20: Stranger Guy

8.4K 197 2
                                    

Jillianne's Point of view
--

"Wait for me aking mahal."

"Yohoo, mahal wait for me! Don't leave me here."

Hindi ko sya pinansin bagkus ay binilisan ko pa ang pag lalakad ko. Lecheng lalaking to ano bang problema nya? Nakakairita, ha? Ang kapal nang mukha tawagin akung mahal?! Eh, hindi ko naman sya kilala. Nabigla lang ako kasi kilala nya daw ako at patay na patay daw sya sakin! Seriously? Mahaba na ba talaga ang buhok ko? Nang malapit na talaga sya sa akin parang 'yung lakad ko patakbo na talaga. At sa kasamaang palad nahuli nya na ako. Nasa harapan ko na sya habang ang lapad ng ngiti nya.

"Alam mo Jill mahal pag nakikita kita lumiliwanag ang araw ko." bigla akung nabulunan sa sinabi nya. Kanina pa sya bumabanat sa akin ng ganyan at feeling ko malapit na talaga akung masuka sa mga pinagsasabi nya. Bwesit lang talaga!

"Pwede ba stranger kung wala kang magawa sa buhay mo pakamatay kana!" Sigaw ko sa walang hiya.

"Hindi pa pwedeng mamatay ang isang gwapong katulad ko mahal kasi mamahalin pa kita araw araw." ayan nanaman sya sa mga nakakadiring banat nya. Eww?

"Uy, nag blush ka mahal na inlove kana ba sa akin?" Inirapan ko sya! What the hell? In love?

"Inlove mo mukha mo! Tabi nga!" tinulak ko sya pero hindi parin sya tumabi sa dinadaanan ko. Lecheng buhay naman to, oh! Ano bang utak meron ang lalaking to? Hindi ba sya nakaka intindi sa tumabi?

"Uy! Chancing ka mahal, ha? Hindi mo na kailangan lumapit sa akin nang ganyan, sabihin mo lang sa akin kahit araw araw didikit ako sa puso mo." What The F?! Walang sense ang banat nya promise! Nakaka diri pa. Sinamaan ko sya ng tingin pero ang leche ngumiti lang sya sa akin sabay kindat pa. Kung tusukin ko kaya ang mata nya tingnan lang natin kung maka kindat pa sya sa akin.

"Oh, bakit? Galit kana ba? Okay lang 'yan dahil naniniwala ako sa kasabihang the more you love the you love." tapos ngumiti nanaman sya ng malapad sa akin. Bigla akung tawa ng malakas sa sinabi nya. Ano daw ang sabi nya?

"Bugok ka ba?! The more you hate the more you love 'yun, tanga!" pagtatama ko sa kanya. Mas lalo lang lumaki ang ngiti nya. Leche naiirita ako sa mga ngiti nya! Isa nalang sya!

"Alam ko 'yun mahal iniba ko lang para mas maging unique ako sa paningin mo." sabay kindat nanaman nang putek!

Lalong tumaas ang dugo ko sa lalaking to! Alam kung ano mang oras sasabog na ang bulkan sa ulo ko. Pinipigilan ko ang sarili kung wag mag wala dito sa hallway dahil nakakahiya sa ganda ko kapag hindi ako makapagpigil. Tiningnan ko si stranger guy sa mata tapos ngumiti ng pilit sa kanya.

"Pwede ba lalaking mahangin lubayan mo ako?! Wala akung oras sa mga kagaya mo." tinulak ko sya tapos nag lakad na ako palayo sa kanya. Dinig ko namang tumatawa sya sa akin ng pang asar at sinasabing mamahalin ko rin daw sya balang araw mag hintay daw ako kasi 'yung kamandag nya iba daw sa lahat ng lalaking makakasalubong ko ngayon.

Hindi ko na pinansin ang putek sure naman akung hindi ko na sya makikita pa dahil hindi na talaga ako mag papakita sa kanya kahit kailan. Lecheng araw to nahahagard ang peslak ko dahil sa bwesit na lalaking 'yun! Ang masama hindi ko pa alam ang pangalan nya nakakaloka talaga. Sumulpot lang sya na parang kabute kanina tapos ayon sunod na ng sunod sa akin. Akala mo'y buntot ko. Pambihirang araw naman talaga, oh!

Pupunta na sana ako sa next class ko ng napa daan ako sa isang room may pamilyar kasing kanta ang naririnig ko.

Now playing: Boy In luv
By: BTS

Shit! Si fafa Hunter ba 'yung sumasayaw? Para s'yang si V ng BTS! Tukmo naman oh, ang lambot ng katawan habang kumakanta pa ito para talaga s'yang nag preperform ngayon, mag isa nga lang sya. Habang naka titig ako sa mga galaw nya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Teka lang? Ba't ganito ang nararamdaman ko? Teka in love na ba ako sa kanya? Kasi sabi daw nila pag nakikita mo daw 'yung taong nag papatibok bigla nang puso mo inlove ka na daw! Hula, baka nga 'no? Oh my gosh!

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat