60: New Home

4.9K 110 0
                                    

Dusty's Point of view
--

Nasa bahay na ako ngayon habang nililigpit ang mga gamit ko. Habang nagliligpit ako ay may kung anong lungkot nanaman ang naramdaman ko. Mabigat para sa'kin ang lumipat ng bahay pero wala naman akung choice kundi sundin si Mommy, tsaka gusto ko rin syang makasama at kilalaning mabuti.

Nang matapos kung ayosin ang mga gamit ko ay umupo muna ako sa kama tsaka pinagmasdan ang kabuoan ng kwarto kung iiwan ko na ngayon. Mamimis ko talaga ng sobra ang kwarto to.

"Anak, nasa baba na ang mommy mo, ready kana ba?" tawag sa'kin ni Mama sa labas ng kwarto ko.

"Oo ready na po ako, lalabas na ako." tugon ko tsaka tumayo at kinuha ang bag ko.

"Sige hintayin ka na lang namin sa baba, okay?"

"Sige po," tapos narinig ko na ang papalayong yabag ni Mama. Pumunta muna ako sa salamin tsaka inayos ang buhok ko pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Tiningnan ko muna saglit ang kabuoan nito tsaka ngumiti ng mapait.

Mamimis ko talaga ang mga bagay dito, lalong lalo na sa mga poster kung halos si Myungsoo ang naka dikit.

Nalala ko tuloy si Darryn habang ang sama sama ng tingin nya sa mga poster ko, halos isumpa nya nga si Myungsoo dahil halos lahat ng poster ko ay sya lang ang naka dikit sa dingding ng kwarto ko. Mapait kung inulyapan ang larawan tsaka ko sinara ang pinto at lumakad na pababa.

Nakita ko sila Mama, Papa at Mommy sa sala habang naka upo ito. Nang makita nila ako ay sabay silang tumayo pareho. Nakita ko ang mga lungkot sa mga mata nila Mama at Papa kaya naman para akung maiiyak dahil hindi ako sana'y na malungkot sila.

"Ready ka na ba, Love?" tanong ni Mommy. Tumango lang ako habang naka tingin kila mama at papa. Lumapit ako sa kanila at niyakap sila. Hindi ko lubos maisip na iiwan ko sila dito. Nalulungkot ako at hindi ko mapigilan mapaluha habang ginantihan ako ng yakap nilang dalawa. Naramdaman ko ang mga luha nila kaya mas lalo akung naluha.

"Mamimis ka talaga namin, anak." malungkot na usal ni Mama.

"Anak, wag mung kalimutan dumalaw dito ha? Wag mo kaming kalimutan ng Mama mo." malungkot din usal ni papa kaya mas lalo kung hinigpitan ang pagkakayakap sa kanila.

"Mamimis ko rin po kayo mama at papa. Wag kayong mag alala dadalaw po ako dito araw-araw." mahinang bulong ko sa kanila.

"Salamat anak, magpakabait ka sa mommy mo ha? Wag masyadong matigas ang ulo at kumain kang mabuti, wag ka masyadong mag papagod, okay? Mahal ka namin ng papa mo anak tandaan mo yan." napatango lang ako dahil naluluha na talaga ako tsaka kumalas ako sa pag kakayakap ko sa kanila at nakita ko silang umiiyak.

Pinunasan ko ang mga luha nila tsaka ngumiti ng pilit.

"Mahal na mahal ko din po kayo, wag po kayong mag alala sa'kin magpapakabait ako kay Mommy. Tsaka ingantan nyo po ang sarili nyo dito mama, papa okay? Aalis na po ang maganda nyong anak nyo, pero hindi po ako aalis sa puso nyong dalawa, sa bahay lang po okay?" biro ko sa kanila tsaka ulit niyakap sila.

"Tayo na love.." Tugon ni Mommy kaya napatango ako at kumalas na ulit sa yakap nila.

"Mauna na kami Miriam at Ferdie, salamat sa pag aalaga sa anak ko. Napaka laki ng utang na loob ko sa inyong mag asawa." sabi ni Mommy

"Walang anuman iyon Andresa salamat din dahil pinarasan mo sa amin na mag karoon ng isang anak at napakalaking bagay din na maranasan din namin ang isang kompletong pamilya sa mahabang panahon." sinserong sambit ni Mama kaya napangiti si Mommy.

"Hindi nyo na kailangan mag pasalamat sa'kin ako ang dapat mag pasalamat sa inyo dahil inilagaan nyo ng mabuti ang anak ko, Miriam. Salamat dahil pinalaki nyo syang mabuting bata."

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ