14: Relasyon

8.4K 203 3
                                    

Dusty's Point of view
--

Nakakainis naman 'yung si Darryn. Iniwan pako tapos ginawa pa n'yang drawing book 'yung mukha ko. Akala ko pa naman mabait na sya sa akin hindi pala. Pero okay lang baka naninibago lang sya sa akin i-considered ko muna 'yung ginawa nya sa akin kagabi at kanina baka trip lang nya akung asarin. Hay!

Pagkatapos ng mahabang habang klase natapos rin. Pumunta na ako ng canteen para sana mag lunch pero hinarang ako ng limang babae sa tapat ng hallway. Hindi ko alam kung ano ang pakay nila sa akin pero masama ang kutob ko dito parang nangangamoy trouble ako ngayon. Kita ko kasi sa kanila na masama ang tingin nila sa akin at parang galit ito kung kumilos.

Tatalikuran ko sana sila dahil wala ako sa mood makikipag away. Hindi naman kasi ako war freak na katulad nila, noh? "Hey, bakit mag kasama kayo ni Darryn nung acquaintance party?" tanong ng babaeng malakontrabiba ang itsura I think ito 'yung leader nila. Maganda sya pero may pagka bitch si ate.

"May relasyon ba kayo?" tanong naman nung isang babae nasa gilid ni ate bitch. Hay. Para silang pulis na nag hahanap ng suspek.

"Girlfriend ka ba nya?"

"Boyfriend mo ba ang prince namin?"

Wow ha? Sunod sunod talaga sila kung mag tanong sa akin? Pwede isa isa lang muna? Mukhang hindi naman siguro sila nag mamadali noh?

Hindi ako sumagot sa kanila dahil wala talaga ako sa mood. At hindi ko rin naman obligasyon sagutin sila dahil wala naman kami sa Q and A. Tss, "Hoy samagot ka kinaka usap ka namin!" Inis pa na sabi ni ate bitch.

Mukha nya na akung kakainin ng buhay pero hindi ako nag patinag. "Hindi kaba sasagot jan o kakaladkarin ka namin para sumagot ka?" sabi naman nung babaeng bitch din ang mukha. Umirap ako dahil nakakatawa sila. Bakit ba nila ako tinatanong? Sino ba sila para sagutin ko sila? Haha! Char! Matapang ang pig. Pero seriously! Ba't ba sila nangingialam? Pakialam ba nila kung ano kami ni Darryn?

Huminga nalang ako ng malalim. Mukhang hindi ako tatantanan ng mga to kundi ako sasagot sa mga tanong nila. "Hindi ko sya boy—" naputol ang sasabihin ko sana ng may umeksena. Nanlaki ang mata ko ng makita si Hunter babes.

"Anong ginagawa nyo sa kanya?" Malamig na tanong nya pa sa limang babaeng mukhang pulis. Napangisi ako ng palihim ng makita ko ang gulat sa mga mata nila. Tss! Ano kayo ngayon?

"May problema ba dito?" tanong ni Hunter babes sa akin. Hindi ko alam pero parang nag twinkle bigla ang mga mata ng mga babaeng nasa harap namin.

"Oh ba't di kayo makapag salita? Mga pipi ba kayo?" Mas lalo akung napangisi ng hindi man lang sila natinag. Imbes ay lalo lang silang napanganga. Nagwapohan guro ang mga to kay Hunter babes ko. Nako, pati ba naman si Hunter babes ko target nila. Nako di iyon pwede sa akin.

"Tinatanong lang namin sa kanya kung may relasyon ba sila ni Darryn I think parang wala naman kaya aalis na kami." Si ate bitch sabay talikod sa amin ni Hunter babes. Sumunod naman ang buntot nya at dali daling umalis sa harapan namin.

"Okay kalang ba Marie?" tanong sakin ni Hunter babes. Kita ko ang pag aalala sa mukha nya. Kala nya siguro inaway ako ng mga babaeng 'yon which is true. "Okay lang ako, thank you." ngumiti ako sa kanya.

"Sino pala si Darryn?" curious na tanong nya sa akin. Bigla naman akung kinabahan sa tanong nya. Sasabihin ko bang asawa ko si Darryn? Pero baka magalit sya kasi hindi ko sya inivite at hindi ko sya sinabihan na kasal na ako. Hindi ko nalang sasabihin saka nalang siguro. Hindi pato ang tamang panahon.

"Ah ano, classmate ko sya saka kapitbahay." Sagot kung kalmado para di sya mag taka. "Ah ganun ba? Kala ko naman boyfriend mo." Parang nabunutan sya ng tinik. Nag taka naman ako. Hmm..

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon