63: Good bye

5.9K 130 7
                                    

This will be the last Chapter. Thank you everyone for reading this story I hope you enjoy until the end.

Darryn's Point of view
--

"Mahal kita Darryn.. Mahal kita, Mahal na Mahal."

Nakita ko ang matamis nyang ngiti habang sinasabi nya yan sa'kin. Napayakap naman ako sa kanya ng mahigpit. Ang sarap sa pakiramdam habang sinasabi nya yan sa'kin. Gusto kung wag na syang bitawan at manatiling nakayakap nalang sa kanya habang buhay.

Sya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Sya lang ang babaeng kinukompleto ang araw ko kapag kulang at sya lang din ang babaeng nagpapasaya sa'kin habang hindi ako masaya sa buong araw ko.

She's my everything..

"I love you more, I love you very much," seryosong bulong ko sa tainga nya at dahan dahan kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Nakita ko ang mga mata nyang kumikislap at ang labi nyang umangat. Ang kabuoan ng mukha nya ay napaka ganda. Para syang anghel na bumama sa langit para sa'kin.

Her angelic smile makes my day complete..

Hinalikan ko sya sa noo habang naka pikit at dahan dahan akung tumingin sa mata nya. Ang raming sinasabi ng mata nya pero alin man sa mga yun ay hindi ko naririnig.

"Mahal kita pero," biglang usal nya kaya nagulat ako. Yung kaninang magandang mukha nya ay napalitan ito ng kakaibang sakit, paghihirap, at kawalang gawa. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang itsura nya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit naging iba ang itsura ng mukha nya, ngayon ay walang na itong emosyon at blangko na ang pagkakatitig nya sa'kin. Parang may kung anong lungkot at sakit ang naramdaman ko dahil hindi naman sya ganito sa'kin kung tumingin.

"P-pero?" I nerviously said that to her.. Mahal nya ako pero, ano?

"Hindi ko na kaya, ayoko na.." she said then she slowly walks away..

Mahal kita pero hindi ko na kaya, ayoko na

Mahal kita pero hindi ko na kaya, ayoko na

Mahal kita pero hindi ko na kaya, ayoko na..

Nag paulit ulit ang kanyang sinabi sa'kin isipan. Para itong sirang plaka na ayaw tumigil. Hindi ko ma intindihan ang nararamdaman ko, parang napako ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko syang papalayo na, pero hindi ko magawang sundan sya.

"Dusty!" tawag ko sa kanya pero hindi sya lumingon, hindi sya huminto sa paglalakad. Nag lakad lang sya ng nag lakad habang lumalayo sa'kin. Kaya naman hinabol ko sya ng hinabol..

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya, parang wala akung maintindihan ni isa sa mga salitang binatawan nya sa'kin. Gusto ko ng kasagutan, gusto kung iklaro ang sinabi nya sa'kin. Nasasaktan kasi ako ngayon.. It's really hurt too much, na parang hindi ako makahinga dahil sa sinabi nya.

"Dusty!" tawag ko parin sa kanya, pero naging malayo na sya sa'kin at para syang nilalamon ng kadiliman, halos hindi ko na sya makita at tanging nagawa ko lang ay tumakbo ng tumakbo habang tinatawag ang pangalan nya.

Hanggang sa hindi kuna sya makita at tanging nagawa ko nalang ay lumuhod at napaiyak dahil sa pag iwan nya sa'kin.

"Dusty, please come back, I don't wanna lose you," mahinang usal ko sa sarili habang umiinit na ang mata ko.

"Darryn.."

"Grey anak?"

Mahinang tawag ng isang pamilyar na boses, napamulat ako dahan dahan, hindi pa klaro sa'kin ang nakita ko. Pero ng maimulat ko na ang mga mata ko ay bumungad sa'kin ang mukha ni Mommy. Umiiyak ito habang naka tingin sa'kin.

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Where stories live. Discover now