay halos maglaho na...Katara.

Dali-dali kong nilapitan si Katara. Napatakip ako sa bibig ko nang mapagtanto kung ano...o sino ang hawak niya, it's Frim. Ayaw kong makita niya ang reaksiyon ko kahit hindi siya nakatingin sakin kaya inilagay ko ang kamay ko sa magkabilang gilid ko bago lumuhod sa harap niya.

"Katara? Katara look at me..."

"Is she okay?"

Tinignan ko nang masama si Cadence bago ibalik ang tingin kay Katara. Parang ano, mukha bang o--kay...she's crying.

What should I do? Aish! Bahala na!

Hinila ko palapit sakin si Katara at niyakap, niyakap ko siya ng mahigpit at doon nga ay narinig ko ang pagiyak niya. Naiiyak rin ako, paano ba ito?

Ayaw kong tignan si Cadence dahil baka mabuwisit lang ako. Patuloy ang paglaho ng mga puno, mas mabilis ang pagiging abo nila.

"She's out of control! What in the hell are you doing?!"

"Oh my-" alintana ni Cadence habang hawak ang dibdib niya. Nagulat siguro sa biglaang pagsulpot ni Belle sa gilid niya.

"Okay, enough hugging. Let's go, go!" Sigaw ni Belle na may kasama pang palakpak.

Si Katara ang kumawala mula sa pagkakayakap ko. Hindi siya tumingin saakin at lumapit lang kay Belle, nakayuko siya. Wala na rin sa kamay niya si Frim.

Hindi ko maiwasang mabagabag kung ano nga ba ang nangyari at nangyayari? Hindi ko pa rin nakikita si Kuya at si Wilson.

Saglit lang kaming hinawakan ni Belle at nakabalik na agad kami sa base, doon sa kung saan may mga bata na tinuturuan. Namangha ako sa abilidad ni Belle dahil nag improve ito. Ako kaya? Kaya ko lang makipag usap sa hayop at hingian sila ng pabor pero kaya ko rin kayang maging hayop? I mean, you know what I mean.

"Kung magiging hayop ako gusto ko paniki. Fly fly lang and then kain tapos tulog," tinignan ko ang nagsalita. Hindi ko siya kilala. "Oh- I'm Cartel, just call me El," aniya sabay lakad palayo.

Burning Stone Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now