17: Honeymoon?!

9.8K 212 5
                                    

Darryn's Point of view
--

"Burff!! Ang sarap talaga!" Aniya habang hawak hawak pa nya ang tyan nya. Hindi ko sya pinansin kumakain lang ako ng fries habang inaaliw ko ang paningin sa ibang bagay.

"Ikaw Darryn na busog kaba? Masarap ba ang mga paborito kung pagkain na inorder ko?" napa tingin ako sa kanya habang naka ngiti pa ito sa'kin. Bakit ba lage s'yang ngumingiti? Ano bang problema ng babaeng to? May saltek ata to, eh.

"Hindi ang cheap mung pumili ng pagkain." pagsisinuwaling kung tugon sa kanya. Bigla nawala ang ngiti nya sa labi at napalitan nang lungkot. Is that it? Ngingiti sya tapos malulungkot? What's with her?

"Kahit na cheap ang mga paborito kung pagkain sa paningin mo hindi parin mababawasan ang tingin ko sa kanila kasi gusto ko sila eh, sila nag papabusog sa'kin." Malungkot pa n'yang usal. Napatingin naman ako sa kanya habang sya naka ngiti na. Grabi talaga tong babaeng to di nauubusan ng ngiti sa labi. Somehow 'yung sinabi nya parang may sense din. Ganyan din ako pag pinag tatawanan ako ng dalawang gagong 'yun. Cheap daw kasi akung pumuli ng pagkain.

Hindi ko naman sila masisi kung ganyan talaga ang tingin nila sa mga paborito kung pagkain pero sinabi ko sa kanila ang mga katagang sinabi rin ni Dusty sa akin na kahit cheap sila sa paningin ng iba sa'yo hindi kasi sila 'yung paborito mo eh. Sila 'yung nag papabusog sa'yo. Compare sa high class nga na pagkain hindi mo naman gusto.

Mga ganun?

Kung sa pag ibig pa kahit maganda at sexy pa 'yan nasa harap mo kung hindi mo talaga gusto ang isang tao. Baliwala lang 'yan sa'yo kasi di mo naman sya mahal. Doon ka talaga sa taong nag papatibok ng puso mo kahit anong pangit pa sya sa paningin ng iba. Para sa'yo sya na ang pinaka maganda at pinanaka masarap na snack sa lahat.

Teka lang saan na ba ako? Ba't nakarating na ako sa pag-ibig? Di ata tama to.

"Hoy! Darryn!" nagulat ako ng tapikin nya ang likod ko habang sya naka tayo na. Kumunot naman bigla ang noo ko. "Tayo na, gabi na may quiz pa tayo bukas kailangan pa nating mag aral." Bulalas nito. Tumayo naman agad ako saka sumabay na sa paglalakad nya. "Ahm, may dala ka bang kotse?" tanong nya sa akin. "Oo bakit?" Masungit kung saad. Ngumkti naman sya at kuminang ang mga mata nya. "Ahm, pwede maki sabay? Total iisa naman ang tinitirhan nating bahay." Paliwanag nya. I just shrugged. "May choice pa ba ako?" Simple kung sagot. Mas lalong lumaki ang ngiti nya

"Yay! Salamat akala ko mag cocomute ako ngayon salamat naman at pasasabayin mo ako sayo." Para talaga syang bata kung kumilos may patalon talon pa eh. Hay! Ba't ko bato naging asa-aish! Hindi ko sya asa-- hindi talaga! Never! Hindi ako maininlove sa kagaya n'yang ubod ng daldal tapos para pang bata, hay! In short isip-bata. Tss!

"Welcome home!" nagulat kaming dalawa ni Dusty ng sumigaw si Tita Miriam habang papalapit sa amin.

Teka ba't sila nandito?

"Kumusta ang date nyo? Masaya ba?" bigla akung nasamid sa sarili kung laway sa sinabi ni Tita sa amin. "Ma, hindi naman po kami nag date ano nag kita lang kami ni Darryn kanina sa mall kasi nanood po kami ng sine kasama si Jill at Martin." Dusty explained. Di ko tulo alam ang sasabihin ko.

"Oh? I thought nag date kayo, nga pala kamusta ang first night nyo? mag katabi ba kayong matulog?" tayong nya. Napa tingin naman ako kay Dusty ganun rin sya sa akin. Takte? Parang hindi ko gusto ang isasagot ko ngayon. Damn! I have no choice.

"Yes, tita mag katabi kaming matulog ni Dusty ang sweet nga nya eh, diba, baby?" hinawakan ko ang balikat nya at pinalapit sa akin. Nag signal naman ako na Omo O ka kundi lagot ka sa akin Look. Nakuha naman agad 'yun ni Dusty.

"O-oo mama, mag tabi po kami ni baby ko natulog kagabi sweet nga nya rin eh, ha-ha-ha." halatang fake ang tawa nya habang ako ngumiti nalang kay Tita Miriam.

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Where stories live. Discover now