31: Argument

7.5K 188 2
                                    

Jillianne's Point of view
--

Hinahanap ko ngayon si Dusty dahil alam kung hindi maganda ang lagay nya ngayon. Alam na ng mga estudyante ang relasyon nila ni Darryn. At ngayon kinakabahan ako sa kanya baka ano ang gawin ng mga babaeng fans ni Darryn. Mga harmful pa naman 'yun sila kasi kilala ko ang president ng fan club ni Darryn walang iba kundi si Catherine Sison. Si Catherine Sison ang classmate kung patay na patay kay Darryn, narinig ko sila na may balak silang masama kay Dusty kasi alam na nila ang relasyon ng nila ni Dusty.

Habang hinahanap ko si Dusty nakita ko si Hunter at Martin na mag kasama. Hindi ko alam pero bigla akung nag selos kay Martin dahil kasama nya si fafa Hunter ko. Pero inalis ko agad yung feeling nayun dahil hindi ito ang oras para makipag away ako kay Martin. Kailangan namin tulungan si Dusty, kailangan nya kami ngayon.

"Hunter, Bakla nakita nyo ba si Dusty?" hingal na sabi ko kasi kanina pa ako tumatakbo kakahanap kay Dusty. Kinakabahan na rin ako ngayon.

Ano na kayang nangyayari ngayon kay Dusty? Sana maagapan pa namin ngayon.

"Hindi eh, bakit? May nangyari ba?" tanong sa akin ni Hunter. Binigyan ko sya ng maka buluhang tingin.

"Teka girl ba't hinihingal ka jan? May marathon ka bang sinalihan?" Marthon? Ano ba ang sinasabi ng baklang to? Kung hindi lang talaga to emergency inaway ko na sya.

Himdi ko nalang sya pinansin baka ma stress lang ang beauty ko sa baklang to.

"Kailangan natin mahanap si Dusty. May masamang mangyayari sa kanya ngayon." Paliwanag ko sa kanila. Dahan dahan nag bago ang mga reaction nila.

"Anong ibig mong sabihin?" Si Hunter. Mukhang kabado na ang mukha nya ngayon.

"Kumalat na kasi ang balita tungkol sa relasyon nila Dusty at Darryn. 'Yung classmate kung si Catherine president sya ng fan club ni Darryn may gagawing syang masam-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla tumakbo si Hunter at tinalikuran kaming dalawa ni Martin. Nagulat naman kami kung kaya't nag katinginan kami ni Martin.

What was that?

"Grabi ha? Talagang in love ang fafa Hunter ko kay Dusty believe din ako sa karisma ng friend natin bakla, ha?" sabi sa akin ni Martin. Well I guess hindi na ako dapat humabol kay Hunter dahil ayoko maging love triangle sa kanilang dalawa ni Dusty.

"Hay, teka? Mamaya nayang love love nayan bakla dapat na nating makita si Dusty baka ano ng ginawa ng bruhang Catherine 'yun sa kanya kawawa naman ang friend natin." Hindi ko na inisip ang mga bagay bagay na posible. Agad na kaming pumirme para hanapin si Dusty.

"Correct ka jan sister gorabels na tayo para iligtas na natin si Dusty." maarting sambit ni Martin at tumakbo na kaming dalawa kung saan hahanapin namin si Dusty.

Hay, loving can hurt sometimes. Tama nga naman si Ed Sheeran. Bwesit!

Hunter's Point of view
--

Hinanap ko si Marie sa lahat ng building dito sa university. Nakarating ako sa old building kung saan wala masyadong tao pero wala doon si Marie. Nasaan na kaya sya? Saan kaya sya dinala ng mga babaeng nanakit sa kanya?

Nakarating na ako sa malawak na field kung saan tanaw na tanaw ko si Darryn. Tahimik s'yang naka upo sa isang bench habang malalim ang iniisip. Nilapitan ko sya, tatanungin ko kung nasan si Marie. Baka kasi may alam sya.

Sana nga alam nya..

"Nakita mo ba si Marie?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa akin. Blanko lang ang expression nya sa akin. Alam kung may galit sya sa akin pero wag s'yang mag alala, the feeling is mutual anyway.

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Where stories live. Discover now