50: Reminisce

5.1K 128 0
                                    

Dusty's Point of view
--

Lumabas na ako ng banyo bago pa ako mas lalong masaktan sa nakita ko ngayon. Bumalik nanaman 'yong sakit sa puso ko. At parang nag fla.flasback nanaman 'yong mga eksena sa video na napanood ko nung araw ng birthday ko.

Bakit naluluha nanaman ako? Bakit ba ang hina ko? "Dusty." bigla akung napatigil sa paglalakad ng may humawak sa pulsuhan ko. Napalingon ako at nakita ko si Gian.

"Umiiyak ka nanaman dahil nanaman ba kay Darryn?" hindi ako makasagot sa kanya kaya umiwas ako ng tingin. "May ginawa nanaman ba sya sa'yo?" he asked me looking so worried about me. Pinunasan ko muna 'yong luha ko bago sya sinagot.

"Wala naman s'yang ginawa. Hindi ko nga sya nakita ngayon eh." pagsisinuwaling ko. "Alam mo, hindi ka expert sa pagsisinuwaling." Aniya.

"Totoo naman kasi hindi ko sya nakita. At kaya ako umiyak dahil napuwing lang ako." okay ako na ang best winning actress para sa mga liar. "Kung nasasaktan kana sabihin mo. Kung nahihirapan kana lapitan mo lang ako. Nandito lang ako Dusty." tugon nya sa akin.

"Sinong nasasaktan? Ako? Hindi na ako nasasaktan noh! Hindi ako nasasaktan." sabi ko sa kanya at Nagulat nalang ako ng bigla nya akung yakapin ng mahigpit.

"Iiyak mo lang, 'wag kang mag alala hindi kita papansinin basta iiyak mo lang yan."

"Snif** Hindi naman kasi ako umiiyak eh, napuwing lang ako. Sniff** Hindi naman kasi ako nasasaktan eh**." sabi ko sa kanya.
Pero lahat ng sinabi ko ay pawang kasinuwalingan lamang.

Bakit ang lalim ng sugat na binigay nya sa'kin?

* * *

Hinatid ako ni Gian sa bahay namin. Hindi sana ako mag papahatid sa kanya kasi baka may gagawing pa sya, pero mapilit talaga si Gian, kaya pumayag nalang ako. Nang makarating ako sa kwarto ko sumalpak na agad ako sa kama ko. Feeling ko kasi napaka haba ng araw ko ngayon..

Parang pagod ang buo kung katawan, lalong lalo na ang puso't isip ko. I smiled bitterly ng makita ko ang picture namin ni Darryn na nakalagay sa vanity table ko.

Tumayo naman ako kahit pagod ako at kinuha yung picture namin. Ito yung picture na bigla akung hinalikan ni Darryn sa pisngi.

"Yeobo tumingin ka don banda ohh." sabi ko sabay turo sa likuran nya.Tumingin naman sya at *boink*

"Hahaha!" tawa ko sabay turo sa mukha nya. Nilagyan ko kasi ng ice cream ang labi nya.

"Sorry di ko sinasadya amina punasan ko labi mo." Magsasalita pa sana sya, pero lumapit agad ako sa kanya at hinalikan sya labi.

Nagulat naman sya sa ginawa ko pero ngumiti sya at tumugon ng halik. Nakakahiya man pero wala na akung pakialam sa paligid namin.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ngitian ko sya ng pagkatamis tamis.

"Ayos ka rin noh? Labi mo talaga ang panpunas mo sa labi ko instead of tissue."

"Hindi na uso ang tissue ngayon. Ang labi ko na ang magiging tissue mo simula ngayon."

"Pa unique ka rin noh? Oh ito ganti ko sayo. Tumingin ka don banda." turo naman nya sa likuran ko.

"Ayoko ko nga!" angal ko pero nagulat nalang ako na nilagyan nya bigla ang leeg ko ng ice cream."

Tawa naman sya ng tawa habang ako gulat na gulat. "Alam ko naman na di ka titingin doon." natatawa nyang sabi sa'kin..

"Bakit sa leeg mo pa ako nilagyan ng ice cream! Naman oh ang lagkit eh." Sabi ko sabay pout. Pupunasan kuna sana ang leeg ko pero pinigilan nya ako.

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Where stories live. Discover now