Burning Flesh

113 9 0
                                    

I...I c-can't breath...Haidi--Haidi. I hate her, I like her, she's my bestfriend. Now, she's g-gone.

"She's still awake."

"Really? Impossible..."

"There no such thing as impossible in this place."

Pinapasakit nila ang ulo ko. Parang pare-parehas lang sila ng boses. Giniginaw ako pero kumukulo ang dugo ko. Gusto kong magwala pero hindi ko magawa.

"Do we still need to wait?"

"No...we can do it while she's conscious."

Nakaramdam ako ng matinding sakit sa kaliwang braso ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila, hindi ko rin mai-galaw ang ulo ko para tignan dahil para akong nagyeyelo, tanging mata ko lang ang naiga-galaw ko ng maayos.

So, this is what they're doing? Gruesome. Lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ko kaya halos makalimutan kong huminga. Hindi na nga ako makahinga ng maayos.

Is this my end? Did Clavigne lied to me? Iniisa-isa ko sa utak ko ang lahat ng sinabi saakin ni Clavigne noong nasa training facility pa kami. I was 13 that time when she told me how and when I am going to die. Since then I lost my fear kasi bakit ako matatakot kung alam ko naman na kung kailan at kung paano ako mamamatay? But then, maybe she's wrong the whole time, maybe she's messing with me?

Bumalik ako sa reyalidad nang bumagsak sa gilid ko ang isang scalpel. Ramdam ko ang pagbagsak nito dahil sa bakal na hinihigaan ko. Ilang sandali lang ay wala na akong makitang mga nakaputi sa bawat gilid ko pero pares ng kamay ang nagmamadaling tinanggal ang mga gapos sa kamay at paa ko.

Nahihirapan akong huminga at nanlalabo ang paningin ko pero wala akong choice, kailangan kong tumayo dito.

"Wait! Your wound...eww," aniya na nandidiri pa. Base sa boses niya ay kilala ko ito, si Belle. "Whatever. Maybe Blaine have something for that. Sa ngayon ay bendahan muna natin," mariin akong napapikit dahil sa matinding sakit. Gusto kong sakalin si Belle dahil hindi manlang siya nagdadahan-dahan pero baka iwanan niya lang ako dito. Mamaya na kapag naka-alis na kami, may tamang panahon pa para diyan.

Matapos niyang bendahan ang sugat ko ay inalalayan niya akong tumayo hanggang sa mai-apak ko ang pares ng paa ko sa malamig na sahig nang may bigla akong maalala. "Wait--I wanna see Haidi before we left," saglit siyang natigilan dahil sa sinabi ko pero agad ding tumango.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa isang--human sized beaker? Kinukuha ko pa rin ang balanse ko. Bumabalik na rin sa normal ang paningin ko.

Habang palapit ako dito ay ramdam ko ang init na dumadaloy sa katawan ko na kahit ako ay nasasaktan. May mga aparatong nakabaon sa magkabilang sintido niya sa ulo, nakadilat siya at tila nakatingin sa'kin...nanghihingi ng tulong.
Kita ko mula sa mga mata niyang wala nang buhay ang sakit na pinagdaanan niya.

"Napaka selfish mo talaga, Haidi. Whole this time illusion lang lahat ng iyon?" Hinawakan ko ang salamin na naghihiwalay sa aming dalawa. "Babalikan kita, pangako iyan."

Pinunasan ko ang mga luhang nagu-unanahang tumakas sa mata ko bago hinarap si Belle. Puno nang pagaalala ang mata niya kaya pilit akong ngumiti. Sinalubong niya ang bawat hakbang ko at mahigpit akong niyakap. Tsaka lang siya bumitaw nang mag-iba na ang paligid namin, nakalabas na kami.

"Oh my gosh, oh my gosh, Minerva!" Sinalubong ako ni Blaine nang mahigpit na yakap. Agad din siyang bumitaw para tignan ako. "Are you okay?" Napairap ako dahil sa tanong niya.

"Show her your wound," utos sa'kin ni Belle kaya ipinakita ko kay Blaine ang benda sa braso ko. Hinila niya ako palapit sa isang upuan kung saan ay may lamesang kahoy at pinaupo ako habang ang braso ko naman ay ipinatong niya sa lamesa.

Burning Stone Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon