Signed By Blood

607 34 12
                                    

Guess what? Hindi ako mapakali kaya sinuot ko agad itong damit, ang ganda kasi. Gabi na rin at dalawang oras nalang ang hihintayin ko bago magsimula ang ceremony.

Lumabas ako ng dorm ko, gusto kong mauna doon. Siyempre hindi puwedeng late ako! Ang tahimik dito, hindi ko alam kung dahil ba malaki ang school o dahil nasa klase parin ang mga estudyante.

Hindi pa rin mawala sa isip ko iyong babae kanina, Hailee yata pangalan nun. Hailee ba? Hindi ko matandaan. Sino ba kasing tinutukoy nun at parang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya?

“Hey! Watch out!”

“Gaah!” Napapikit ako dahil sa bilis ng pangyayari, bumagsak ako sa sahig pero hindi ako nasaktan?

“Rain! I am this close to sing you the worst song that has ever been made in the whole universe, I swear!”

“I'm sorry! Is she okay?”

Idinilat ko na ang mata ko, nakahiga ako sa sahig. Ang naaalala ko ay nasa...oh my--nasa terrace ako kanina! Paanong--

“Hello? Are you okay?”

Mabilis pa sa kisap ng mata akong tumayo at hinarap silang dalawa. Pinagpagan ko ang sarili ko at ngumiti.

“I'm fine, thanks,” ani ko. Parehas naman silang naglabas ng tinatawag na sigh of relief.

“Mabuti naman,” ani ng isa sa kanila.

“Ano ba kasing nangyari?” Tanong ko.

Nagtinginan silang dalawa bago muling tumingin sa'kin.

“Ito kasing kaibigan kong si Rain ay inaya akong magsanay kung maaari bang pagsamahin ang kakayahan ko at ang kaniya,” paliwanag nito. Ang lamig ng boses niya, para akong aantukin.

“My fault, akala ko kasi ay kami lang ang nandito kaya nang makita kitang naglakad sa terrace ay nawala ang concentration ko, ayun. Sorry talaga,” dagdag na paliwanag naman ng isa pa.

“Okay na, pero next time magi-ingat kayo. Nga pala, Katara,” inilahad ko ang kamay ko.

“I'm Rain,” aniya at tinanggap ang kamay ko ng may ngiti.

“Cadence,” hinawakan niya ang kamay ko but instead na makipag-kamay ay hinalikan niya ito. “You can call me D for short,” dagdag niya pa.

Okay, medyo nakakakilig iyon pero kailangan ko nang umalis. “Alis na ako,” paalam ko.

“Sige, magi-ingat ka,” paalala ni Rain.

“Kayo rin,” ani ko at naglakad na palayo.

Habang naglalakad ay inaayos ko ang damit ko, pag-pag dito at pag-pag doon ang ginagawa ko. Inayos ko na rin ang buhok ko at nag-ponytail, baka kasi maging sagabal ito mamaya.

Nang makampante na ako ay dire-diretso na akong naglakad, may mga nadadaanan akong classroom na puro estudyante kaya napahdesisyunan kong sa likod na lang dumaan para hindi ako pagtinginan.

“Kat! Anak!”

T-teka? Pamilyar iyong boses. “Ma? Pa? Anong ginagawa niyo dito?” Nagtataka kong tanong sa kanila.

Hinawakan ako ni Mama sa braso habang si Papa ay nag bukas ng portal, kita ko kung anong nasa kabila nito...ang bahay namin.

“Hindi na iyon importante. Tara na sa bahay!” Hinila ako ni Mama papasok ng portal at nang makapasok kami ay agad iyong isinara ni Papa.

“Ano po bang kailangan ninyo? Kailangan ko pong bumalik doon!” Ani ko pero sinamaan ako ng tingin ni Mama.

“Hindi ka babalik doon! Hindi ka nababagay sa paaralan na iyon!” Sigaw ni Mama.

Burning Stone Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now