21: Partner

8.5K 210 2
                                    

Dusty's Point of view
--

Mag isang buwan narin ang nakalipas simula ng tumira na kami sa iisang bubong ni Darryn. Sa lood ng isang buwan naming pag sasama wala paring improvement sa aming dalawa. Ganun parin ang pakikitungo nya, masungit at hindi nya ako pinapansin. Parang hangin nga lang ako sa kanya, eh. Medjo nasasanay naman ako ng konti sa kanya pero may mga sitwasyon rin na hindi ko maiwasang masaktan.

Pero kahit na ganun tinitiis ko para narin sa pagmamahal ko ng palihim kay Darryn at para narin sa pamilya ko. Ayaw ko silang saktan dahil lang sa sitwasyon ko ngayon, ayokong sabihin sa kanila na hindi kami in good terms ni Darryn ayokong mag alala pa sila sa akin gusto ko nalang akuin lahat kaya ko naman eh as long as nadito si Darryn sa tabi ko kahit ganun sya hindi parin nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit nasasaktan ako pinipilit kung pinapaniwala sa sarili ko na balang araw mamahalin nya rin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Noon binalak ko sanang sabihin sa kanya ang lahat pero wala akung lakas ng loob sabihin sa kanya ang totoo. Nahihiya kasi ako baka mas lalo lang syang lumayo sa akin at kusang lumayas sa bahay namin. Ayokong mang yari yun kaya tinatago ko nalang kahit na alam ko sa sarili kung hindi mabuti to.

Love is complicated nga naman!

"Hindi kaba sasabay sakin papasok?" napalingon ako sa kanya habang nililigpit ko ang pinagkainan namin. Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa ding ding 7:30 na pala.

"Sasabay ako sayo hintayin mo ako mabilis lang ako" sabi ko at agad ko nang nilagay sa lababo ang mga pinggan na pinag kainan namin. Mamaya ko nalang to huhugasan pag uwi ko mamaya. Tumango naman si Darryn tapos umalis na sya sa kusina. Himala ata at pinasasabay nya ako ngayon? Ano kayang nakain nya?

Di bali nalang baka maganda lang siguro ang gising ng magaling kung asawa.

Umakyat na ako para makapag ready for school. Nagbihis na ako ng uniform tapos na kasi akung maligo kanina tapos nag paganda ako ng kaunti para maging attractive naman ako sa paningin nya. Nag lip gloss ako tsaka nag make up kaunti. Hindi ko mapigilan mapangiti sa sarili ko. Maganda pala ako pag naka make up. Hahaha oo nga pala maganda na ako noon pa. Ano kaba Dusty Marie wag kang ulyanin bata kapa wahaha!

Nang matapos na ako lahat kinuha ko na ang shoulder bag ko tapos bumababa na ako. Nang makita ko si Darryn na naka sandal sya sa kotse nya agad naman akung pumunta sa kanya.

Habang lalo ko syang tinitingnan lalo akung nahuhulog sa kanya. Ang gwapo nya kasi tapos ang sexy pa nyang tingnan grabi nakakaakit talaga ang lalaking to.

"Tara na?" sabi ko sa kanya. Bigla naman syang nagulat sa akin tapos tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa tapos bumalik nanaman sya sa mukha ko at maiging tiningnan.

"Bakit? may dumi ba ako sa mukha?" hindi naman sya umimik tapos tinalikuran nya na ako at pumasok na sya sa kotse nya. Oh ano kayang nangyari doon? Baka hindi bagay sa akin ang make up ko kaya ganun sya maka pag react? Pero hindi eh maganda naman ako pag naka make up ako ha? Hay bahala na nga.

Pumasok nalang din ako sa loob ng kotse nya baka pagalitan pa nya ako dahil matagal na akung nandito sa labas. Hindi kami nag sasalita, tahimik lang kami habang nag mamaneho sya. Ilang minuto din ay nasa kanto na ako ng university agad naman akung bumaba.

"Ahm thank you Darryn" sabi ko sa kanya. Parang naiilang pa syang tumango sa akin tsaka ko sinarado ang pinto ng kotse. Hindi ko maiwasan ang isipin sya, ang weird nya ngayon ha?

Pumunta na ako ng university para pumasok. Hindi pa ako nakakailang hakbang may tumawag sa akin.

"Dusty!" napalingon naman ako sa likod at nakita ko ang pamilyar na lalaki na tumatawag sa akin ngayon.

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin