25: Sick

8K 224 2
                                    

Dusty's Point of view
--

Sino daw ang gusto ko? Pwedeng sabihing bang sabihin sa kanyang "Darryn, ikaw ang gusto ko. Ikaw ang gusto ko, noon pa." Pero 'yung bibig ko parang ayaw ilabas ang salitang 'yan dahil ang hirap bigkasin. Gusto ko sya pero ang hirap. Ganun siguro pag mahal mo ang isang tao nahihirapan kang aminin sa kanya ang nararamdaman mo.

Hindi mo kasi alam ang susunod na mangyayari baka kasi pagkatapos mung sabihin ang mga katagang iyon baka masaktan ka kasi wala naman s'yang ganoong feelings para sa'yo o di naman kaya maging masaya ka dahil pareho pala kayo ng feelings.

Pero hindi may posibiledad na pag ibinigkas mo yan sa taong gusto mo maari s'yang matawa, ma confused, at higit sa lahat baka eh reject ka lang dahil hindi kayo pareho ng nararamdaman.

Kaya hito ako hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na sya ang gusto ko. Baka kasi pag sinabi ko sa kanyang sya ang gusto ko baka saktan lang nya ako at sabihing "mag move on ka nalang" yung mga ganun.

"Sino ang gusto ko? ano si TOP ng Bigbang sya ang gusto ko tapos may isa pa pala akung gusto si Kim Myungsoo ng Infinite yun sila ang gusto ko" sabi ko sa kanya. Kumunot naman bigla ang noo nya dahil sa sinabi ko. Alam kung parang hindi sya naniniwala sa sinasabi ko pero sana naman maniwala sya baka kasi pag nagtanong sya ulit baka masabi ko na sa kanya ang tunay kung nararamdaman. Nag uunahan kasi ang negative sa isip ko kaysa sa positive kaya sana maniwala sya.

"TOP ng Bigbang? Kim Myungsoo ng Infinite? ano? who the hell are they?" parang hindi pa talaga sya naniniwala. Naman oh! bakit ba nya ako tinatanong kung sino ang gusto ko? Wag nyang sabihin may gusto na sya sa akin? Hindi masamang mag assume pero yun talaga ang kutob ko eh.

Teka lang matanong nga, testing lang baka kumagat.

"Bakit mo ba tinatanong kung sino ang gusto ko?"

"Wala lang tinatanong ko lang pakialam mo ba?"

"Siguro may gusto ka sa akin kaya ka nagtatanong kung sinong gusto ko no?" pag hahamon ko sa kanya. Tiningnan ko sya bigla sumama ang mukha nya. Tsk comfirm nga!

"Are you kidding? ako mag kakagusto sayo? sorry pero mag move on ka nalang hindi kita type alikabok. Hindi ka maganda hindi karin sexy katulad ng mga babaeng gusto ko. Kahit asawa kita alam kung maghihiwalay rin tayo" tingnan mo na confirm nga hindi nya ako type sinasabi na eh. Alam ko naman nayan ang isasagot nya pero bakit ang sakit parin? Letse! Parang uminit bigla ang mag kabilang sulok ng mata ko. Ang sakit rin pala talaga kapag harap harapan na nyang sinasabing hindi ka nya gusto. Parang gusto ko tuloy mag paulan at umiyak nalang sa daan. Ang sakit eh masakit yung huling sinabi nyang maghihiwalay rin kami. Siguro alam nya nayun talaga ang kapalaran naming dalawa.

"Siguro nga maghihiwalay rin tayo" mahinang sabi ko.

"Tara na nga kung saan saan na umaabot ang usapan nato" tapos umuna na syang mag lakad sakin patungung parking lot. Hindi ko tuloy alam kung susunod ba ako sa kanya o maiiwan nalang dito. Bigla syang huminto sa paglalakad nya ng maramdaman nyang hindi ako naka sunod sa kanya. Humarap sya sakin.

"Ano pa bang tinutunganga mo jan? Umuwi na tayo malakas na masyado ang ulan" sabi nya habang naka kunot nanaman ang noo nito. Kahit anong tingin ko sa kanya sya talaga ang nagugustohan ko. Kahit ano pa ang ugali nya mahal ko parin talaga ang taong to.

Pero bakit ganun? bakit sya pa? bakit sya pa ang pinili ng puso kung mahalin? Bakit sa taong ayaw ako?

"Mauna ka nalang umuwi Darryn may gagawin pa pala ako, nakalimutan kung gumawa ng assignment sa English 1 nasa library kasi ang reference at bukas nayun ipapasa bye ingat ka nalang" tapos tumalikod na ako sa kanya. Narinig ko namang tinawag nya ang pangalan ko pero hindi ko nayun pinansin. Naglakad nalang ako palayo at dumaan sa ibang kanto kung saan hindi nya ako makikita.

Okay ito na ang luha ko nag uunahan na ngang lumabas. Expected nato dahil ang dali ko lang talagang masaktan. Nakaka inis, nakaka frustrate sarap umakyat ng building tapos tatalon tapos pag tumalon na ako wala na ang sakit. Letsing Darryn kasi yun eh! ang sakit lang ng sinabi nya sa akin.

Hindi daw ako maganda at hindi rin daw ako sexy? Talagang pinamukha nya sa akin na hinding hindi nya talaga ako magugustohan kahit kailan. Heee! Pag gumanda lang talaga ako who you sya sakin.

Pero teka lang ha? maganda at sexy naman ako noon pa talagang bulag lang sya! Bwisit nakaka stress! Buti narin lang at umulan hindi nakikita ng mga taong nasa paligid ko na umiyak ako. Parang music video lang kumbaga ang drama ko. Tae lang!

Napa tingin ako sa langit ang dilim ng kalangitan kasing dilim ng lovelife ko. Kasing dilim din ng buhay ko pag nalulungkot ako ng ganito.

Kailan kaya ako sasaya?

Darryn's Point of view

Bakit ko ba tinatanong si Dusty kung sino ang gusto nya? Bakit ako nagkaka ganito sa tuwing makikita kung may kasama syang ibang lalaki naiinis ako at the same time gusto kung sapakin yung mga lalaking umaaligid sa kanya?

Hay sakit talaga sa ulo ng babaeng yun lagi ko nalang syang iniisip hindi ba sya napapagod kakatakbo sa isipan ko? Kahit anong pilit kung wag syang isipin talgang pumapasok sya bigla sa isipan ko ng hindi man lang nagpapaalam.

Anak ng pushang gala lang talaga! Nakakainis! -___-

Nang makarating ako sa bahay agad akung sumalpak sa kama ko dahil feelling ko nakakapagod ang araw nato hindi ko akalain na susundan ko ang alikabok nayun kung saan sya mag punta. Hindi ko kasi alam kung anong nakain ko kung ba't ko sya sinunsundan.

Nang makaramdam na ako ng antok ay agad ko ng pinikit ang mga mata ko. Bandang alas syete ng gabi nagising ako dahil nakaramdam na ako ng gutom kaya agad akung bumaba at pumuntang kusina. Nakita ko naman si Dusty na nag lalapag na ng haponan namin sa mesa.

Tiningnan ko sya ba't ang putla nya? Hindi ko nalang ito pinansin pero pakiramdam ko may mali sa kanya.

"Umuna ka nalang kumain busog pa kasi ako" sabi nya tapos lumabas na sya ng kusina. Kumain nalang akung mag isa pero feeling ko parang hindi ako mapakali sa kinikilos ni Dusty. Nang matapos akung kumain pumunta ako sa kwarto nya para ma check kung okay ba sya.

Nang tyempong hindi naman lock iyon ay agad akung pumasok. Nakita ko naman na naka taklob lang sya ng kumot nya. Hindi ito gumagalaw parang tulog ata ang babaeng to. Ang aga naman ata?

"Alikabok," tawag ko sa kanya pero hindi parin sya kumikilos. Tinawag ko ulit sya pero hindi parin sya kumikibo. Inalis ko ang kumot nya at nakita ko syang nanginginig at nilalamig. Hinawakan ko naman ang noo nya at grabi ang init nya.

"Hoy Dusty? okay ka lang ba? sumagot ka? ba't ang init mo?" hindi sya sumagot at maya maya ay nimulat nya ang mga mata nya at naka tingin sa akin. Ang putla talaga nya at nanginginig pa ito.

"Okay lang ako masakit lang ulo ko" garalgal na sabi nito sakin.

"Nag paulan ka siguro no?" hindi na sya sumagot at pinikit nya nalang agad ang mata nya.

Alam kung hindi sya okay kaya agad akung bumama at kumuha ng gamot, malamig na tubig tapos bimpo. Umakyat na agad ako sa taas. Pinainum ko sya ng gamot. Aayaw pa sana sya pero pinilit ko talaga syang painumin para bumaba ang lagnat nya ang init kasi nya. Pagka tapos ay iniglayan ko ang noo nya ng bimpo.

Ilang minuto ay naka tulog na sya pero mataas parin ang lagnat nya. Hindi ko tuloy maiwasang mag alala. Ano ba kasing nang yari sa kanya? kanina lang ang lakas lakas pa ng babaeng to nagawa pa nga nyang mag luto ng haponan tapos ngayon nag sakit na kaagad? Ang hina naman ata nya?

Habang tinitingnan ko syang natutulog na realize ko ang ganda pala nya tapos ang amu pa ng mukha nya ang pula rin ng labi nya. Bigla ko tuloy naalala yung aksidenteng nag lapat ang mga labi naming dalawa inaamin kung kakaiba ang nararamdam ko sa mga oras nayun.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hito nanaman ang puso ko pag nasa tabi ko tagala si Dusty biglang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Mahal kita," bigla syang nagsalita ng ganyan habang natutulog ito. Sino kayang sinasabihan nya sa panaginip nya?

Hinawakan ko ulit ang noo nya mainit parin. Kinuha ko ang bimpo nasa noo nya at pinalitan iyon ng bago. Hay mukhang magiging nurse pa ata ako ng babaeng to.

Itutuloy..

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Where stories live. Discover now